Prince Zachary's P.O.V.
“Meron tayong panda na alaga ngayon” nahigpitan ko ang hawak sa ice bag dahil kanina pa nang aasar si James.
“Manahimik ka!” sigaw ko sa kanya. Ang sakit ng mata ko tangina!
“Yan kasi” napalingon ako sa nagsalita. Nandito pala si Jack. Pangisi ngisi siya sakin at umiiling iling pa.
“Tangina ang lakas ng suntok mong bwisit ka! Babae ka ba?!” sigaw ko pero tumawa lang siya. Napatingin ako sa labi nyang sobrang pula kahit walang lipstick.
“Wag ka kasing nanghahalik ng mga babaeng masakit manuntok. Ngayon alam mo na?” sa labi parin niya ako nakatingin. Habang nagsasalita siya parang nagslow motion yung labi niya.
“ARAY!” binatukan niya ako!
“Kung saan- saan ka na naman nakatingin. Sa susunod na ulitin mo pa yun hindi lang yan ang aabutin mo sakin maliwanag ba?” dahan dahan akong napatango. Ang pula talaga ng labi niya. Hindi ako makapaniwalang ang labing yun ay nahalikan ko na. Hehehe keleg ako.
“Huy Zach! Parang kang tanga na nakangiti dyan gago ka tinamaan ka na ba?!” napakunoot ang noo kong tumingin kay James pero agad din akong napangiti. Ang lambot ng labi ni Jack ang pula pa hehehe.
“Tangina nagbaliw na yata tumatawa at ngumingiti mag isa”
“Tinamaan yata ang gago”
“Sinong hindi tatamaan sa lakas ng suntok niya”
“Siya lang yung masaya na may black eye”
Hindi ko pinansin ang mga kasama ko dito sa clinic at nag imagine nalang. Sabi ko na nga ba type ako ng tomboy na yun!
“Uwi na tayo” napatingin laming lahat kay Spade.
“Bakit?”
“Busy ang mga teacher” napatango laming lahat at tumayo na. Worth it black eye ko. Si jack ba naman nahalikan ko hehe.
“Paano nga pala si Jack? Kasabay natin siya kanina diba?” tanong ko kay James.
“Nauna na. May pupuntahan daw” nakakunot ang noo ni James sakin na parang alam na niya ang gusto kong sabihin.
“Wag siya, masasaktan ka lang. Hindi mo ba nakikita na tomboy siya? Ibig sabihin hindi kayo talo kaya wag ka ng umasa” Sabi niya at nauna ng maglakad. Hindi ko pinansin yung sinabi niya. Tignan natin kung hindi siya mainlove sakin sa gagawin ko.
Wala pang naka resist ng charms ko no.
Pagkauwi sa bahay ay naligo na ako at gusto kong magrelax. Kinausap pa ako ni mom pero diko pinansin dahil gusto ko ng maligo. 2.00 PM palang.
Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na ako dala ng laptop ko. Lowbat Kasi yung cellphone kaya no choice ako.
Nag log in ako sa fb at nakita kong in accept na ako ni Jack. Sinasabi ko na nga! Type niya ako. Inistalk ko muna siya. Stalk muna bago chat. Wag na kayong umangal dahil gawain niyo din naman to.
Tinignan ko lahat ng pics niya Wala akong pinalampas kahit isa. Ngayon ko lang narealize na ang astig niya pala talaga at ang angas ng dating. Marami siyang pic ng nakamotor, nakakotse, nakabike, nakahawak ng skateboard, nakasakay sa taas ng bus. Marami din sa zoo, nakita ko din yung ibat ibang kulay ng buhok niya. Tawagin nyo na akong nababakla pero ang ganda niya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siyang online. Kunti nalang talaga maniniwala na ako sa destiny. Mukhang itinadhana kami ayieeee.
Kahit kinakabahan ay nagtype parin ako ng chat sa kanya. Ilang ulit pa akong napasabunot at napa face palm sa mukha dahil nanginginig yung kamay ko. Tangina para akong 5 years old na kakausap sa crush.
Nagchat ako ng ‘Hi crush’. Habang naghihintay ay nag scroll muna ako sa timeline niya. Ang daming shared post! Sino ba naman ang hindi gaganahan magshared post kung madami ka reactor. Gusto ko din sanang magreact kaso baka mahalata.
Parang tumigil ang mundo ko ng magreply siya. Nagkakarerahan na naman ang mga kabayo sa dibdib ko, tangina nakakabakla talaga. Huminga ako ng malalim bago inopen ang chat niya.
Jack: Hello putangina mo wrong send ka gago!
Napatawa ako ng malakas. Ako lang yata ang minumura na masaya. Pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako magreply.
Zachary: Sayo ko talaga sinend yan, crush kita e
Jack: Anong nakain mong gago ka?
Zachary: Wala. Inlove lang.
Jack: Tantanan mokong hinayupak ka!
Zachary: May tanong lang ako.
Jack: Ano yun?
Nakailang buntong hininga na ako dahil sa pagpapakalma sa sarili ko. Magkakaroon na yata ako ng heart attack sa sobrang bilis ng heart beat ko tangina.
Zachary: Saan malapit ang puso mo?
Jack: Sa lungs
Zachary: Ay akala ko sakin
Jack: Oo nga sayo lungs
Sa sobrang kilig nagtatalon pa ako at kiniss yung laptop. Tawa ako ng tawa habang tumatalon. Tanginang tomboy yan hanep magpakilig!
“Anak are you okay?” tanong ni mommy sakin at may hawak pang sandok.
“Anong niluluto mo mommy? Ako na, baka pagod ka” nakangiting sabi ko sakanya at inagaw ang sandok.
“Are you really okay son?” nakangiwing Sabi ni mommy na parang ang weird ko.
“Of course mom masaya lang” Sabi ko at tumawa. Punyemas ka Jack kilig na kilig ako sayo! Maghanda bukas ikikiss ulit kita!
“OMG among nangyari sa mata mo? Sinong umaway sayo?” galit na tanong ni mom. Ngumiti lang ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat.
“Okay lang ako mommy hindi naman masakit” masarap nga yung kiss e hehehe
“Tapatin mo nga ako anak”
“Ano po yun?”
“Are you inlove?”
“No mom crush lang” ngumiti pa ako ng matamis
“I think you're inlove anak. Akin na nga yan hindi ka naman marunong magluto” napakamot nalang ako sa batok dahil sa hiya. Parang ang O.A. ko.
Dumating ang gabi na maganda parin ang mood ko. Nakangiti pa akong nagsasandok ng kanin. Tanong ng tanong si dad pero ang sabi ko lang ‘saka ko na ipapakilala kung akin na’ Wala ka ng kawala Jack Gonzaga.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nag log in ulit ako sa fb at nagchat kay Jack.
Zachary: See you tommorow crush! Goodnight mwah!
Votes and comments are highly appreciated!
YOU ARE READING
The Tomboy And The Playboy
Novela JuvenilAnong gusto mo sa babae? Yung babae na tomboy ang datingan pero seryoso sayo o yung babae na mahinhin pero nasa loob pala ang kulo? Anong gusto mo sa lalaki? Yung lalaking cold sa iba, clingy at maalaga sayo pero dimo maintindihan o yung lalaking ma...