Unang besesHindi na matanggal sa kamay ko ang tablet ko simula nang maging friend kami ng poging pulis na ito. Pinagalitan na nga ako ni Manang Bing at Ate Rizza dahil hindi ako kumain nang maayos. Busy kasi ako sa pang-i-stalk.
Police Master Sergeant Cyrus Andrei Aganon, pangalan pa lang poging-pogi na. Nang tingnan ko ang account nya ay puro shared post lang at bihira lang sya mag-update ng status. Siguro ay ito iyong tipo ng tao na gumagamit lang ng Facebook para ma-entertain o makibalita at hindi para ipangalandakan sa mga tao kung anong nangyayari sa buhay niya o makialam sa iba. He's just there just to escape from work.
Grabe! Sobrang excited ko ngayon, hindi pa naman kami nagkakausap pero pakiramdam ko ay magugustuhan ko siya nang sobra. At ako pa talaga ang nag-add friend ha!
Hindi ka na nahiya, Katherine!
Nanlaki ang mata ko nang may nag-pop up na message. At hindi lang siya basta message dahil galing ito kay Cyrus Andrei Aganon! OMG!
Cyrus:
Hi! 😊What to do?! Anong ire-reply ko? Hindi pwedeng wala kasi na-seen ko na!
Namawis ang mga kamay ko at nanginginig pa ako habang nagtitipa ng mensaheng isasagot. Parang noong unang beses lang na may nagpadala sa akin ng mensahe.
Ako:
Hello.Ayan! Hindi naman na siguro 'yan magre-reply. But I am hoping...
Cyrus:
Ang ganda mo sa profile mo. Ikaw ba talaga iyon? O poser ka lang?What?! Matutuwa na sana ako kaso, poser? Anong tingin niya sa akin? Pangit na gumagamit ng mukha ng ibang tao? I will never do that.
Ako:
Excuse me! Ako talaga iyon, 'no! Hindi ako manloloko! 😤Cyrus:
Sana all!Grrr!!! Ginagalit ako ng isang ito! Ang akala ko pa naman ay mabait pero maling-mali ako. Napaka-judgemental! Pasalamat siya at gwapo ang mukha nya. O baka naman pangit talaga sya.
Ako:
Eh, baka ikaw ang poser. Ang gaspang ng ugali mo. Baka pangit ka rin sa personal. At baka hindi ka naman talaga pulis. Scammer!Cyrus:
Pogi talaga ako, no! Baka ikaw! Scammerist!What?! Anong scammerist? Is that even a word, hindi na ba ako updated sa mga nangyayari sa labas?!
Ako:
Ewan ko sa iyo! 'Wag mo na akong i-chat! Nakakainis ka!Cyrus:
E 'di wow!Bwisit talaga. Napa-log-out ako ng de oras. Akala ko naman mabait. Akala ko magkaka-love life na ako. Hindi talaga dapat ako magpaloko sa mga nakikita ko lang. Require ba talaga kapag gwapo ay may gaspang talaga ang ugali? Hindi ba pwedeng mabait na lang sila at hindi mapangmata? Naiisip ko pa lang ngayon kung makikita niya ako ay siguradong iiwasan niya ako.
Hindi ko rin natiis na hindi mag-online. At sakto namang may nag-message ulit. Si ate! Gusto nyang mag-video call kami. Sinagot ko ang tawag nya at bumungad sa akin imahe nya na nakapanlamig. Siguro ay may snow sa States.
"Kumusta, ate?" sabi ko at kumaway sa kanya.
"Ayos lang, ang lamig dito! May snow!" Maligaya ang tono niya, talagang gustong-gusto niya ang snow.
Gusto ko ring makarananas ng snow, kaso...
"Oo nga, halatang malamig. Balot na balot ka," sabi ko at tumawa kaya tumawa rin sya.
"Ikaw, kumusta ka dyan?" tanong nya.
"Heto, nakakulong pa rin. Sana pwede akong makasama sa inyo para sana nagmamasyal tayo dyan," sabi ko ng may lungkot sa tono. I really want to get the same privilege that my sister is getting. Sana lang ay hindi naging unfair ang mundo sa akin, baka ibang Katherine ang meron ngayon, hindi ang kawawang ako.
BINABASA MO ANG
Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)
RomanceWhen the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kismet let him came to her impossible path and kissed all her flaws that explain everything she was hee...