[4]

78 5 0
                                    

Jack Elizabeth's P.O.V.

“Bakit ang aga mo umuwi? Nag cutting class ka?” Mahinahon pero nagdududang tanong ni kuya Blythe.

Patay talaga ako nito! Paano kung tumawag si kuya sa school? O kaya naman tinawagan siya ni James? Pano kung sabihin niya na nakipagsagutan ako sa haliparot na babaeng yun? Paano na?!

“Jack. Tinatanong kita” peste naman oh! Ang kulit naman ng kapatid kong ’to. Saan ba sya nagmana?-_-

“H-hi kuya” nakangiwing sabi ko at kumakaway pa. Nakakatense eh. Hahehihohu!

“Nag over da bakod ka no?” Nakakunot noong tanong niya kaya mabilis akong umiling. Grabe naman to!

“Naku kuya hindi ah! Makabintang ka naman! Anong bang ginagawa sa first day of class? Wala naman ibang ginagawa kung hindi magpakilala---” Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil tinignan nya ko ng masama. Pero teka nga!

Tinignan ko din siya ng masama at paikot na naglalakad sa kanya “Eh ikaw kuya? Anong ginagawa mo at bakit ang aga mo umuwi? May ginawa ka ding kasalanan no?” Nang aasar na tanong ko sa kanya. Oh diba? Its a tie na!

Inirapan niya lang ako at hinila para akbayan. Ang clingy! Minsan naiisip ko kung bakla ba siya? Iyon kasi ang ginagawa niya palagi kapag magkasama kami.

“Same tayo. Pareho lang naman ginagawa sa first day kaya umuwi na ako. Boring eh, Tara gala?” Sasagot pa sana ako pero nahila na niya agad ako. Kita mo ‘to! Kunware galit pero pareho lang naman pala kami.

“Anong gusto mong kanta baby?” Napa 'tsk' nalang ako dahil sa tawag niya sa‘kin. Palagi naman ganon pero sanay na ako, 'yun kasi ang palaging tawag niya sakin eh. Matanda na kaya ako!

Ganito din kami palagi kapag nasa kotse. Nagpapamusic ng napalakas tapos sinasabayan namin. Parang bonding nadin kasi namin.

“Gusto ko yung 'kakaibabe' na kanta ni Donnalyn Bartolome” sagot ko pero

“Rap song again? Wala na bang iba?” nakangiwing tanong niya. Alam nyo yung nakakainis? Yung

“Magtatanong- tanong ka tapos ayaw mo naman pala” nakasimangot na sagot ko. Nakakainis naman yung ganon diba?

“Wag na nga lang. How's your day?”
May pagkaengot talaga tong kuya eh. Ang saya toktokan minsan+_+

“Anong oras palang kuya oh--” sabay tingin sa relo “--wala pang lunch time. Dapat kasi gabi lang yan tinatanong” sabi ko sa kaniya. Turuan ko nga minsan itong kuya ko. Walang silbi ang pag aaral niya, wala naman yatang pumapasok sa utak.

“Is that so?” Kanina ko pa napapansin to eh. Dalawa lang naman kami sa kotse. Baka naman may nakikita syang hindi ko nakikita?

“Kanina mo pa ako ini- english kuya ah! Saan ka ba nanggaling at nakalimutan mong magtagalog?” Tanong ko sa kaniya. Saan ba kami maggagala?

“Mas ok na yung English ng English para mahasa, hindi tulad ng iba diyan” isa nalang talaga iuuntog ko na si kuya sa manibela!

“Tsk! Saan ba tayo gagala? Magroroad trip ba tayo kuya?” Tanong ko. Hindi ko nalang papatulan, baka kasi sipain ako palabas ng kotse eh. Hehehe.

“Somewhere”

“Out there? Hehehe.”Tuloy ko sa sasabihin niya. Kaya inirapan ako. Nakakadalawang irap na siya. Kung hindi kaya bumalik sa dating pwesto yung eyeballs niya, babaliktad din ba yung daan?

Kanina pa nagdadrive si kuya eh pupunta lang naman kami ng mall! Ang dami kayang mall na nadaanan namin kanina. Yung malayo pa yung pinili, nagsasayang lang ng gas!

“Hi sir, good morning! How may I help you?” Tanong ng babaeng staff nitong mall.

Bakit hindi niya ako binati? Hindi ba niya ako nakita? Matangkad naman ako. Chixs panaman yung babae. Sayang! Type yata itong kuya ko. Kung makapagpacute, wagas! Kita pa yung cleavage nya. Bakit hindi niya ibotunes?

Hindi siya pinansin ni kuya at deretso lang na naglalakad. Ay kakawa si ate inisnob! Hahaha!

“Kuha lang baby” sabi ni kuya at nagsimula ng magtulak ng push cart. Nauna kaming pumunta sa junk food shelf. Kinuha ko na yung mga paborito ko.

Cracklings. Check✔

Piattos. Check✔

Martys. Check✔

Nova. Check

Pick- A. Check

Mang Juan. Check✔

“Ang dami naman niyan baby!” Reklamo ni kuya.

“Aba naman kuya! Sabi mo lahat ng gusto ko kaya manahimik ka jan!" Sabi ko sa kaniya kaya sinimangutan niya lang ako. Tagatulak ko sya ngayon. Bwahahaha! Tagatulak ko sya ngayon. #ngitingtagumpay

Sunod naman naming pinuntahan ay mga chocolate! Paborito ko talaga to! Kuha lang ako ng kuha pero syempre mas marami parin yung dairy milk. Matagal ko na kasing hinihintay lumabas ang mga alien doon. Mehehehe!

Madali kaming nabili ni kuya-- este! Ako lang pala. Hahaha! Kumuha pa kasi ako ng mga gummy bears, chuckie, maaanghang na pagkain, yung tig pipisong nabibili sa tindahan. Basta lahat ng gusto kong pagkain kinuha ko. Para tuloy akong nakisali sa 'hakot all you want' hahaha!

Matapos magbayad ni kuya Blythe pupunta kami kainan. Gutom na ako eh. Baka si kuya makain ko kapag hindi niya ako pakainin agad.

Naghanap na ako ng mauupuan. Ang dami kasing tao baka tatayo kami habang kumakain. Pero pwede din naman para deretso.

“Anong oorderin ko baby?” Tanong ni kuya Blythe.

“Lahat ng masarap, pwede na. Isama mo na pati cashier-- ARAY KO NAMAN KUYA BAKIT KA BA NAMIMITIK?!’ Inis na sabi ko sa kanya. Ang sakit sa noo! Pesteng to!

“Kung ano- ano sinasabi mo, diyan ka na nga lang" sabi niya at tumalikod na. Kaya umupo na ako sa upuan baka kasi may makauna. Mahirap na. Makikipag debate na naman ako pag ganon.





Nung matapos na kaming kumain ni kuya umuwi na agad kami. Nakakapagod talaga yun.

Pinabuhat ko kay Han-- Butler ko yung mga pinamili namin.

“Aayusin ko na jack?”Tanong niya. Jack lang yung sinabi ong itawag nya sakin. Silang lahat pala. Alangan namang tawagin akong ma'am dba? Sa gwapo kong to? Wala kang laban!

“Ako na mag aayos nyan. Pupuslit ka na naman ng mga pagkain ko, akala mo diko alam? Sapakin kita jan eh! Labas na! Matutulog pako. Istorbo ka!" Sabi ko sakanya at tinulak tulak na sya palabas pero tumatawa padin.

“Thank you jack!”Sabi niya at tumakbo na pababa. Napakunot tuloy noo ko. Sya na nga yung tinulak magpapasalamat pa@_@

Hihiga na sana ako sa kama nung mapansin kung nakabukas yung plastic. Dali dali ko yung tinignan at nanlaki ang mata ko. May nawawala!

“HHAAAANNNNNN!!!!!!!! BUMALIK KA DITO!!!!!" Sigaw ko at padabog na lumabas ng kwarto.

Puta! Yung KitKat ko!







The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now