[14]

21 3 3
                                    

Jack Elizabeth's P.O.V.

Pagkalabas ko ng classroom namin ay naglakad lakad nalang ako para hindi boring. Hindi ko pa naman masyadong kabisado ang school.

Nakita ko yung basketball court kaya dali dali akong tumakbo doon. Ang lawak ng basketball court. Ang saya siguro maglaro dito. Ang astig men! May cr pa at locker room. Kung pwede lang sana makipagsabayan ang mga babae sa lalaki ay matagal na akong nasali.

Hinanap ko muna yung bola para makapaglaro. Pampalipas oras lang. Kaway- kaway sa mga pampalipas oras diyan!

Noong nahanap ko na ay drinibble ko iyon. Napapangiti pa ako dahil sa wakas nakakapag basketball na ulit ako! Pinaikot ko pa sa daliri ko bago nishoot. Boom pasok!

Kinuha ko ulit yung bola at tumakbo habang dini dribble at ishoot sa kabilang ring. Pasok ulit!

“Wow ang galing!” muntik na akong madulas sa nagsalita dahil sa gulat. Yung nerd!

“Tangina naman men wag ka ngang naggugulat!” ngumiti lang siya sakin at umupo malapit sa ring.

“Ang galing mo magbasketball” Sabi niya sakin ng nakangiti.

“Hindi naman sakto lang. Ikaw marunong ka?” umiling naman siya sakin. Hindi naman siya masyadong matangkad. Mas matangkad lang siya sakin ng 2 inches siguro.

“Gusto mo turuan kita?”

“Talaga?” napatayo naman agad siya at lumapit sakin.

“Ay wag na pala matagal akong matuto” kung masama lang akong tao binato ko na ng bola ang ulo neto.

Hindi ko na siya pinilit at naglaro nalang ulit. Kung ayaw edi wag.

“Jack!” andito na sila James

“Paano mo nalaman na nandito ako?” binato ko sa kanya yung bola pero nasalo niya naman.

“Malamang nagtanong ako. Ang galing mo parin magbasketball bilib yung mga tropa ko sayo” nasa likod niya yung tatlo na gunggong.

“Anong bilib? Ang weak nga niya e!” sinimaan ko ng tingin si Zach. Paepal talaga to kahit kailan.

“Atleast hindi ako panget katulad mo! Singkit na tarsier!” lumapit siya sakin at tinulak ako. Syempre di ako papatalo tinulak ko din.

“Ano!”

“Ano palag”

“Ano lapit ka”

“Ano suntukan”

“Bakit hindi pa kayo magrambulan puro kayo ano” napatingin naman kami jay Spade. Oo nga naman may point siya.

“Tama na nga yan laro nalang” awat sa amin ni James.

“Tig tatlo nalang. Huy nerd! Sali ka kung ayaw mo mabully!”

“Magkakampi kami ni James sino sasali samin isa” nagtinginan naman ang apat.

“Ako nalang” Sabi ng nerd ng nakayuko.

“Anong pangalan mo?” matagal ko ng kausap to hindi ko pa alam ang pangalan.

“Leo”

“Wag ka ngang yumuko leo hindi ba masakit leeg mo? Kapag naglalaro ka nakayuko ka lang?” iritadong tanong ko sa kanya

“Kung takot ka kay Zach sipain mo nalang ang bird-”

“Wag mokong inaano pag untugin ko kayo” gigil na sabi ni Zach

“Akala ko ba hindi ka marunong?” bulong ko kay leo

“A-ah a-ano.. mejo lang” napairap nalang ako. Kunwari hindi marunong tapos kapag naglaro magaling pala. Sus! Gawain ko din yan e.

The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now