Kabanata 24

1K 32 0
                                    


Proposal

Idinalat ko ang mga mata ko nang may marinig akong mga boses sa paligid ko. Masakit ang buong katawan ko lalo ang ulo ko na parang nangangapal pa. Hilo pa ako at sandali pang nawawala ang pandinig ko.  Ilang segundo pa akong nakatulala bago ko nagawang ilingon ang ulo ko sa aking gilid.

Nakita ko si Ate Rizza na kausap ang isa sa mga kasambahay sa mansyon habang hawak ang isang malaking bag. Lumabas sila ng kwartong kinalalagyan ko at hindi man lang akong nakitang gising.

Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot iyon. May nakakabit din sa aking IV kaya mas lalo akong naging maingat.  Naalala ko ang pangyayaring nagdala sa akin sa sitwasyong ito. Muntik na akong mamatay at magahasa pero dumating si Cyrus. Buti na lang at dumating sya. Palagi na lang niya akong nililigtas.

Sinubukan kong umupo pero hindi kaya ng katawan ko kaya nanatili akong nakahiga. Nilibot ng aking paningin ang buong kwarto. Puting-puti iyon kaya hindi na ako nagtaka kung nasaan pa ako dahil halata namang nasa ospital ako at sa gilid ko ay may isang maliit na mesa na may bulaklak at mga prutas.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Akala ko si Ate Rizza pero hindi. Si Cyrus na naka-uniporme pa, siguro ay kagagaling niya lang Police Station at dumiretso na rito. Inalis nya ang pang-itaas na uniporme at T-shirt na puti ang natira. Bumuntonghininga pa siya pagkatapos maitupi ang uniporme.

Umupo sya sa may sofa sa gilid malapit sa pinto. Tinukod ang siko sa may tuhod at inilagay ang mukha sa dalawang kamay. Tumingin sya sa direksyon ko at nagtama ang tingin namin. Yumuko sya muli at umiling. Maya-maya lang ay bumalik ang tingin nya sa akin. Sa pagkakataong iyon ay nagtagal na at puno ng pagtataka na napalitan ng pagkabigla.

Tumayo sya at lumapit sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Yumuko sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Hindi makapaniwala ang mga mata niya. Siguro ay dahil gising na ako.

"Hi," namamaos kong sabi dahil hindi sya nagsasalita.

"K-Katherine, thank goodness. You're awake. Thank God, you are awake," sabi nya at hinalikan ang noo at pisngi ko.

Tumulo ang luha nya sa akin na kaagad din nyang pinunasan. Lumayo sya sa akin at tumayo nang tuwid. "Kailangan kong tawagin ang doktor. May masakit ba sa iyo? Tell me," usisa niya at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.

Ngumiti ako at umiling sa kanya. "Walang masakit sa akin, okay lang ako," sabi ko at hinawakan ang kamay nya.

Umupo sya sa upuan na katabi ng hinihigaan ko. "May kailangan ka ba? Anong gusto mo? Sabihin mo sa akin, nauuhaw ka ba? Nagugutom? What do you need?"

Tumawa ako sa mga tanong nya. "I need you. Kaya dito ka lang," napapaos kong sabi.

Hinalikan nya ang kamay ko. "I promise. Pinag-alala mo ako ng husto. Para na akong mababaliw ng lumipas ang ilang araw ay hindi ka pa nagigising. I thought I  will going to lose you. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kaya hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong nagising ka. Nangangako ako ngayon na hindi ko na hahayaang mawala ka sa paningin ko. Kahit isang segundo, lahat ng gagawin mo dapat ay alam ko at kasama ako sa lahat ng desisyon mo."

Nangilid ang luha ko sa sinabi nya. "I'm losing my hope back then, nagdasal ako na dumating ka sana. Alam kong imposible pero dumating ka pa rin. You saved me and that's enough for me. Thank you so much. Akala ko mamatay na ako o makukuha niya ang isang bagay na para sa iyo lang sana. I can't give myself to him, siguro ay matagal ko ng nailaan iyon sa iyo kaya ikaw lang ang pwedeng kumuha. Kung hindi ikaw ay hindi ang sino man."

Pinunasan nya ako luha ko at hinalikan ang mga labi ko. "Sisiguraduhin kong mapaparusahan si Miguel sa ginawa nya sa iyo. Hindi sapat ang pambubugbog ko sa kanya. Walang kapatawaran ang ginawa nya sa iyo. Anong karapatan nyang gawin iyon sa iyo?! Anong karapatan nya?! Wala, Katherine. Hinding-hindi ko iyon gagawin sa iyo, wala dapat gumawa sa iyo ng bagay na iyon. Napakabuti at dapat mga mabubuting bagay lang ang para sa iyo."

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon