Kabanata 9

896 33 3
                                    


Mahal

"Katherine, ilang araw ba kayo roon? Bakit sobrang dami mo namang ini-empake? Akala ko ba dalawang araw at isang gabi lang kayo doon?" tanong ni Ate Rizza habang pinapanood akong mag-impake na nakapamewang pa.

"Masyado na bang madami? Baka kasi magkulang ako ng damit. Pasensya na, ate, first time ko kasi," sabi ko at nagkamot ng ulo. Palagi ko namang first time.

"Okay na yan. 'Wag mo ng dagdagan." Tumangas siya. Isinara na nya ang bag at humarap sa akin. "Masaya ka, Katherine. Nagkaroon ng kulay ang mukha mo. Gumanda rin ang kutis mo."

"Kasi naarawan na ako, ate. Tsaka syempre in love." Humagikgik ako at nakagat ang labi pagkatapos. Talagang nakakaganda pala kapag may nagbago sa iyo. Lalo na kung magandang pagbabago. Gusto ko ang bagong ako ngayon.

"Naku! Halika na nga at naghihintay na ang prinsipe mo sa kanyang kaharian." Nilagay na niya ang bag ko sa aking kandunga at tinulak na palabas ang wheelchair ko.

Sa police station naghihintay sa akin si Cyrus. Komportable siyang nakaupo sa isang bench habang kausap ang kapwa niya pulis na naka-duty ngayon. Kaagad syang lumapit sa amin ni ate Rizza ng mapabaling sa amin. Kinuha nya ang aking bag at sya na rin ang nagtulak ng wheelchair ko. Nagpaalam kami kay Ate Rizza na marami pang bilin bago kami pinaalis.

Sa byahe ay panay ang tingin ko sa paligid. Dahil probinsya ang lugar namin ay puro bukid lang ang aming nadadaanan. May mga iilang bahay din at mga establishment na dati ay sa videos ko lang nakikita.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko dahil mahaba na ang aming naging binyahe. Hindi na yata sakop ng bayan namin ito.

"Surprise," sabi nya at kumindat pa.

Nagkibit-balikat ako at binalik ang tingin sa kalsada. Napatuwid ako nang upo na may makitang parang dagat sa dinaraanan namin. Beach? Magdadagat kami?

"Cyrus?" Bumaling ako sa kanya. Ngumiti lang sya at ako naman ay hindi matanggal ang tingin sa dinaraanan.

Nakumpirma kong dagat nga iyon ng pumasok ang sinasakyan namin sa isang resort. P-in-ark nya ang sasakyan at lumabas. Inayos nya ang wheelchair ko at maingat ako binuhat para maiupo sa wheelchair. Inayos niya pa ang dress ko at nilagyan ng manipis na tela ang kandungan para siguro hanginin ang palda ko.

"Cyrus," tawag ko sa kanya pero hindi ko maalis ang tingin sa dagat. Dati ay sa mga litrato ko lang nakikita ang ganito ngayon ay nandito na ako.

"Maganda ba?" tanong ni Cyrus. Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Cyrus ang ganda rito. Salamat," sabi ko at tiningala siya. Asul na asul ang tubig sa dagat at puti rin ang buhangin. Sobrang ganda. Hindi man ito ang pinakamagandang dagat sa buong mundo pero para sa akin ay sapat na ito. Para sa katulad kong pinagkaitan ng mundo ay sobra-sobra pa ito.

Tumungo na kami sa hotel at nag-check-in.

"Two rooms. Deluxe, please," sabi ni Cyrus sa receptionist.

Bakit dalawang kwarto pa ang kukuhanin niya? Tapos parehas pang malaki, hindi naman ako pwedeng mag-isa lang dahil kailangan ko palagi ng tulong.

"Cyrus, sinong tutuloy sa isang kwarto?"

"Tig-isa tay," sagot nya.

"Pwede naman sa isang kwarto na lang tayo. Masyadong magastos kung dalawa. Tsaka hindi ko ring kayang mag-isa sa isang kwarto, dapat may kasama ako," sabi ko at itinuro ang hita ko.

"Alright, are you sure? Ayos lang sa iyong kasama mo ako sa isang kwarto? Lalake ako, Katherine."

Tumango ako. "Bakit? May gagawin ka bang labag sa kalooban ko? Gagawan mo ako ng masama?" Nagtaas ako ng kilay.

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon