Kabanata 17

900 32 0
                                    


Alam

Nakatitig lang si ate sa akin, hindi makapaniwala sa nalaman. Inaasahan ko na, na ganyan ang magiging reaksyon niya dahil sa dinami-rami pa ng lalake sa mundo ay iisa pa ang lalakeng nagbigay kulay sa mundo ko at ang lalakeng para sa kanya.

"Cyrus Aganon? Pero paano? Paano kayo nagkakilala?" tanong ni ate, litong-lito. May bakas ng luha sa mga mata nya at alam kong hindi niya alam kung paano iintindihin ang mga nangyayari.

"Sa social media, ate. Sorry. Sorry kung hiniram ko siya sandali." Yumuko si ate at kita ko ang pagpatak ng mga luha nya.

Wala sa sariling napangiti siya na ipinagtaka ko. "Katherine, naalala mo pa ba 'yung kinukwento kong lalaki sa iyo noong high school pa ako? Hindi ko nagawang alamin ang pangalan nya dahil sobrang layo namin sa isa't isa. At ngayong nakita ko na ulit sya, inisip ko na hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito. Sobrang saya ko, Katherine. Ang lalaking dati ay pinapangarap ko lang, ngayon ay abot-kamay ko na." Hinawakan nya ang kamay ko. "Please, don't take the man I love from me. Mahal ko si Cyrus noon pa. Hinahangaan ko na siya bago pa kayo magkakilala. Don't take away him away." Umiling siya.

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko at hinawakan ang magkabilang-pisngi ni ate. "'Wag kang mag-alala, ate. Hindi ko kukunin si Cyrus. Alam kong sa umpisa pa lang ay sa iyo na sya. Ngayon ay siguradong hindi na kami magkikita, mapapalapit na ang loob nya sa iyo. Magiging masaya kayong dalawa, sigurado ako doon. Makakalimutan din niyang nakilala niya ako dahil sa iyo. Mas mamahalin ka niya, ate."

Tumango sya at niyakap ako. "Salamat, Katherine. Salamat, masayang-masaya ako at meron akong kapatid na kagaya mo."

Nang magpaalam sya para umalis, doon ko binuhos lahat ng sakit na ipon sa dibdib ko. Hindi ko alam na ganito pala kasakit na palayain ang taong nagpaligaya at nagpahalaga sa iyo. I cried the whole days and nights of the week, pero hindi man lang nabawasan ang sakit. Habang buhay na yatang nakatatak sa akin iyon dahil tuwing naaalala ko siya ay nagigising ako sa katotohanan na sa panaginip na lang kami pwedeng magkita ulit. Gusto ko iyon! Kahit matulog na lang ako buong oras basta siya ang makikita ko.

Nakatagilid ako ng higa habang tinitigan ang litrato namin ni Cyrus. Sa mga alaala na lang kami nag-e-exist.

"Cyrus, patawad. Sana may pagkakataong magkita ulit tayo at nang makapagpaalam ako nang maayos."

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang hindi pamilyar na babae sa akin. Napabangon ako.

"Sino ka?" tanong ko sa babaeng may dalang pagkain.

"Jane po, bago taga-pangalaga nyo," sabi nya at nilapag ang tray na may pagkain sa harap ko.

"Nasaan si Ate Rizza, sya ang nagaalaga sa akin. Bakit ikaw ang nandito?" Kumunot ang noo ko.

"Pinagbawal na po ni Senyora na magkita kayo nina Manang Bing at ate Rizza. Mula ngayon ako na po ang mag-aalaga sa inyo," sagot niya at ngumiti.

Umiling ako. "Hindi iyon pwede. Gusto ko si Ate Rizza. Ayoko sa iyo! Tawagin mo sya! Tawagin mo!"

"Pasensya na po, Ma'am Katherine, pero mawawalan po ako ng trabaho kapag ginawa ko iyan." Umalis na sya at kinando mula sa labas ang kwarto ko.

Pati ba naman sila?! Pati ang mga itinuring kong pamilya ay nilayo nila sa akin. Bakit hindi na lang nila ako pinatay kung ganito lang din naman ang buhay ko? Kung ganito lang din pala ay mas mabuting mamatay na lang ako kesa manatili sa lugar na ito.

"Senyora Inesa, sa wakas ay nandito na kayo. Excited na akong magkita ang mga apo natin. Sigurado akong bagay na bagay sila," rinig kong sabi ni lola mula sa labas.

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon