Kabanata 14

852 27 1
                                    


Arrival

Tapos na ang isang linggong leave ni Cyrus at kailangan na nyang bumalik sa trabaho.

"Sana nag-enjoy ka sa bakasyon natin," sabi nya nang puntahan ko sya sa police station.

"Promise, nag-enjoy ako. I've never been so happy. That's so nice. Hindi ko iyon makakalimutan. Salamat sa lahat ng ginawa mo." Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti.

Kasalukuyan kaming nananghalian sa isang karinderya. Sumubo sya ng kanyang pagkain at pagkatapos ay ako naman ang sinubuan.

"Bakit napaka-sweet mo?" tanong ko nang matapos kaming kumain. Iniabot nya sa akin ang isang banana milk na may straw na.

"Kaya siguro maraming nagkakagusto sa aking babae, natural lang sa akin ang pagiging sweet lalo na sa mga babae dahil may nakababatang kapatid akong babae," sabi nya.

Sa tagal naming magkasama, wala pa pala akong alam sa pamilya nya maging sa kanya. Ako ang laging nakukwento, hindi ba siya nabo-boring mga kinukwento ko?

"May kapatid ka? Ilan kayo?" tanong ko.

"Dalawa lang kami. Ako ang panganay. Tapos si Caia ang bunso yata." Napangiwi siya at pagkatapos ay napahalakhak.

"Yata?" Kumunot ang noo ko.

"Oo, kasi ang weird ni Mommy ngayon, parang buntis daw sabi ni Daddy. Hindi pa kasi sarado si Mommy at bata pa. Malakas pa naman ang Daddy kaya siguradong makakaroon pa kami ng kapatid. Bagsik talaga ni Calixto!" Tumawa siya kaya natawa na rin ako.

Tumango ako. "Anong pangalan ng mga magulang mo?" tanong ko, tutal ay nabanggit na rin niya ang pangalan ng tatay niya.

"Calixto Aganon at Amanda Aganon," sagot niya.

"Ang saya siguro ng pamilya nyo? They raised you so well." Hinawakan ko ang kamay niya.

Tumitig sya sa akin at nanlaki ang mata na parang may naisip na maganda. "Pagka-out ko, dadalhin kita sa bahay. Nandoon silang lahat ngayon," sabi nya.

Nagulat ako. "Cyrus, mamaya na talaga?"

"Oo, matutuwa sila kapag nakita ka. Matagal na nila akong kinukulit kung may girlfriend na ba ako, ngayon makikita ka na nila at hindi na nila iisipin na bakla ako." Ngumisi siya.

Natawa ako. Si Cyrus? Baklang pulis? Bago 'yon, ha?

"Sige, pero hindi ba sila magagalit?"

"Bakit naman sila magagalit?" Kumunot ang noo niya.

"Since you are their first born, they are expecting so much from you. Ine-expect nila na maganda at pwedeng modelo ang girlfriend mo. Tapos ang ipapakita mo sa kanila ay ganito lang. Nahihiya ako, Cyrus."

Huminga sya nang malalim at hinaplos ang mukha ko. "Masyadong mababa ang tingin mo sa sarili mo, samantalang ako, inggit na inggit sa kabaitan mo. Believe me, Katherine, hindi kanila titignan ng mababa, they will understand. Mabait sila. Kung natatakot ka, tandaan mong nandito lang ako sa tabi mo. They will like you, hindi dahil perpekto ka. They will like because you make me happy, lagi silang nagtatanong kung bakit lagi akong nakangiti. Ngayon maipapakita ko na sa kanila ang dahilan."

Ngumiti ako. "You always know what to say to make me feel good. Thank you, Cyrus. Hindi ako nagkamaling sa iyo ko binigay ang puso ko." Dahil sa kanya tumataas ang tingin ko sa sarili ko. Gusto kong makita ko kung paano niya na ako nakikita para hindi na ako manliit. I want to be as confident as him when it comes to myself.

Hapon na nang mag-out si Cyrus, nagpaalam din ako kila Ate Rizza na gagabihin ako sa pag-uwi.

"Kinakabahan talaga ako, Cyrus," sabi ko ng huminto ang sasakyan sa isang magandang bahay.

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon