[12]

22 4 9
                                    

Jack Elizabeth's P.O.V.

Tumakbo na ako hanggang makalabas ako sa gate. Ngayon ko pa nakalimutan magdala ng sasakyan. Kahit cellphone at pera wala. Pero bahala na basta makalayo ako ok na.

Napadpad ako sa playground malapit sa bahay. Umupo muna ako sa swing dahil napagod na ako sa pagtakbo. Nagsisimula na naman mag unahan tumulo ang mga luha ko. Marahas ko namang pinunasan yun. Hindi ako mahina. Mahihina lang ang umiiyak.

Bakit hindi nalang niya sinabi na patay na si mama? Simula pagkabata hindi nila sinasabi kung nasaan si mama, kung ano ang pangalan niya, pati mukha niya hindi ko alam.

“Jack!” napalingon ako. Si kuya Blythe.

“Umuwi na tayo gabi na” tumayo ako at hinarap siya

“Hindi mo ba narinig kuya?! Tinakwil niya ako!” lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

“Wala na akong mama, wala pa akong papa” napaiyak nalang ako. Mas masakit ang mawalan ng magulang kaysa mawalan ng jowa.

“Nandito ako, hindi kita iiwan. Hindi ka iiwan ni kuya” mas lalo tuloy akong naiyak. Si kuya Blythe nalang yata ang nag iisang nagmamahal sakin.

“Tumigil ka na nga mas lalo kang pumapangit. Pangit ka na nga since birth” hinampas ko siya ng malakas. Bwisit!

“Edi pangit ka din magkamuka tayo e” tumawa naman siya at niyakap ulit ako. Mabuti nalang at may kuya akong mahal na mahal ako. Kaya maswerte yung iba dahil kompleto at masaya ang pamilya nila.

Habang niyayakap ako ni kuya ay biglang tumunog yung tiyan ko. Gutom pa ako! Tinignan niya ako at tumawa ng malakas.

“Kain muna tayo nagwawala na yata ang mga alaga mo”

Hinila na ako ni kuya sa mini grocery sa malapit. Pagkapasok namin ay biglang napatigil yung dalawang babae sa ginagawa nila at parang nagdaday dream pa na nakatingin kay kuya Blythe. Bigla naman lumapit yung isang babae kay kuya.

“Sir what can I do for you?” nagpa cute pa yung babae kay kuya. Cute naman talaga siya.

“Baby what do you want to eat?” napatingin naman ako kay kuya at tinignan siya ng masama. Bwisit to ang ganda ng kaharap e! Napatingin naman sakin yung babae at nihead to foot ako. Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Wala Naman mali sa damit ko. Buti nalang hindi ko nakalimutan mag bra.

Hindi ko na pinansin si kuya at kimuha nalang ng cup noodles tsaka piattos at pineapple juice. Sumunod naman sakin si kuya at kumuha nadin ng kakainin niya. Pumunta kami sa counter para magbayad. Cute yung babae kanina pero sexy yung cashier. Sumisilip yung cleavage hehe

“278 po lahat” napaangat tuloy yung tingin ko kay ateng cashier. Sa mukha lang dapat ang tingin pero minamagnet ako ng cleavage ni ate e. Kinuha ni kuya yung cup noodles para lagyan ng hot water kaya ako yung magdadala ng mga kakainin sa mesa. Napatingin ulit ako sa dalawang bundok

“Uh e-excuse me” napatingin ako sa mukha niya. Ang ganda

“Anong tinitignan mo?” bigla tuloy akong natauhan sa pinaggagawa ko.

“Ah sorry tinitignan ko lang yung pangalan mo” may pangalan sa gilid ng damit. Ashley

“Hi ashley” tinignan ko siya ng matamis. Yung killer smile ko. Awkward Naman siyang tumingin sakin.

“H-hello”

“Pwede kunin number mo?” ganun talaga ako straight to the point

“Bakit?” tinaasan naman niya ako ng kilay. Maganda na nga ang mukha maganda pa ang boses

“Ilalakad kita sa kuya ko” syempre palusot lang yan no.

“Uy ako din” siya yung babaeng lumapit saamin kanina. Tinignan ko pangalan niya pero dede na naman nakaagaw ng pansin ko. Mas malaki kay ashley

“Gaga ka aagawan mo pa ako! may boyfriend ka kaya!” lalakero din pala ang mga babae basta gwapo

“Ako ang nauna no!” sagot Naman ni Jane.

“Para walang problema akin nalang ang number niyong dalawa” sumang ayon naman sila sa sinabi ko at binigay na sakin ang papel. Kinuha ko na yung binili namin at pumunta sa bakanteng table. Sakto naman na nakargahan na ng tubig ni kuya yung cup noodles.

“Kuya ibulsa mo nga muna” binigay ko sa kanya yung papel

“Ano yan?”

“Basta ibulsa mo nalang kukunin ko din mamaya” binulsa na niya yung papel. Napatingin naman ako kay ashley, yung cashier at kinindatan siya. Kinilig naman siya doon.

Nagsimula na kaming kumain ni kuya. Nakakalimutan ko talaga ang problema ko kapag may magagandang babae akong nakikita.

“Hindi ba maanghang yan?” tinuro niya yung cup noodles ko. Spicy Kasi ang kinuha long flavor.

“Hindi. Gusto mo?” umiling Naman siya. Nababakla na yata kuya ko. Hindi kaya ang maanghang na pagkain.

“Bakit ba ang hilig mo sa maanghang?”

“Pareho kasi kaming hot” nabulunan naman si kuya kaya tumawa ako ng malakas. Napapalakpak pa ako dahil ang epic ng reaction niya.

“Ang ingay mo ang daming nakatingin” napatingin naman ako paligid at napakuyo nalang.

“Bilisan mong kumain at uuwi na tayo”

“Pero kuya, wala akong uuwian” bigla na naman tuloy akong nalungkot. Ang sama ng tatay ko sakin.

“Meron yan ako bahala. Kapag pinaalis ka edi sasama ako sayo. May condo naman ako” sinabi ko naman kay kuya kung pwedeng sa condo nalang niya ako magpalipas ng gabi pero hindi siya pumayag.

“Hindi ka din naman matitiis ni dad lilipas din ang init ng ulo niya” hindi lang naman basta mainit ang ulo ni papa. Ayaw niya talaga sakin.

Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at kumain nalang. Titignan ko sana ulit yung cashier pero nahagip ng mata ko yung dalawang lalaking nakajacket at sumbrero. Parang familiar. Sabi na familiar e! Si Zach at Spade!

Biglang tumingin sakin si Zach at nagulat pa. Bigla naman siyang nag iwas ng tingin. Kinalabit niya pa si spade at mabilis na umalis. Tatawagin ko sana pero di kami close.

Anong ginagawa nila dito? At bakit parang nagtatago? Feel na feel nila iflex yung mga mukha nila sa school. May tinataguan ba sila?








================================

Votes and comments are highly appreciated!❤️





The Tomboy And The PlayboyWhere stories live. Discover now