[5]

52 4 1
                                    

Jack Elizabeth's P.O.V.

“Aray ko jack, masakit!” Nagpupumiglas na sabi ni Han dahil pinipingot ko ang tenga niya. Gago kasi to! Kukuha pa nga chocolate ko eh pwede namang bumili nalang. Daming sweldo neto.

“Kulang ba yung sahod mo sa kuya ko ha?!” Pasigaw na tanong ko sa mismong tenga niya.

“Ano ba?! Pwede wag kang sumigaw? Nakakainis ka! Bwiset!" Nagpapadyak na sabi niya. Hahaha! Parang bata.

“Uulit pa?”

”Hindi na po”

“Sigurado?”

“Opo”

“Siguradong sigurado?”

“Oo nga! Ang kulit!” Natawa naman ako sa kaniya. Napipilitang kumalma dahil kapag kumontra tanggal ang tenga niya Hahaha.

“My baby bakit gising ka pa? Akala ko ba matutu--” hindi na niya natapos ang sasabihin ng mapatingin sa katabi ko. My baby? Tss! Ang tanda ko na tinatawag pa akong ganyan! Si kuya Blythe yan. Pasalamat siya at paborito ko siyang kuya.

“Anong ginagawa niyo?!” Eh? Anong ginagawa ngamin? Napalingon naman ako kay han--

“Ahhhh! Ano ba Han bakit ang lapit mo? Peste kang hinayupak ka!” Sigaw ko kay han at dali daling lumayo. Eh pano ba naman, paglingon ko nagdikit na yung ilong namin! Tapos sya humagalpak na ng tawa. Pati si kuya natawa na din sa reaction ko.

Sinamaan ko sila ng tingin at naglakad na pabalik ng kwarto ko at ni lock. Haayyss. Ano kayang mangyayari bukas? Ayoko ng pumasok!

K I N A B U K A S A N

“Good morning tomboy kong kapatid! Hahaha!”

“Ahhhhhhhh!" Napasigaw agad ako at napabalikwas ng bangon ng maramdaman kong may malamig na tubig sa katawan ko. Ay Hindi! May bumuhos na napakalamig sa katawan ko!

“Peste kang unggoy ka! Karmahin ka sa-- ahhhhh!” Hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko ng madulas ako.. Grrr!

“Hahaha” Imbes na tulungan ako ay tawa pa ng tawa!

“Wala ka talagang silbi kahit kailan! Isusumbong kita Kay kuya Blythe! Peste ka!” Sigaw  ko kay kuya steven. Yung pang apat kong kuya.

Tumayo na ako at dahan dahan naglakad dahil baka madulas na naman ako. Peste kasi to! Panira ng tulog! Walang magawa sa buhay kaya nabuang na. Tss!

“Kapatid naman! Sorry na ha? Nanglalambing lang naman ako eh” nakangusong aniya.

“Nanlalambing? Ang sweet mo naman talaga kuya no?” Sarkastikong sabi ko. Nag tsinelas na ako at tumakbo pababa. Naririnig ko pang tinatawag niya ko pero di na ako lumingon. Hahaha it's pey bak taym!

Takot kasi kami sa kaniya. Napaka strikto at mainitin ang ulo. Pero paborito niya ako kaya naiinis sa akin si kuya Steven. Dapat daw sya yung bunso pero dumating ako. Panira daw ako ng kaligayan. Tss!

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko na si kuya na nag aagahan.

“Oh? Anong nangyare sayo?” Kunot noong tanong niya.

“Eh kasi si kuya Steven binuhusan ako ng napakalamig na tubig kaya nagising ako. Pwede naman akong gisingin ng maayos diba? Sakit pa sa ulo yung mga ice tapos pumasok sa ilong ko yung tubig”

Nakangusong paliwanag ko. Hahaha! Lagot si Steven universe nito. Naningkit naman ang mata nya at naunang maglakad sa taas. Hanggang sa makaabot sa kwarto ko. Pero walang tao?

“Oh asan?” Iritang tanong ni kuya. Palaging badtrip kapag umaga.

“Nandito lang kanina yung gagong yun eh!” Sabi ko. San napunta yun?

Pumunta ako sa closet. Wala. Sa banyo. Wala. Sa terrace. Wala.

“Tapos ka na kakahanap?” Walang ganang tanong ni kuya.

Hinila ko naman siya papunta sa kwarto ni kuya Steven. At booommmmmm! Nagtutulugtulugan?!

“Hey Julian! Wake up sleepyhead!” Malakas na niyugyug ni kuya Blythe ang katawan ni kuya Steven pero dedma.

“Tsk. Tsk. Tsk. Masyadong halata” iiling iling na sabi ni kuya. Ikaw ba naman yugyugin ng napakalakas hindi ka magigising? Bwahahaha!

“Maligo ka na tapos mag breakfast, ipapalinis ko yung kwarto mo. Dun ka na sa kwarto ko maligo" sabi sa‘kin ni kuya Blythe.

Lakad takbo naman akong pumunta sa kwarto ko para kumuha ng damit na gagamitin ko sa school.

Derederetso na akong pumunta sa banyo. Baka ako pagalitan ni kuya hehehe.

Pagpasok ko hinubad ko na lahat ng damit. Alangan naman nakadamit ako maligo diba? Tanga lang?

Binuksan ko na yung gripo pero hindi pa ako nagsimulang maligo.

“Jack! Bilisan mo late na'ko!” Halos tumalon ako sa gulat ng sumigaw si kuya Blythe. Hindi pa ako nagsisimula peste naman oh!

Busy kasi akong nakikipagtitgan sa tubig. Ganito ako maligo. Nakatunganga muna hahaha pereng tenge ;)

“Jack! The heck is wrong with you?! Bilisan mo naman! Anong santo ba ang kinakausap mo at kanina ka pa diyan?” Anong Santo nga ba kinakausap ko? Hahaha pa'no ba maligo mga prendz?

“Eto na po patapos na!” Wala ng sumagot kaya dali- dali na akong naligo at nagbihis.

F A S T F O R W A R D
================================

Nagdadrive na ako ngayon. Nagjojoy ride pa ako dahil maaga pa naman. In on ko na yung speaker sa kotse ko para hindi boring. Adik kasi ako sa music mga prendz hehezs

I just need, little of your time!
Little of your time to show me that I am the one!

Natawa na lang ako sa kanta. Paano mo naman masasabi na ikaw ang tamang tao kung konting oras lang ang ibinigay niya?

Prince Zhacary's P.O.V.

Magandang- maganda ang gising ko mga ka tropa hahaha! Hindi ko alam pero excited ako pumasok sa school.

Pakanta kanta lang ako ng mahagip ng paningin ko ang black fortuner na napakabilis magpatakbo. Nag aaral pa kaya yung nagdadrive niyan? Hamunin ko kaya ng race?

At dahil nga walang masyadong sasakyan, pumantay ako kaniya at bumusina. In off ko na yung speaker ko dahil hanggang dito sa loob ng sasakyan rinig na rinig ko yung music niya.

Bumusina pa ako ng limang beses dahilan para bumusina din siya pabalik. Gumilid sya at parang hinihintay akong pumwesto. Tumitibok ng mabilis ang puso ko hahaha bakit ganito?

Bumusina na sya ng tatlo at pinatakbo ng mabilis ang sasakyan niya. Gago yun ah?! Yun na ba yung go signal? Pinatakbo ko na din yung sasakyan ko and guess what? Ako na yung nauuna hahaha!

Bakit ba kinakabahan ako pota. Bumibilis ng bumibilis ang mga sasakyan namin kasabay ng bilis ng tibok ng puso ko. Normal lang to diba?

Nagulat ako ng nauna na naman sya! Ang layo na ng agwat namin. Parang expert na expert siya sa pagpapatakbo ng sasakyan. Hindi kaya racer to? Mali ba kinalaban ko?

Hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Confirmed dito sya nag- aaral! Magkatabi kami ng nagparkan. Parang pinapauna nya pa akong bumaba. Pero dahil nga mataas ang pride ko, hindi ako bumaba.

At tumigil ang mundo.

Nang lumabas si Jack Gonzaga sa sasasakyang kinalaban ko! Wahhhh! Pinapatibok mo ng mabilis ang puso ko Jack! How dare you?!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A|N = Wazzup kamusta mga ka tropa?? Sorry sa sobrang tagal na update hahaha!

So ayun nga mga prendz!

Shout out Kay JESHIA MAE SALANDO

Iadd nyo sya mga ka tropa😂 siya nga po pala yung pinakamatalino at pinakamabait sa section namin hahaha sowrey natatawa ako eii😂






The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now