MarryNagising ako dahil sa mga munting liwanag na dumadapo sa aking mukha. Dinilat ko ang mga mata kong nasilaw sa liwanag. Nang tuluyang makadilat ay nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto.
Bumangon ako at nilibot ang paningin sa buong kwarto. May malaking bintana na gawa sa salamin na pinapasukan ng sikat ng araw sa bandang kaliwa. Sa kanan naman ay isang pinto na gawa sa kahoy na sa tingin ko ay daan palabas. Konti lang ang gamit sa loob, nasa tabi ng kama ang wheelchair ko.
Sinakyan ko iyon at binuksan ang pinto na hindi nakakandado. Isang pasilyo ang bumungad sa akin na mayroon pang apat na pinto maliban sa pinanggalingan ko.
Pinausad ko ang sarili at dinala ako na sarili ko sa isang magarang living room. Hindi talaga pamilyar ang buong lugar sa akin. Ang huling natatandaan ko ay pinatulog ako ng isang nurse!
Nadukot ako! Nadukot! Ako! Hala! Anong gagawin ko?!
Napahinto ako nang mapa-isip. Parang hindi naman ganito ang na-kidnap. Kung tutuusin pwede na akong makalabas ngayon dahil malaya akong nakakalibot ng bahay. Nasa tabi ko pa ang wheelchair ko.
Nataranta ako nang may narinig na nag-uusap na papalapit sa kinaroroonan ko. Kaagad akong nagtago sa isang sulok at hinintay silang dumaan.
"Pareng Aganon, mapapahamak tayo. Alam mo ba iyon? Pwede kang kasuhan ng kidnapping ng pamilya nya," sabi ng pamilyar na boses.
Huminto sila sa harapan ko. Nakatalikod sa akin ang isang sobrang pamilyar na lalaki habang nakaharap naman sa akin si Reyes?
Bakit sya nandito? Sya ba ang dumukot sa akin?
"Wala akong pakialam kahit ano pang mangyari sa akin. Ang mahalaga makaalis sya doon. Siguradong sya ang pagbabalingan ng galit ng lola nya," sabi ni Cyrus?
Si Cyrus? Sya ang kumuha sa akin.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko. Parehas silang gulat na napatingin sa akin. Mabilis na lumapit sa akin si Cyrus at lumuhod sa harap ko.
"Katherine, gising ka na. Gusti mo bang-"
Hindi nya naituloy ang dapat dahil pagsampal ko sa kanya.
"Katherine." Hindi makapaniwala ang mukha niya nang makabawi sa sampal ko.
Iniwas ko ang kamay ko ng subukan nyang hawakan iyon.
"Nasisiraan ka na!" Hinampas ko ang dibdib nya. Tumulo ang luha ko na kaagad naman nyang pinunasan.
"Bakit ka umalis?! Bakit hindi ka nagpakita?! Sobrang lungkot ni ate at ngayon nasa ospital sya, wala ng mga binti. Napakamakasarili mo! Lumayo ka sa akin!"
Tinulak ko sya nang subukan nya akong yakapin. Malakas sya kaya bumigay rin ako. Hinaplos nya ang likod ko.
"I'm sorry, Katherine. I'm sorry," sabi nya.
Umiyak ako sa mga bisig nya. Sobrang na-miss ko sya. Akala ko hindi ulit kami magkikita. Akala ko ay tuluyan ng mawawala ang pag-asa kong pwede pa kaming dalawa.
"Sobrang na-miss kit,." mahinang sabi ko.
"I miss you too, so much," sabi nya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Kumalas ako sa yakap, hinawakan ang mga braso ko at hinalikan ako nang malalim pagkatapos ay pinunasan ang luha ko.
Ngumiti sya sa akin. "Gusto mo ng mag-breakfast?" tanong nya.
Tumango ako. Tinulak nya ang wheelchair ko at nagtungo sa kusina. Pinanood ko syang pinaghahanda ako ng pagkain. Kagaya ng mga nasa imahinasyon ko kung mag-asawa na kami. Malaki ang ngiti ko at nagtaka pa siya nang isang beses akong mabalingan. Nagsimula akong kumain at sya naman ay pinapanood lang ako.
BINABASA MO ANG
Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)
RomantizmWhen the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kismet let him came to her impossible path and kissed all her flaws that explain everything she was hee...