[1]

95 12 9
                                    

Zachary's P.O.V.

Hello pretty ladies! I'm Prince Zachary Smith. Ang pinakagwapo sa lahat at hari ng sky university. 16 years old na ako. At take note! Gwapong- gwapo!

Nandito na ako ngayon sa school. First day eh, ayokong malate. Maraming sexy ladies na nagtransfer ngayon pero karamihan parang chaka doll.

Naglalakad ako ngayon papuntang quadrangle, nandoon kasi yung schedule naming lahat. Sabi ng teacher, para daw wala ng announce announce na magaga---

“What the fuck!” sigaw ko ng may makabangga ako-- este sya pala. Binangga ako eh.

“What the fuck ka din! putanginang to! Ang lakas ng loob mong murahin ako ha?!” sigaw niya. Aba't bwisit to ah?!

“Excuse me miss for your fucking information, minura mo din ako. Ngayon ikaw pa yung galit? Eh ikaw nga yung bumangga sa‘kin eh" totoo naman diba? Angas eh!

“Kung hindi ka lang kasi isa't kalahating tanga, Edi hindi kita mabubunggo at hindi  tayo magkakabunggo!" Singhal nya at masamang nakatingin sakin.

Tinignan ko sya mula paa hanggang ulo.

Naka sneakers. Yung mga babae dito naka high heels.

Naka rip jeans. Yung iba naka fitted dress, maiikling palda at shorts.

Pero ang puti ng legs hah! Witweew!!

Naka polo din sya-- teka! Polo talaga?! Eh yung mga babaeng nadadaanan ko naka sleeveless tsaka spaghetti, meron pang naka tube eh. Hahaha! Katawa pre. LT.

“Anong nakakataw--!" Hindi na nya naituloy ang sasabihan nya ng may dumating.

“Huy jack! Naku pinagod mo'ko ang bilis mo maglakad grabe kapagod.” hinihingal na sabi ng lalaking parang familiar. Hindi ko makita yung mukha nya nakayuko kasi eh.

“Bagal mo, tara na. Late na tayo” sabi nung babae or should I say tomboy?

“Aye Aye Captain!” Sabi lang nung lalaki tapos naglakad na sila paalis.

Hindi man lang nagsorry. Bastos!

Hinayaan ko na sila at dumeretso na ng office. Doon ko nalang kukunin yung schedule ko. Ang daming tao sa quadrangle eh, nakakapagod pumila.

“Good morning ate!” Bati ko sa dean. Ate ko yan eh.

“Call me ma'am. Nandito tayo sa school” sagot niya. Ediwow.

“Kukunin ko yung schedule ko, MA'AM" diniinan ko pa yung salitang 'ma'am'. Sabi niya kasi eh

“Here” inabot niya sakin yung schedule ko. “Tamad” dagdag pa niya pero hindi ko na siya pinansin.

Tinignan ko yung schedule ko, nandito na yung grade and section.

Grade 10 Octopus. Room 143

What the fvck!

Ang panget ng pangalan ng section ko! Tsaka ang layo kaya ng lalakarin ko! Bwisit!

Inis akong naglakad papunta sa room. Naglakad ako sa pathway kaya pinagtitinginan na naman ako. Sanay na'ko sa ganiyan, naglakad ba naman ang isang gwapong heartthrob sa harap mo eh.

Deretso lang akong naglalakad at di sila pinansin bahala sila diyan.

Ng makarating ako sa room nakasabay ko pa ang prof. Nice! Dumeretso nalang ako sa upuan ko at umupo.

“Good morning class. I'm Lea Hidalgo, your Adviser” panimula niya at inayos yung bag niya sa table.

“Since first day ngayon, magpakilala muna kayo. Let's start at the back” sabi niya sabay tingin sa likod. Sakin pala hehehe.

“Marami ng nakakakilala sakin pero magpapakilala parin ako. I'm Prince Zachary Smith 17 years old.” pakilala ko. Pinasadahan ko muna ng tingin ang buong room. At. Nakita. Ko. Yung. Tomboy. Kanina. “The child of owner in this scool” Dagdag ko kaya automatic na napatingin siya sakin.

Katabi ko lang sya kanina kaya sya na ang susunod na magpapakilala.

“Jack Gonzaga. 15 years old. Transfery."sabi niya at umupo na.

“James Adrian Parker. 17 years old.” Classmate ko pala ang unggoy nato. Pero bakit kasama nya kanina itong tomboy kong katabi? Tss.

(A|N: bat dimo ipakilala? Tropa mo diba?)

Ediwow. Classmate ko pala yung mga tropa ko. Hahaha! Ngayon ko lang napansin. Si James Adrian sya yung joker sa tropa at palatawa, chick boy at first prince.

“Lance Matthew Dela Vega. 18”-tropa ko din to, sya yung may pagkanerd, pinakagenius saming apat, cold at second prince.

“Spade Joshua Madrigal. 17 years old" sya ang third prince. Hindi ko alam kung bakit ko naging tropa ‘to.

Marami pang nagpakilala pero hindi ko na pinansin, tinitigan ko nalang si tomboy.

Yun na yung pangalan nya sakin halata naman eh. Sa style pa lang ng pag upo niya, alam na.

“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” Tanong nya sakin. Ang angas din Niya magsalita. Maganda sana.

“Bawal ba?” Tanong ko din at nginisian siya.

”Kailan pa naging sagot ang tanong?” Magtatanungan nalang ba kami?

“Ngayon lang. Ba't ba?” Mas tinitigan ko pa sya at halatang inis na inis na. Hahaha.

Nakipagtitigan din sya sakin kaya medyo nailang ako. Bakit parang kinakabahan ako? Parang may nagkakarera sa puso ko.

Aywow puso talaga? Bakla!

Nag iwas nalang ako ng tingin. Ba't nakakailang?

“Okay class, since first day ngayon ibibigay ko na ang natitirang time sa inyo para magkaroon naman kayo bagong friends. Class dismiss.” Tapos na pala ng hindi ko namalayan Tinignan ko si tomboy kaso umalis na pala.

Masundan nga. So ayun nga, sinundan ko siya palabas.

Hinila ko sya at sinandal sa pader. Kinorner ko gamit yung dalawa kong kamay.

“Anong problema mo?!” Inis na sabi niya. Kunwari ayaw pero gusto naman.

“Pakipot ka pa. Crush mo'ko no? Nagkukuwari ka lang na tomboy para mapansin kita. At ito nga, you got my attention” sabi ko sa kaniya. Alam ko na yung mga ganyang galawan. Sanay na ako diyan.

“Kapal ng fes mong unggoy ka! Hindi lahat ng babae makukuha mo. Tsaka nababakla ka ba? Lalaki ‘tong kinakausap mo! Alis nga!" Tinulak niya ako pero hindi ako nagpatinag. Ang sakit ng palo ng tomboy na‘to. Amazona!

“Chansing ka pa. Sabi ko na nga ba crush mo ko eh” pag pupumilit ko. Aamin din to. Tiwala lang.

Marami na din nakikichismis. Binigyan din siguro ng free time. “Talagang ayaw mong umalis?” nauubos na pasensyang aniya. Umiling ako at ngumiti ng matamis “Ah ganon? Hetong sayo!” Bigla nalang niya akong sinuntok sa tiyan tapos tinuhod sa ‘kaligayahan’ ko.

“Tangina mo! Bakit mo ginawa yun?! Paano na yung future ko? Kapag ako nabaog, papatayin kita!”Sigaw ko sa kaniya. Siya naman ay parang nag enjoy na panoorin ako na naka upo habang hawak parin yung 'ano' ko. Sakit kaya! Try mo!

“Masakit ba?” Natatawang tanong niya. Nakuha pa talagang magtanong!

“Subukan ko kaya sayo?!" Sigaw ko sa kaniya.

“No, thanks. Wag mo ng uulitin yun ha?” nakangiting aniya at tumakbo paalis.

Bwisit!

The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now