[3]

75 7 7
                                    

Jack Elizabeth's P.O.V.

Umalis na'ko agad doon. Hindi niya kasi napansin na mas maraming pintura sa likod niya kaysa sa inuupuan ko kaya ayun. Tumakbo na'ko! Narinig ko pa siyang sigaw ng sigaw kaya tinawanan ko lang sya. Hindi naman niya maririnig.

Dahil sa layo ng tinakbo ko ay napunta ako sa likod ng Senior High Building. May mini garden kasi dito tsaka mahangin kaya napakarelax sa pakiramdam.

Naupo ako sa ilalim ng puno dahil sa pagod. Grabe! Namiss ko ito! Wala lang naman akong napagtripan tapos pagdating ko sa rooftop walang kakulay kulay kaya ayun! Pininturahan ko para maging colorful. Yehey!

“Why are you here?”

“Anak ka naman ng ina mo oh!” Naisigaw ko nalang dahil sa gulat.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ng lalaki. Walang ekspresyon ang mukha niya pero mukhang masungit. Ang hirap niyang basahin pero sabagay, hindi naman siya libro.

“Edi nakaupo! Ano pa ba?” Bulag din ata to eh. Nakikita na nga, nagtatanong pa!

“Idiot. This is a restricted area. Hindi ka pwede dito. Sino ka?” Tao malamang!

“Inere ako pre! Inere! Hindi sinuka!

“Hindi ako nakikipagbiruan sayo. You're not funny.” Nagjojoke ba'ko? Hindi naman ah!

“Alis ka nga, panira ka ng moment!" Inis na singhal ko sa kaniya.

“This is a restricted area. You're not allowed here” bakit ako ini- English nito? Best in English kaya ako nung elementary. Nakipag away pa'ko noon pero imbis na pagalitan pinuri pa ako. Oha!

“I'm 15 years old” sagot ko at ngumiti ng matamis. Hindi naman kasing lasa ng kamatis pero sintamis ito ng asukal.

“Estúpida. Sabi ko bawal ka dito” nanaman?

“Palagi nalang bawal?! Kanina sa rooftop tapos ngayon sa mini garden! Anong susunod? Sa library?!" Inis na sigaw ko sa kaniya at nag walk out. Palagi nalang kasing bawal, parang hindi ako welcome sa school na'to. Hindi sila open legs sakin.

Naglakad na ako papunta sa room. Hindi naman siguro bawal dun noh?

“Ang bilis mo maglakad.”

“Shutangina!” Tinignan ko ng masama ang biglang sumulpot sa tabi ko. “Kabute ka ba? Kanina ka pa, uupakan na kita!”Alam niyo kung sino? Syempre iindi! Siya lang naman ang taong pinagbawalan ako sa mini garden kanina. Chaka!

“Nag- iisa ka?” Bulag ba sya?

“Hindi! Nandito mga yung kasama ko oh!" Sabay turo sa anino ko.

Hindi na siya nagsalita at nakisabay lang sa paglalakad. Ayoko siyang kausapin. I don't talk to strangers, in tagalog, snob ako sa personal!

Malapit na kami sa classroom ng may narinig akong mga bulungan. Pero parang parinig, o baka nagchichismisan?

Oyy bes! Look oh! Prince lance is with that cheap girlchismosa #1

Close ba sila? Diba siya yung pinag- uusapan na bago?” chismosa #2. Ako pinag uusapan? Naks! Pogi ko naman.

She's so cheap and ugly, hindi sila bagay!chismosa #3

Bakit naman kami magiging bagay? Tao naman kami eh! Pwede bang maging ganon yon? At ako pangit? Pangit na ugali lang! Pwe!

The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now