[16]

23 1 0
                                    

Prince Zachary's P.O.V.

Bago ako pumasok sa school ay bumili muna ako ng kape sa starbucks para sa aming lima. Magpapapogi points muna ako kay Jack. Pangisi ngisi akong nagdadrive habang iniimagine kung paano ako babatiin ni Jack.

Sinundo ko yung mga unggoy kong tropa bago namin pinuntahan si Jack sa bahay nila o mas tamang sabihin na mansyon sa sobrang laki.

Pagdating namin doon ay bumaba na kaming lahat. Sabi kasi ni James makikikain daw kami. Tss sayang yung kapeng binili ko, ang mahal pa naman.

“Huy James gago feel at home ka” hinila pa ni matthew si James para patigilin maglakad.

“Ok lang yan mga tol kilala ako dito” gago talaga. Kilala nga sya dito e pano naman kami?

“Mahiya ka naman!” binatukan ko siya at sinamaan ng tingin. Napabuntong hininga nalang siya at nagtanong sa katulong.

“Manang bebang si jack po?”

“Tulog pa yata hijo alam mo naman iyon. Akyatin niyo nalang” naglakad na si James pero nagkatinginan kaming tatlo.

“Wala po bang magagalit?” tanong ko sa katulong.

“Wala hijo kung gagawa naman kayo ng masama edi sa hukay na ang bagsak niyo panigurado” hindi na kami nagsalita at nag unahan ng sumunod kay James. Grabe naman sa hukay agad? Hindi ba pwedeng sa kulongan muna?

Lakad lang kami ng lakad hanggang sa tumigil kami sa harap ng black door na may pangalang 'JACK'.

“Hoy Jack gising na!” gulat kaming tatlo kay James dahil kinalampag niya ang pintuan. Tang ina hindi uso kumatok?

“Hey stop it nakakaistorbo ka” saway ni Spade sa kanya.

“Hindi ok lang ganito talaga kami” napakunot ang noo ko sa kanya. Matagal na ba talaga silang magkakilala?

Ilang sandali pa ay nabuksan na ang pintuan. Kulang nalang ay magkaroon na si jack ng dalawang sungay at umusok ang ilong.

“Tangina mo umagang- umaga gago ka ba?!” sigaw ni jack. Sinabunotan pa niya si James na tawang tawa.

“Ehem!” napatingin ako jay spade na nakataas ang kilay at masama ang tingin kay jack. I'm so disappointed. Akala ko pa naman ay short at sando ang suot pero naka pajama siya at oversized t-shirt. Napailing ako at napabuntong hininga.

“Eto ang susundoin natin? Look at her ilang oras tayong maghihintay?  Late na tayo” madiin na sabi ni Spade at tinignan ng masama si Jack.

“Sinabi ko bang sunduin niyo ako?! Edi mauna na kayo mga hampas lupa!”

“Huy! Ikaw na nga sinusundo ikaw pa galit?” nainis na din ako dahil sa inaasta niya ngayon. Hambog!

“Tama na yan mga tol bad ang nag aaway. Maligo ka na hintayin ka namin” binagsak ng malakas ni jack ang pintuan kaya bumaba na kami.

Naturn- off tuloy ako sa kanya dahil hindi man lang marunong magpasalamat siya pa ang galit.

Pagkababa namin ay marami ng nakahandang pagkain. Parang fiesta sa dami ng nakahain.

“Ayos gutom na ako!” naupo na si James at nagsandok ng makakain. Ang walanghiya feel at home talaga di man lang marunong mahiya ang gago.

“Hintayin mo naman bumaba yung may bahay hindi ka na talaga nahihiya?” binatukan siya ni matthew  kaya tinignan niya kami ng masama.

“Kanina pa kayo nangbabatok!”

“Sino kayo? What are you all doing in my house?” napalingon kami sa binatang bumaba sa hagdan. Naka formal attire at seryoso ang mukha.

“Good morning boss!” sumaludo si James sa kanya.

“Who are they?” tinignan niya kaming lahat at tumigil ang paningin nito sakin.

“Classm--” hindi pa ako natatapos ay nagsalita na si James. “Barkada niya kaming lahat kuya” tumingin si James samin at pinaningkitan ng mata. Sumang ayon-nalang-kayo-look.

Bumaba na si jack ng nakaligo na at nakabihis. Ang bilis naman yata niya maligo? Turn- off ulit ako at baka hindi siya naghihilod.

“Sino ang boyfriend ni jack sa inyo?” biglang tumawa si jack kaya napatingin ang lahat sa kanya.

“Whats funny?”

“Anong boyfriend? Pag untugin ko pa kayong lahat eh. Tabi!” sinangga niya ang lalaki at naupo na.

“Hindi mo ako ipapakilala?” napairap si Jack bago magsalita.

“Si joseph yan kuya kong panganay. Kaya umupo na kayo at kumain na, late na tayo” umupo naman kami habang yung kuya niya ay napabuntong hininga.

Kanya kanya kaming kuha ng kakainin habang nakikiramdam. Parang nag iba at atmosphere nakaka tensed.

“Asan ang paborito kong kuya, tulog pa ba?” tinignan ng matalim ni joseph si Jack kaya pati ako ay kinilabutan.

“Wag mong sasabihin sakin yan at baka pag untugin ko kayong dalawa” parang dejavu ang nangyari dahil yun din ang sinabi ni jack kanina. Si james na maingay ay biglang naging seryoso at hindi nagsasalita. Nagkatingin na naman kaming tatlo at pare parehong hindi comfortable.

“Pahinge 5 thousand para ikaw na maging paborito ko” si jack lang yung maingay at tawa ng tawa. Tuwing napapasulyap ako sa kanya ay tinitignan ako ng kuya niya kaya umiiwas ako ng tingin.

“BTW, you look good together” bigla akong nabilaukan dahil sa sinabi ng kuya niya sakin. Tang inang yan!

“Mahiya ka nga kuya! Suntukin ko muka mo epal to” ngumisi lang ang kuya niya at pinagpatuloy na ang pagkain. Tumingin si jack sakin at inirapan ako. Bat parang kasalanan ko pa?

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami at kanya kanya ang pwesto.

“Hayyy solve na ang sarap ng pagkain!” napatingin ako kay James dahil nag ingay na naman.

“Paanong hindi masarap eh Patay gutom kang tangina ka” napangiwi ako sa pinagsasabi ni jack. Umagang- umaga nagpapaulan ng kasamaan.

Pumasok na kami sa kotse. Ako ang nagdrive at nasa passenger seat ni Spade. Hindi yata matagalan ang ingay ng dalawa at pagmumura ni jack.

“Shut up! Akala mo ba nakakaganda ang pagmumura?!” gulat akong napatingin kay spade. Hindi na nakapagpigil ang gago.

“Hindi naman ako maganda kaya tangina ka” napa face palm nalang ako dahil hindi yata tinatablan si jack ng saway. Tigas ng ulo.

“Huy Zachary! Bilisan mo nga at natatae ako!”

“Kadiri ka wag mo nga akong isali sa kagaguhan mo!” sa sobrang inis ay pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan.

“Seryoso gago bilisan mo na!” nagpapanic na sigaw niya. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo dahil mukhang seryoso siya.

Malapit na kami sa parking lot ng scho---

*Prrrtttttttttttttt*

Nanlalaki ang matang tinignan namin si jack.

“Tangina ang baho!” kahit hindi pa nakaabot sa parking lot ay bumaba na kami dahil sa sobrang baho! Tangina umuubo pa kami dahil pumasok sa ilong ang amoy!

“Akala ko tae utot lang pala” tumatawa pa syang bumaba ng kotse.

“Gago ka ang baho!”

“Walang hiya hindi man lang nahintay magpark”

“You're really stupid!”

Lahat kami ay kanya kanyang reklamo habang siya at tumatawa. Nakakaturn off ang babaeng sobrang baho ng utot! Bwiset!


Votes and comments are highly appreciated!

The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now