Jack Elizabeth's P.O.V.
Maaga akong gumising ngayon para pumasok sa school. Pagkauwi namin ni kuya Blythe kagabi ay tulog na lahat ng tao sa bahay.
Kinuha ko na yung gamit ko at dali daling lumabas. Baka makita ako ng tatay kong magaling.
“Anong ginagawa mo dito?” Ayan na nga ba ang sinasabi ko.
“Bakit?” tinignan lang ako ng tatay kong magaling.
“Pinalayas na kita diba?” seryoso pala talaga siya na palayasin ako. Sana all mahal.
“Sino nagsabing mapapalayas mo ako?” inirapan ko siya at naglakad na papuntang kusina.
“This is my house. I can do whatever i want” nakangising sabi niya sakin.
“I'm your daughter i can do whatever i want. Baka gusto mo ipakulong kita? Hindi pinakilala sa nanay tapos ayaw pang sustentohan?” sasagot pa sana siya pero bumaba na ang lima kong kuya.
“Good morning! Ok na kayo?” tanong ni kuya Blythe.
“Hindi pero hindi na daw niya ako papalayasin” nakangiti kong sabi sa kanila. Nakakunot naman ang noo ng tatay kong magaling na nakatingin sakin. Parang sinasabi na ‘ikaw na ang pinakaepal na anak sa balat ng lupa’
“Mabuti naman kung ganon. Aalis din ako kung aalis ka” napangiti nalang ako sa sinabi ni kuya Blythe. Kaya paborito ko siyang kuya.
“So you're choosing her over me?” parang may hinanakit na sabi ng magaling kong tatay.
“Why not dad? I'm her brother by the way. If you can't do your responsibility as her father then I'm willing to do it” gusto ko tuloy umiyak. Ang swerte siguro ng magiging anak ni kuya.
“I can destroy your business” matapang na sabi ni papa.
“I can destroy our business too dad” gulat na napatingin kaming lahat kay kuya joseph. Ang panganay.
“Pati ba naman ikaw?” hindi makapaniwalang sabi ni papa. Nagkibit balikat lang si kuya Joseph at tinuloy na ang pagkain. Padabog pa na nag walk out si papa palabas ng kusina. Naiiyak akong nakatingin kay kuya joseph.
“Why are you crying?”
“Akala ko kasi hindi mo'ko mahal” naiiyak sa sagot ko sa kanya.
“Cut the act, wala kang luha. Oh ayan baon mo mag aral kang mabuti” bibigyan niya ako ng 2k at lumabas na siya ng bahay. Sumisinghot pa ako ng luha bago kumagat ng hatdog.
Sunod sunod na lumabas yung mga kuya ko. Hindi na daw ako maihahatid ni kuya Blythe dahil late na daw siya sa trabaho. Hindi naman ako pwedeng sumabay sa kuya kong si Steven dahil magrarambolan lang kami.
Tinawagan ko si James para sunduin ako. Sakto daw dahil dadaan siya dito sa bahay. Ang unggoy na yun. Buti nalang maaga akong nag ayos, makikikain lang naman yun.
Ilang minuto lang ay may bumusina na kaya lumabas na ako. Patakbo akong lumabas dahil makikikain pa yan. Pumasok kaagad ako sa kotse niya.
“Ano ba yan di man lang ako pinakain ang kuripot mo naman” binatukan ko siya.
“Gago ka ba? Ang yaman yaman mo makikikain ka? Ang baboy mo na nga”
“Ang aga aga nagmumura ka diyan” hindi na ako nagsalita at nagpatugtug nalang. Full Volume pa para masaya.
“Ano ba yan ang ingay niyo naman!” gulat na napatingin ako sa likod ng sasakyan. May tao pala, hindi ko nakita.
“Anong ginagawa ng mga gagong yan dito?” babatukan ko sana ulit si James kaso nakailag.
“Anong gago? Baka gwapo” sabi ni Zach. Katabi niya si spade.
“Mas gwapo pa ako sayo. Wala ka pa sa kalingkingan ng paa ko” mayabang na sabi ko sa kanya
“Ang tomboy mga panget”
“Ako ang pinakagwapong tomboy”
“Asa ka pa, ang panget mo para kang unggoy na sobrang balbon” nanlalaki ang matang napatingin ako sa kanya. Tinawag akong unggoy. Tinawag akong unggoy.
“Yari ka Zach magrarap yan”
“Mas panget ka feeling pogi tangina tignan mo yung mata mo ang singkit kapag ngumiti ka hindi ka na makakakita. Tignan mo yung kwentas mo parang second hand na binili sa tabi tabi. Yung ilong mo may kulangot pa mahiya ka naman! Yung baba mo may kanin pa tukain ka sana ng manok. Ang yaman yaman mo nakikisabay ka sa kotse ng may kotse poor ka ba? Feeling astig mukha kang palaso na nilunod sa tae ng kalabaw!”
Napanganga naman yung dalawa habang si James tawa ng tawa ng nagmamaneho. Natauhan na yata si James dahil hinawakan yung baba kaya natanggal ang kanin na isang piraso. Hinawakan yung ilong kung may kulangot. Joke lang naman yun pero ang gago naniwala naman.
“Ah ganon?” nanlilisik ang matang tinignan ako ni Zach. Magsasalita pa sana siya pero umawat na si Spade.
“Para kayong mga bata” napairap nalang ako at tumalikod sa kanila. Ilang minuto pa ay nakarating sa kami sa school. Kanya kanya kaming bukas ng pintuan ng kotse. Napatingin tuloy yung mga ibang studyante sa amin.
Prince Zachary's P.O.V.
Pagkababa namin ay pinagtitinginan kami ng mga studyante. Syempre mga gwapo kami except kay Jack na feeling close at malakas magmura. Hambog.
Naglakad na kami papasok ng gate. Napatingin naman ako kay Jack na inaayos ang sumbrero. Kung titignan siya parang hindi babae lalo na at nakatago yung buhok niya sa sumbrero.
“Ayusin mo nga lakad mo Jack baka mapaaway tayo e” bulong ni James na rinig ko naman. Napatingin ulit ako jay Jack. Ang angas nga maglakad. Naka jogging pants,T-shirt na black at rubber shoes siya. Naka all black ang gago.
“Wag masyado titigan baka matunaw 'yan” tinignan ko ng masama si Spade.
“Anong sinasabi mo diyan? Tinignan ko lang ang malisyoso mo naman” napa 'tss' nalang siya at hindi na nagsalita pa. Nakarating na kami sa classroom pero wala pa yung teacher.
“Wazzup mga tol”
“Tol? Katol” tinignan ko ng masama si jack. Kahit kailan talaga paepal to e.
“James kain tayo mamaya sa bagong bukas na cafe libre mo ha?” naupo na ako sa pwesto ko at nakinig sa kanila. Wala lang trip ko lang makinig.
“Wow ha! Ikaw nagyaya tapos ako manlilibre?” tumawa lang si jack at ginulo yung buhok ni James. Kung hindi lang tomboy to iisipin kong may something sa kanila. Kaso kilala ko itong kaibigan ko, hindi pumapatol sa mga cheap.
Dumating na yung teacher kaya nagsitahimik na kaming lahat. Tinanggal na din ni jack yung sumbrero niya pero nakatali ang buhok. Marami sigurong kuto kaya laging nakatali ang buhok.
Isang sandali pa ay inaatake na naman ako ng kaboringan. Naglabas ako ng notebook at pinunit ang ibang pahina. Kinuha ko yung pinabaon ni yaya na tubig at binasa yung papel. Ginawa kong pabilog at binato sa ulo ni jack. Sapol!
Nakakunot ang noo siyang tumingin sa likod kaya patay malisya ako.
Pok!
Pok!
Pok!
“ANO BA! SINO BA YUNG BUMABATO SAKIN?!” lahat kami ay nagulat sa biglang sigaw niya at humarap sakin.
“MS. GONZAGA GET OUT OF MY CLASS!” lagot. Terror pa Naman ang prof namin ngayon.
“Sorry sir may bumaba--”
“I SAID OUT! NOW!” napapikit nalang siya sa inis at tinignan ako ng masama. Napatingin ako sa mga mata niya at biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin. Anong nangyayari sakin?
“May araw ka rin sakin Zachary” napatingin ako sa kanya at mas lalo pang bumilis yung heartbeat ko tangina kailangan ko na yatang mag pa check up!
YOU ARE READING
The Tomboy And The Playboy
Ficțiune adolescențiAnong gusto mo sa babae? Yung babae na tomboy ang datingan pero seryoso sayo o yung babae na mahinhin pero nasa loob pala ang kulo? Anong gusto mo sa lalaki? Yung lalaking cold sa iba, clingy at maalaga sayo pero dimo maintindihan o yung lalaking ma...