Prince Zachary's P.O.V.
Lumabas na sina James, Lance, at Spade. Nakakainis ang tibo na yun! Sobra!
“Nugagamo?” Tanong ni James.
“Lumapit kayo dito. Tulungan niyo ako” sabi ko sa kanila. Hirap tumayo bwisit!
Tinulungan naman nila akong makatayo. Tinignan ko ng masama ang mga chismoso at chismosa dito kaya nagpatay malisya na lang sila at lumayo.
“Anyare nga sayo bro?” Tanong ni Joshua. Spade Joshua talaga ang pangalan nya pero ayaw nya sa first name niya kaya Joshua nalang.
“Eh kasi yung transfery! Baguhan palang dito napaka angas na! AKala mo kung sino.” Sabi ko sa kanila at sumimangot.
“HAHAHAHA!” tawa naman ni James. Kupal Neto!
Naglalakad na kami ngayon papunta sa cafeteria. Gutom ako eh hindi pa ako nag breakfast.
Hindi pa kami nakakarating sa cafeteria ay nagsisigawan na yung mga fan girls namin. Ok lang sana sakin yun. Kaso yung gusto ko, astig at may thrill. Hindi pabebe!
Hindi ko sila pinansin dahil gutom na ako. Baka sila makain ko. Pero si James panay smile at kindat sa mga girls. Isa pa to eh!
Papunta na sana kami sa pwesto namin pero napatigil ako. Nakita ko yung nakakainis na 'tomboy' na yun. Nakaupo pa sa upuan ko! Nakakainis!
Maglalakad na sana ako papunta sa kaniya pero pinigilan ako ni James kaya tinignan ko sya ng masama. Mag best friend pala sila hindi man lang nagsabi!
“Sinasabi ko sayo Zach wag mo syang guguluhin kapag kumakain, pagsisisihan mo.” Sabi ni James pero diko pinansin. Bahala siya.
“Huy babae na feeling lalaki!” Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. Busy sa paglamon!
Lumapit ako papunta sa kaniya at kinalampag ang lamesa. Nagulat pa siya kaya sinamaan niya ko ng tingin. Gusto ko sana siyang tawanan kasi lumaki yung mata kaso wag na lang may kasalanan pa siya sa‘kin.
“Teritoryo namin to! Alis!” Sigaw ko sa kaniya. Aba eh matuto sya ng leksyon. Hindi yung sisiga siga siya rito.
Uminom muna siya ng tubig. Yung dere- deretso. Napatingin tuloy ako sa labi niya at napalunok. “Wala akong pakialam sayo” bored na sabi niya kaya nainis ako. The feeling is mutual tangina!
“Alam mo bang school namin ang pinasukan mo? Kaya kitang tanggalin dito kahit kailan ko gusto!” Aba hindi ako papatalo! Lalaki ako!
“Hindi ko alam noon, ngayon alam ko na. Pero wala parin akong pakialam. Tanggalin mo‘ko kung gusto mo. Sanay na'ko diyan dude! Hahahaha!" Tawa lang sya ng tawa kaya feel kong manakal ngayon.
“Ah ganon?”Tanong ko. Tumango naman siya tsaka tinapik ang balikat ko at naglakad paalis. Hindi ako nakagalaw. Parang nakuryente ako. Parang may spark?
Pinagsasabi ko? Nagtawanan naman lahat dahil sa reaksyon ko. First time lang kasing may magtrato sa‘kin ng ganon. At babae pa! Peste!
Tinignan ko sila ng masama kaya natahimik sila. Sila patalsikin ko diyan eh! “Sinasabi ko na nga ba pre. Tsk! Tsk! Tsk! Buti tapos na kumain ,kung hindi nako! Nako talaga!” Sabi ni James. Kapal ng mokong na'to.
Umalis na ako doon sa cafeteria dahil nagsilbi na akong katatawanan dun. Nakakahiya yun! Nakakahiya!
Pumunta ako sa rooftop. Magpapahangin lang ako para naman mabawasan ang inis ko.
At tumigil ang mundo! Dahil sa nakita kong ginawa ng tomboy na'to. Nakakainis! Ang rooftop ay isang restricted area dahil kaming apat lang ang pwede dito. Hindi din namin pinapapintahan to dahil ayaw namin.
Pero sinira ng pesteng tomboy na ito ang rooftop namin! Nakakainis! Eto lang naman yung ginawa niya.
Ayan! Nagsama pa ng gitara at nagyoyosi pa! Peste! Hindi talaga sya babae dahil sa pag upo palang! Nakaka!“Huy babae! Anong ginawa mo?! Bakit mo pininturahan ang rooftop? Bawal ka dito dahil restricted area to!” Sigaw ko sa kanya. She's really getting on my nerves!
“Restricted area to? Bakit nandito ka?” Tanong nya at ngumisi. Kainis talaga!
“Kasi kami ang may ari nito! Pwede ako kahit saan! Labas na! Ipukpok ko sayo 'yang gitara mo kapag hindi ka lumabas!” Sumimangot naman sya at lumabas na.
Mabuti naman. Pero paglingon ko nagulantang ako dahil mas grabe pala ang ginawa nya!
Nakakainis sya!!!!!
YOU ARE READING
The Tomboy And The Playboy
Teen FictionAnong gusto mo sa babae? Yung babae na tomboy ang datingan pero seryoso sayo o yung babae na mahinhin pero nasa loob pala ang kulo? Anong gusto mo sa lalaki? Yung lalaking cold sa iba, clingy at maalaga sayo pero dimo maintindihan o yung lalaking ma...