[7]

35 6 2
                                    

Prince Zachary's P.O.V.

Nakakainis si Jack. Napilitan tuloy akong maging tropa niya. Kasi Naman eiii, halata namang type niya yung nerd kanina. Mangkukulam siguro yung nerd kasi sa unang tingin pa lang niya nakuha na niya yung interest ni Jack.

Nandito kami sa canteen ngayon. Ang takaw pala kumain ni Jack. Pang construction worker ang tiyan. Katabi ko si Lance at Spade tapos karahap namin si Jack at Adrian. Ang sakit nila sa mata, nagsusuboan ba naman sila sa harap namin kagigil!

“Kung ganyan lang naman kayo sa harap namin mas mabuti pang humanap nalang kayo ng ibang table” Sabi ni Lance tsaka nag walk out. Well, totoo naman kasi mehehehe

Nagkatinginan naman si Adrian at Jack tapos sabay tumawa. Mga walang hiya, sana matanggal na lahat ng ngipin nila para hindi na sila makangiti. Parang gusto ko silang saksakin ng tinidor.

Jack Elizabeth's P.O.V.

Umalis na yung dalawang gunggong. Ewan ko ba kong bakit ganon sila sakin. Hindi ba nila ako lab? Joke lang HAHAHA syempre di ko rin sila lab

Pumunta na rin kami sa classroom dahil baka ma late kami. Habang nakukwentuhan kami ni James ay nakita ko na naman yong nerd kanina. Hindi ko alam pero may pagkakapareha talaga sila nung ex kong manloloko

“Arayyy!” Napaupo ako sa sahig dahil nauntog na pala ako sa pader puchangina

“HAHAHAHAHA ayan sige titigan mo pa” pagkantyaw sakin ni James kupal

Hindi ko na siya pinansin at pumasok nalang sa classroom. Titig na titig naman si Zach sakin na parang tanga. May dumi ba sa mukha ko? Crush ba ako neto? Inirapan ko siya at umupo na sa upuan ko, pumasok naman si James na tumatawa pa rin.

Buong maghapon ay wala kaming ginawa kundi ang magkwentuhan dahil walang namang teacher.

Feeling ko tuloy ang dami dami ko ng basher at haters kahit first day of school kasi kasama ko yung mga ‘campus prince’ keneme nila

So ayon nga guys, mamaya nalang dahil matutulog pa ako byeeeee

Prince Zachary's P.O.V.

Saan kaya nakatira ang tomboy na yun? Mayaman kaya siya? O baka may kaya lang? O baka naman sa ilalim ng tulay? Mehehehe sorna

So habang nakaupo sa classroom wala akong magawa, ang boringgggggggg

*Tingin sa harap* may mga mokong na nagbabatuhan ng papel

*Tingin sa kanan* mga babaeng nagmamake up at nagpapacute sakin;)

*Tingin sa likod* may nagbabasa, nagsusulat, mangjowang naglalampungan na maghihiwalay din naman.

*Tingin sa kaliwa* may tomboy na tulog -/-

BWAHAHAHAHA may pagtritripan na naman akooooo

Lumapit ako sa mga babaeng nagmamake up at kinuha yung polbo

“kyaahh! Prinsepe kooo!” mga impakta

Lumapit ako kay Jack at ibubuhos ko na sana yung polbo ng pigilan ni Adrian ang kamay ko.

“Teka naman pre anong gagawin mo?” tanong ni james, tumahimik na din ang ilang kaklase namin at nag- aabang yata kung anong mangyayari.

“Shhh wag kang maingay gagawin ko siyang lola” pagpapatahimik ko sa kaniya.

“Gago ka ba? Parang napaka walang kwentang best friend ko naman kung hahayaan kitang gawin yan” inagaw niya sakin yung polbo.

“Eh diba best friend mo din naman ako? Bakit parang pinipili mo siya kesa sakin?” awts ansakit sa heart(╥﹏╥)

The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now