Kabanata 25

1K 29 1
                                    


Kahirap

Tinulak ni Cyrus ang wheelchair ko papunta sa hardin ng ospital. Gusto kasing makalanghap ng sariwang hangin para luminaw ang pag-iisip ko. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kasi ang paghahamon nya kay lola at kung paano bumigay si lola sa kondisyon ni Cyrus. Ngayon, hindi ko na kailangang magpakasal kay Miguel na hanggang ngayon ay nasa kulungan pa rin.

Tumikhim si Cyrus kaya napatingin ako sa kanya. Nakaupo na sya sa may bench na nasa tabi ng isang lamp post. Gabi na at malamig.

Hinaplos ko ang suot nyang panlamig na bigay ko sa kanya. Tamang-tama lang ang sukat pero kung lalaki pa ang katawan niya ay kailangan ko pang gumawa ng mas malaki. Kailangan niya palaging mag-work out dahil kailangan niyag panatilihin na malusog ang katawan niya. Ngumiti sya at hinuli ang kamay ko.

"Gusto mong suot ko ito, 'no?" tanong nya habang nanunukso ang ngiti.

Tumango ako. "Cyrus?" tawag ko sa kanya.

"Yes?" Tumingin siya sa mga mata ko.

"Thank you for saving me again. Marami na akong utang sa iyo," sabi ko at hinila siya papalapit para maramdaman ang init niya.

"Hey, hindi iyon utang. Ginawa ko iyon dahil gusto ko. Ayokong may mangyaring masama sa iyo. Pero kung gusto mong bayaran, pwede naman ang halik." Ngumisi siya. Parang hindi naman yata bayad iyon.

Tumawa ako. "Eh, ano pang ang hinihintay mo?"

Dahan-dahan syang lumapit. Hinaplos nya muna ang pisngi ko bago pinagtagpo ang aming mga labi. Malalim at mapaghanap ang kanyang mga halik pero napakabanayad pa rin. Gusto ko iyon, iyong tipong may kung ano sa dibdib ko at sobrang nagagalak ang bawat pintig no'n.

Parehas naming hinabol ang hininga namin nang maghiwalay kami. Nagngitian pa kami at naulit pa iyon ng isa, dalaw, at tatlong beses. Ang mga labi naman kasi ay sobrang sarap halikan, parang gusto ko na nga lang manatili ang akin sa kanya.

"I love you, Katherine," bulong niya at pinatakan pa ng isang mababaw na halik ang aking labi.

"I love you, too." Tumitig ako sa kanya. Hinalikan niya ang noo ko pagkatapos ang parteng may sugat naman.

Bumalik na kami sa aking kwarto sa ospital. Pinakain nya ako ng ni-request kong pagkain, kahit nahirapan pa siya sa pagpuslit no'n dito sa loob ng ospital. Pagkatapos ay maingat akong nilagay sa kama.

"Magpahinga ka na," sabi niya at umupo sa tabi ko. Pinalupot niya ang isang braso sa akin.

Umiling ako. "Pero hindi pa ako inaantok."

"Anong gusto mong gawin?" Nagtaas siya ng kilay

Nag-isip ako. "Kailan ba ako makakalabas dito?" tanong ko.

"Dalawang araw ka pa rito. Dumudugo pa ang sugat mo." Tumingin siya sa ulo ko na katatapos lang palitan ng benda.

Tumango ako. "Ano nga pa lang mangyayari kay Miguel?"

Napatuwid sya ng upo at tinignan ako nang seryoso.

"Yan dapat ang sasabihin ko sa iyo. Hindi pa makapagdesisyon ang korte sa kung ano ang gagawin kay Miguel. Hinihintay pa kung magsasampa ka ng kaso sa kanya. Sa oras na makalabas ka ng hospital, haharapin mo sya at magdedesisyon ka kung anong isasampa mo sa kanyang kaso pagkatapos ay sa korte..."

"Sandali," pigil ko sa kanya.

"May problema ba?" Kumunot ang noo niya.

"Ayokong magsampa ng kaso," sabi ko na ikinagulat nya.

"Bakit?" tanong nya at umupo sa tabi ko. Hindi yata makapaniwala sa sinabi ko.

"Ayoko ng makita pa si Miguel. Ayoko ng maalala ang mga nangyari. Hayaan na lang natin sya," sabi ko at yumakap sa kanya.

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon