Special Chapter

1.2K 39 3
                                    

"Cyrus, saan ba tayo pupunta? Kanina pa ako nakapiring dito," tumatawang tanong ko sa asawa ko.

Sa loob ng isang taon naming pagsasama ay naging sobrang saya ko. Masarap kasama ang mga magulang ni Cyrus sa bahay. Ako na raw ang anak nilang babae dahil bumukod na si Caia simula ng manganak. Kung noon ay uhaw na uhaw ako sa pagmamahal ng magulang, ngayon ay sobra-sobra pa. Dalawang pares ng magulang ang nag-aalaga sa akin ngayon.

Minsan naman ay sinasama ako ni Cyrus sa kanyang trabaho at pagka-out nya ay mamamasyal kami at kakain ng kung ano-ano. Masarap talaga syang kasama at masarap din talaga sya. Ganoon pala ang ibig sabihin no'n sa mga nababasa ko.

Nag-init ang pisngi ko at bahagyang napangiti ng maalala ang mga maiinit na gabing pinag-saluhan namin ni Cyrus.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? At namumula ka pa? Anong iniisip mo?" tanong nya.

"Bakit naman ako mamumula?" Pinaypayan ko ang mukha ko ng aking kamay.

"Ewan ko, baka iniisip mo akong nakahubad," natatawang sabi nya.

"Ewan ko rin sayo. Matagal pa ba?" Ngumuso ako.

Inip na inip na ako at gusto ko ng malaman ang sorpresa nya. Lagi na lang siyang may paganito sa akin at talagang gustong-gusto ko naman.

"Nandito na tayo," sabi nya at hininto ang sasakyan.

Sa wakas!

Binuhat nya ako at isinakay sa aking wheelchair. Tinulak nya iyo kung saan. Hindi ko makita dahil nakapiring pa rin ako.

"Cyrus? Nasaan na ba tayo?" tanong ko.

"Ayan, sandali lang, Ganda," sabi nya at naramdaman kong lumayo sya sa akin.

"Cyrus?! Saan ka pupunta?! 'Wag mo akong iwan dito!" Hindi ko alam kung nasaan kami at nagsisisigaw pa ako rito.

"Nandito lang ako." Medyo malayo ang boses niya sa akin.

Naramdaman ko ulit syang lumapit sa akin at inalis na ang piring ko sa mata. Kinusot ko muna iyon bago iminulat. Natigilan ako ng makita kung saan ako dinala ni Cyrus.

"Surprise!" sabi ni Cyrus.

Napanganga ako at nagsimulang manubig ang mga mata ko nang mabasa ko kung nasaan kami.

Nasa isang State University kami. Ngayon lang ako nakapunta sa isang paaralan. Dati ay pangarap ko lang ito pero ngayon ay heto na. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng unibersidad, maraming estudyante ang labas-pasok sa paaralan. Ang iba ay nakatingin pa sa amin at nakangiti.

"Nagustuhan mo ba rito? Dito ako nagtapos. Masaya rito at friendly ang mga estudyante at faculty members," sabi ni Cyrus at hinaplos ang balikat ko.

Tumingin ako sa kanya at tumango. "Salamat at dinala mo ako rito? Pero, bakit?" Kumunot ang noo ko.

Lumuhod sya sa harap ko. "Gusto kong ibigay sa iyo lahat ng pinagkait sa iyo noon. Nakita sa mga mata mo ang kagustuhan mong mag-aral noong kinuwento mo sa akin na hindi ka kailan man nakatungtong sa paaralan. Gusto kong mag-aral ka, hindi pa huli ang lahat. Naghanap ako ng paraan para makatungtong ka kaagad sa kolehiyo. Kailangang mo lang kumuha ng tatlong exam at mag-aral ng dalawang taon para payagan ka nilang magkapasok sa kolehiyo," sabi nya at inabot sa akin ang isang registration form.

Tinitigan ko iyon. Umaapaw ang emosyon sa dibdib ko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha.

"Cyrus, maraming salamat. Maraming salamat sa lahat ng ginagawa mo sa akin kasama na ito. Masaya ako sa sorpresa mong ito pero..." Tumingin ako sa kanya. "Pero hindi ko na gustong mag-aral. Oo noon siguro dahil sabik ako sa mundo, pero ngayon ay iba na. Simula nang ikasal ako sa iyo, gusto ko na lang alagaan ang pamilyang ito. Gusto kong ituon lahat ng atensyon at pagmamahal ko sa iyo. Matagal ko ng isinantabi ang mga pangarap ko noong bata pa ako dahil kasama ka na sa pangarap ko. Mahal kita, Cyrus at sobra kong na-appreciate lahat ng binibigay at ginagawa mo sa akin. Pero ito ay hindi ko matatanggap. Sana ayos lang sa iyo."

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon