Prince Zachary's P.O.V.
Sa sobrang inis ko sa tomboy na yon nag walk out nalang ako. Pwede din namam siguro mag walk out ang mga lalaki diba? Hindi puro mga babae lang.
Habang naglalakad lakad ako, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta lakad lang ako ng lakad bahala na si batman pero naisip ko, kung wala na si batman sino ng bahala? Hehe joke lang
Mga ilang minuto na akong naglalakad ng may nakita akong nerd. Yung lalaking nerd na halos araw araw kong binubully. Dahil nga tarantado ako at gutom na gutom na hindi ko muna siya ibubully ngayon.
“Huy nerdy!” sigaw ko. Nagkunwari siyang walang narinig at nagmamadaling maglakad. Pero dahil gutom na talaga ako hinabol ko siya.
Nahablot ko naman yung bag niya. “Saan ka pupuntang gago ka?” hinihingal na tanong ko. “Ayoko na po ng gulo wag mo na po akong gulpihin” natatakot na sabi niya
“Hindi Kita gugulpihin pero bilhan mo'ko sa cafeteria gutom na ako” binigyan ko sya ng pera at tinulak. Naupo muna ako sa pathway at doon naghintay.
Habang naghihintay napapikit ako dahil ang presko dito, mahangin tulad ko. Atleast aminado.
Mga ilang minuto na akong naghihintay pero wala parin yung nerd na yun peste naman! Ayoko sa lahat yung pinaghihintay ako lalo na kapag gutom.
Kahit nabwisbwisit at parang walang mukhang ihaharap sa mga barkada ko naglakas loob nalang akong pumunta sa cafeteria dahil gutom na talaga ako.
Hindi pa ako nakakarating ng makita ko na yung nerd-- pero kasama si jack. Anong meron sa kanila? Pansin kong dada ng dada si jack pero yung nerd di nagsasalita at parang namumula pa, bakla amp*ta.
“Sino ba kasi yung nagpapabili sayo at babaliin ko lahat ng bones niya sa katawan“ rinig kong sabi ni Jack.
Nagtago muna ako sa building na malapit lang sa kanila at nakinig sa pinag uusapan nila. Kabago bago palang dito parang close na lahat ng studyante, correction lahat ng nerd na studyante WAHAHAHA
“Wag kang maingay baka may makariing sayo ibubully ka pa nila” pagpapatahimik ng nerd kay jack
“Pwes hindi ako takot” kainis naman itong tao na to bat di pa umalis gutom na ako. Nakarating na sila sa pwesto ko kanina.
“Asan na yon at ng mabugbog ko?!” magkaano ano ba sila? Hindi muna ako lumabas at nakinig sa usapan.
“Wag ka ngang maingay baka ikaw ba bugbogin nun eh” takot na nabi ng nerd. Dapat lang na matakot sila para makita nila kung sino talaga ang boss
“Matagal pa ba yun?” inip na tanong ni Jack. Ako din naiinip na dahil gutom na ako.
“Umalis ka nalang kaya ko na sarili ko. At tsaka baka madamay ka, kahit babae, pinapatulan ng mga yun.”
“Hindi mo pa yata ako kilala boyyy! Oh sige pero kapag binubully ka pa nila sabahin mo sakin ha? Hakdog! Uupakan ko talaga yung mga yun. At isa pa bakit dika nalang magpasalamat dahil niligtas kita sa mga bumubully sayo. Aalis nako bye!” trying to be a hero? Tignan natin kung hanggang saan ang pagiging bayani mo.
Nang umalis na si jack ay pinuntahan ko na yung nerd at kinuha ang pagkain ko. Kahit gusto niyang umalis ay hindi ako pumayag dahil may gagawin pa ako sakanya. Natapos na akong kumain at tinawag ko na ang mga tagasunod ko. Oh Diba sosyal.
“Hawakan niyo!” utos ko sa kanila habang yung nerd Naman ay takot na takot. Gusto mo bang maihi sa pantalon mo? Kung oo sige ibibigay ko.
“A-akala ko ba hindi mo ako ibubully kung b-bibilhan kita ng pagkain” naiiyak na sabi ng nerd. Pero wala akong pake kahit umiyak ka pa ng dugo.
“Tanga ka? Naniwala ka naman ang b*bo mo!” sigaw ko at sinuntok siya sa sikmura, sa muka hanggang mapaupo at pinagsisipa ko pa. Dumudugo na ang ilong niya kaya tumigil na ako, Hindi naman ako ganon kasamang tao. Slight lang.
Hinablot ko ang buhok niya“Asan na ngayon ang tagapagligtas mo?” bulong ko sa tenga niya. Habang siya? Umiiyak at nagmamakaawang tumigil na ako. Yan ang napapala ng mga talunan mga bob*. “Babae na ngayon ang nagliligtas?! HAHAHA!” nagsitawanan naman kaming lahat sa sinabi ko. Kalalaking tao nagpapaligtas sa babae.
“Kayong lima!” turo ko sa limang lalaking tagasunod ko. “Abangan niyo si Jack Gonzaga sa labas ng gate mamayang uwian at sabihin niyo na wag syang magpakabayani dahil wala siyang mapapala! Magsama kayo ng marami takutin niyo lang. Pero kapag lumaban upakan niyo na! Naiintindihan niyo?!” sigaw ko at nag oo naman silang lahat.
Hindi ako nananakit ng babae pero siya? Hindi naman yata siya babae hahaha. Wala naman akong gagawin sa kanya dahil tatakutin lang naman. Titignan ko lang kung hanggang saan ang tapang ng taong yun.
Pumunta na ako sa room dahil baka malate ako. Humanda ka na sa uwian Jack dahil yan ang napapala ng mga pakialamera.
Ayoko sa lahat yung pinapakialaman lahat ng gagawin ko at kinokontra ako. Ipapakita ko sayo kung sino ang boss at dapat mong katakutan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi guys!👋 Sorry sa slow update dahil busy ako sa module. Babawi ako nextime.
Vote and comments are highly appreciated 😊
YOU ARE READING
The Tomboy And The Playboy
Teen FictionAnong gusto mo sa babae? Yung babae na tomboy ang datingan pero seryoso sayo o yung babae na mahinhin pero nasa loob pala ang kulo? Anong gusto mo sa lalaki? Yung lalaking cold sa iba, clingy at maalaga sayo pero dimo maintindihan o yung lalaking ma...