Special Chapter 2

942 33 18
                                    

"Hindi ka ba nangangawit?"

Umiling siya.

"Pang-ilang beses mo ng tinanong 'yan? Ayos lang ako, Cyrus." Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

Huminga ako nang malalim at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. I glanced at her little baby bump; it was her 3rd month in pregnancy.

Ngayon ang pangalawang beses na pupunta kami kay Dr. Deity para magpa-check-up. Ang desisyon kong tumira sa sarili naming bahay ay nabago nang sabihin niya sa akin ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi ko iyon inaasahan at ayoko rin maramdaman niya na hindi pa ako handang maging isang magulang, lalo pa at may sarili rin siyang mga pangamba.

"Huwag mo sanang masamain, Katherine, pero si Dr. Deity na mismo ang nagsabi na kahit sa ikaanim na buwan ka na ng iyong pagbubuntis bumalik maliban na lang kung may komplikasyon kang nararamdaman. You are worrying too much," sabi ko at sinulyapan siya.

Bumuntonghininga siya. "Gusto ko lang masiguro na maayos lang lahat sa kanya. Baka may mali at hindi ko pa alam."

Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin. Medyo pagod ako dahil magdamag ako sa duty at lumiban ako sa trabaho para mapagbigyan siya sa gusto niya.

"Napapagod ka na ba? Pagod ka na ba sa akin?" tanong niya na ikinagulat ko.

Hindi ako kumibo at humanap ng pwedeng mapagtabihan ng sasakyan. Hininto ko ang kotse sa ilalim ng isang malaking puno at hinarap siya.

"Pagod ako sa trabaho, hindi dahil sa iyo, Katherine," matapat kong sabi.

"S-Sorry, dapat hindi na kita inabala pa. Sana pinapahinga na lang kita. Bakit hindi mo sinabi?" Tumingin siya sa akin, may munting luha sa mga mata.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. Minsan ay gusto ko na ring dumaing pero alam kong mas mahirap ang kalagayan niya.

"I'm alright. Ikaw ang inaalala ko, what makes you so worried? Bakit masyado kang nag-aalala na baka merong mali sa anak natin?" tanong ko.

Hindi siya sumagot kaagad, pinagmasdan ko siya. Yumuko siya at kinagat ang pang-ibabang labi.

"Katherine?" tawag ko sa kanya.

"N-Natatakot ako na baka maging katulad niya ako," mahinang sabi niya na nagpawala sa mga iniinda ko.

"Katherine..." Bulong ko at marahan siyang hinila palapit sa akin.

"Natatakot ako, Cyrus, na baka maging lumpo rin siya kagaya ko. Ayokong matulad siya sa akin, hindi ko yata maaatim na maranasan niya ang mga naranasan kong hirap. Hindi siya pwedeng maging kagaya ko kaya gusto ko laging nasisiguro na ayos lang siya palagi. Patawad kung pati ikaw ay nadadamay pa sa mga pag-aalala ko." Humigpit ang yakap niya sa akin.

Hindi ko alam na ganito kalalim ang mga iniisip niya. I never thought something like that. Ang masigurong ayos lang naman ang bata sa sinapupunan niya at wala kahit anong komplikasyon ay ayos na ako, hindi ko alam na ganito kahirap para kay Katherine ang magbuntis.

"Kung ano man ang naranasan mo noon ay hinding-hindi niya dadanasin dahil ikaw ang ina niya. Alam kong poprotektahan mo siya at mamahalin. Hindi tayo katulad ng mga magulang mo noon, hindi natin siya pababayaan kagaya ng ginawa nila sayo kaya ka tuluyang nalumpo. Sisikapin natin na hindi niya makuha ang kapansanan mo pero kung sakali man ay hindi naman mababago ang pagmamahal natin sa kanya. Nakikita ko ngayon pa lang na mahal na mahal na siya ng mga tao sa paligid niya. Lalong-lalo na ng kanyang ina," sabi ko at sinapo ang magkabila niyang pisngi.

"Cyrus, laging alam mo kung paano mapapagaan ang loob ko. Mahal kita, hanggang ngayon nagpapasalamat pa rin ako na ibinigay ka sa akin ng Diyos. Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mabuti para ibigay ka sa isang lumpong kagaya ko," sabi niya kahit panay ang tulo ng kanyang mga luha.

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon