[11]

15 3 6
                                        

Jack Elizabeth's P.O.V.

Halos maiyak na ako sa inis dahil nakakadiri talaga. Tinignan ko si Matthew ng masama.

“Wh-why are you looking at me like that?” dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya.

Malapit na nga akong mabugbog, ang baho pa ng hininga ng nakausap ko tapos mahahawakan ko pa yung suka ko? Ang saklap naman yata ng buhay ko.

“What the hell diyan ka lang!” nakakunoot ang noo siyang nakatingin sakin. Noong malapit na ako sa kanya ay pinunas ko sa kanya yung kamay ko na may suka ko.

“Fvck!” tinignan niya ako ng masama. Galit na yata. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako nakahandusay dito.

“You will pay for this dammit!” tinulak niya ako kaya napaupo ako. Tangina ang sakit ng pwet ko! Nakatakas na nga ako kanina tapos mabubogbog lang pala ako?!

“Jack! Matthew, nag aaway ba kayo?” buti nalang dumating si James!

“Sapakin mo pre inaaway ako! Tinulak ba naman ako ng mokong na to!” sumbong ko kay James

“Pinunas niya sakin ang suka niya! Stupid!”

“Mas stupid ka bobo!”

“See? Siya na may kasalanan siya pa may lakas ng loob magmura!” napatingin sakin si James at nag crossed arms.

“Bakit mo ginawa yun jack?”

“Tinatawag niya kasi akong stupid, english ng english nasa pilipinas naman” nihead to foot ko siya at inirapan.

“Totoo naman” susugudin ko na sana siya pero pinigilan ako ni James.

“Tama na yan umuwi na tayo, para kayong mga bata” hinila na ako ni James. Mabuti pa nga baka mabugbog ko pa yung matthew na yun.

“Hey stupid! Paano Naman yung damit ko?”

“Ibenta mo tas bili ka bago mayaman ka naman diba?” kinaladkad naman ako ni James kaya halos matapilok na ako sa bilis niyang maglakad.

“Ano ba james gago ka ba?” tumigil naman siya at paglalakad at tinignan ako ng masama.

“Nilayo na kita para matapos ang away niyo. Alam kong hindi ka magpapatalo sa kahit sino Jack, pero sana naman wag mo silang pagtripan dahil kaibigan ko din sila” inirapan ko nalang siya at naglakad na

“Tara na nga ang drama mo”

Nakauwi naman ako ng safe sa bahay. Yun nga lang puro satsat si James at nagdadrama pa tungkol sa mga 'kaibigan' niya kuno at kung gaano sila kabait. Syempre hindi naman ako naniniwala dahil hindi ko pa naman nakikita yung sinabi niya. Kung wala pa kami sa bahay ay baka hindi pa siya tumigil sa pagsasalita.

Nasa kwarto ako ngayon kakatapos ko lang maligo. Hindi pa naman ako gutom kaya nag fb muna ako. Nagtingin muna ako sa mga friend requests. Nag add sakin yung tatlong mokong. Si Matthew, spade at Zach. Nag accept naman ako ng mga fr kahit hindi ko kilala. Pandagdag lang sa friends HAHAHA

Bumaba na ako dahil gutom na ako. Sakto naman nakita ko si kuya Blythe pababa.

“Good evening kuya!”

“Sinong naghatid sayo? Manliligaw mo?” napairap nalang ako ng palihim.

“Si james bakit ?” palibhasa walang girlfriend.

“Wala, tara kain na bunso” pagbaba ko nandon lahat ng kuya ko pati si papa.

“Himala at kompleto tayo ngayon?” hindi ko maiwasang maging sarcastic. Kahit kailan hindi kami naging kompleto na kumain. Kahit noong bata pa ako.

The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now