Jack Elizabeth's P.O.V.
Natawa na lang ako dahil sa nanghamon sakin hahaha ;) ang lakas ng loob manghamon ng race eh talo naman
Lumabas na ako sa kotse ko at dahan dahang naglakad sa kotseng kinalaban ko. Ang bagal kasing bumaba.
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse pero nakalock. Seryoso? Takot ba ‘to sa mga gwapo? Hahaha etong mukang to? Wala na kayong makikitang tao na kasing gwapo ko hahaha!
Kumatok ako sa bintana pero ayaw pa din buksan. Nagsisimula na akong mapikon.
“Punyeta ka kapag hindi mo binuksan to, babasagin ko salamin ng kotse mo!” Sigaw ko. Sino ba kasi to? Paepal naman
Narinig ko na yung pag unlock ng kotse kaya medyo lumayo ako. Dahan dahan ang bukas ng kotse, parang nang iinis na ewan.
Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng lumabas si Zach. Siya talaga to?
”H-hi” nauutal na bati niya, meron pang pakaway kaway.
“Adik ka ba?” hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang yan pero kusang lumabas sa bibig ko.
“Anong adik? Sinong adik?!Ako? Sa gwapo kong ‘to pagkakamalan mo akong adik?!” Humagalpak ako ng tawa dahil sa mga sinabi niya. HAHAHA taena kanina nauutal pa tapos ngayon natataranta na.
Parang jowa mo. Noon masaya pa kayo pero ngayon hindi na:)
Sa una lang talaga masaya HAHAHA charrottttt
“Wag ka ngang tumawa bwisit ka!” Gago ‘to, kailangan talagang isigaw sa mismong muka ko?
“Tangina mo hindi porke mabango hininga mo e isisigaw mo na sa mismong mukha ko! Tumatalsik laway mo!” Lintik lang ang walang ganti *evil laugh*
“E gag--”pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa matapos.
“Kapag minura mo'ko--” tinignan ko muna siya tsaka ngumisi. -“-Tropa na tayo” tinalikuran ko na siya at nauna na akong maglakad. Bahala siya.
Prince Zachary's P.O.V.
Haiissttt nakakainis! Bwisit na tomboy yun! Nagpapadyak nalang tuloy ako. Ang sakit isipin na natutulala ako kapag nandiyan siya.
Parang jowa mo. Ang sakit isipin na wala ka palang jowa mehehehe
Inis akong naglakad papuntang room. Alangan namang tutunganga pa ako doon e magmumukha lang akong tanga.
Habang naglalakad ako, as usual. Marami na naman nagbubulungan at nagtitilian. Tsk! Gwapo ko talaga;)
Pagkadating ko sa room nagsitamihik naman silang lahat. Deretso na ako sa upuan ko ng hindi ko tinatapunan ng tingin si Jack. Bahala siya diyan nababadtrip ako sa kaniya.
Teka nga! Bakit ba ako nababadtrip sa kaniya?
Bakit nga ba?
Dahil natalo niya ako sa race! Oo yun nga. Wala ng ibang dahilan.
“Huy King kanina ka pa nakatunganga diyan gutom na kami ano ba?!” Sinamaan ko ng tingin si James. Hanggang ngayon nababadtrip parin ako, buset na yan!
Inilibot ko ang tingin ko sa classroom. Kami nalang ang nandito.
“Bakit ka naninigaw?!” sigaw ko din nauna ng maglakad. Nakakainis talaga.
“Parang bakla naman ampota” napatigil ako sa paglalakad. Paglingon ko nakasimangot na si Jack habang nakatingin sakin.
“Inaano ba kita?”

YOU ARE READING
The Tomboy And The Playboy
Teen FictionAnong gusto mo sa babae? Yung babae na tomboy ang datingan pero seryoso sayo o yung babae na mahinhin pero nasa loob pala ang kulo? Anong gusto mo sa lalaki? Yung lalaking cold sa iba, clingy at maalaga sayo pero dimo maintindihan o yung lalaking ma...