KasalMarahas na bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si ate Klarissa na namumula ang mga mata. Napaupo ako nang maayos at hinarap siya. "Ate, anong nangyari? Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"
Lumapit sya sa akin at tinignan ako nang masama. "Sinabi mo kay Cyrus na nandito ka?" tanong nya.
Umiling ako. "Hindi. Hindi nya alam na nandito ako, hindi nya alam na dito ako nakatira. Kaya hindi ko alam kung bakit nya ako hinahanap dito."
"Kung ganon, bakit nya alam? Sinabi ba nila Ate Rizza? Katherine, sumagot ka! Ang sabi mo ay hindi mo kukunin si Cyrus pero bakit ganito?" Humagulgol sya at inilagay ang dalawang palad sa mukha.
"Ate, hindi nila sinabi. Hindi ako alam ate, pangako. Wala akong balak kunin si Cyrus. Hindi na ako magpapakita sa kanya kahit kailan, pangako, ate. 'Wag ka nang magalit. Huwag ka nang umiyak. Hindi ko sisirain ang meron tayo, ate, para lang sa isang lalake, kahit hindi na ako masaya basta hindi ka lang malungkot," sabi ko at niyakap sya.
Niyakap nya rin ako at tumigil sa pag-iyak. "Talaga? Pangako? Pero gusto kong masaya ka rin. Dapat kung anong meron ako ay meron ka rin."
Tumango ako at tinapik ang likod nya. "Pangako ate, para sa iyo. Gusto kitang maging masaya. Deserve lahat ng meron ka kaya huwag mo na akong alalahanin."
"Salamat, Katherine. Sorry kung nagalit ako kaagad. I'm sorry."
"It's okay, ate."
Kumalas sya sa yakap at nakangiting humarap sa akin. "So, magkwento ka nga sa akin. Hindi ba ay nagkasama na kayo ni Cyrus? Ano ba ang gusto nyang gawin?" Pinunasan niya ang mga luha niya at ngumiti na sa akin. Mabuti naman.
Napaisip ako at napagtantong wala pa pala akong masyadong alam sa kanya. Ang alam ko lang ay mabait sya, mapagmahal, maalaga at syempre gwapo.
"Uh, wala naman akong alam sa kanya, hindi ko na rin sinubukang magtanong dahil alam kong maghihiwalay din naman kami. Pero ate, sobrang mabait sya at maalaga. Sa sandaling panahong magkasama kami, nakita ko iyon at naramdaman." Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Kaagad akong tumingin kay ate na nakatingin lang sa akin.
"Kung ganoon, ako na lang ang magtatanong sa kanya. Tutal ay magiging mag-asawa na rin naman kami. Lagi na kaming magkakasama at walang ano man ang makakapaghiwalay sa amin. Mabuti at hindi pa kayo masyadong nagkakakilala. Maiwan na kita," sabi nya at lumabas na ng kwarto at kinandado ang pinto.
Napahawak ako sa dibdib ko na sobrang sikip. Ilang beses akong huminga nang malalim at pinigilang umiyak. At least, nakasama ko si Cyrus. Dapat na akong maging masaya. Kahit sandali lang iyon, dadalhin ko iyon habang buhay.
Nakatulog ako nang mahimbing dahil sa pag-iisip ng mga magagandang bagay. Kinaumagahan ay kasambahay lang ang bumisita sa akin para magdala ng pagkain at tulungan akong maglinis ng katawan.
Pagdating ng hapon ay inasikaso ko ang ginagantsilyo kong mga damit panlamig na malapit ng matapos. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Klarissa kasama ang hindi inaasahang bisita.
Napahawak ako sa bibig ko at namuo ang luha sa mga mata. Bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan nang makita ko ang mukha niya. "C-Cyrus," tawag ko sa kanya.
Nakatingin lang sya sa akin at hindi alam ang gagawin. Sa huli ay lumapit sya sa akin at niyakap.
"Cyrus, I'm sorry," bulong ko habang nakayakap sya sa akin.
"Bakit? Bakit Katherine?" tanong nya at kumalas sa yakap.
"I'm sorry kung hindi ako nakapag-mpaalam nang maayos. Biglaan ang nangyari. 'Tsaka ilang beses ko namang sinabi sa iyo na aalis din ako at hindi magatatagal." Tinulak ko siya nang bahagya para maalis siya sa pagkakayakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)
RomansaWhen the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kismet let him came to her impossible path and kissed all her flaws that explain everything she was hee...