Cyrus Aganon"Ang dami naman nito. Hindi ko yata ito mauubos, Cyrus. Kainin mo ang iba." Binalik ko sa kanya ang ibang pagkaing binili nya, pinuno ba naman ang mesa ng mga pagkaing bago sa paningin ko. Hindi ko talaga ito mauubos.
Sinimangutan nya ako. "Kailangan mong kumain, parang makakasakit kasi ang itsura mo. Ang payat mo tapos ang putla pa ng balat mo," sabi nya at tinapat sa bibig ko ang isang tinapay. Kinagatan ko iyon para magtigil na sya.
"Ayaw mo sa payat at maputla?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay. Hindi naman talaga ako tumataba kahit binilhan na ako ni Ate Rizza ng vitamins noon.
"Ayaw ko." Ngumuso siya. Ang cute!
"E 'di, dapat maghanap ka ng babaeng may laman at maganda ang kutis," sabi ko at uminom ng softdrinks na binili rin nya.
"Ang ibig kong sabihin, ayokong nakikita kang ganyan. Parang anytime kukunin ka na ni Lord. Ayoko iyon," sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
"Alam mo naman ang kalagayan ko, Cyrus. Buong buhay ko nakakulong ako sa bahay. Tapos hindi rin ako nakakapag-exercise dahil lumpo ako. Kaya siguro ganito ang itsura ko." Tinapik ko ang mga hita ko na hindi ko na magalaw.
Kita ko naman ang lungkot sa mga mata nya, kaya ngumiti ako para sabihing ayos lang ako. Ayos na ayos talaga ko dahil sa kanya.
"Nasa labas ka na ngayon ng bahay at kasama mo ako. Kailangan mong sundin lahat ng gusto ko mula ngayon. Para sa iyo rin ito, Katherine. Ayokong makitang parang kawawa ka palagi. Kung lagi kitang maaalagaan ay siguradong malaki ang pagiging pagbabago mo." Kinindatan pa ako.
"At bakit naman? Kaano-ano ba kita?" hamon ko sa kanya. Anong sasabihin mo Cyrus? Sa tingin ko ay hindi lang dahil sa gusto mo akong maging kaibigan kaya ka ganito.
"Boyfriend mo," sabi nya at ngumisi.
"Gusto mo akong maging girlfriend? Ha?" Gusto kong maging girlfriend niya kahit sandali lang, kahit sa maikling panahon lang. Maranasan ko lang maging espesyal sa isang lalake.
"Oo, gusto ko. Gusto mo ba akong maging boyfriend?" tanong nya at hinwakan ang dalawa kong kamay.
"Oo," sagot ko at ngumiti.
Katherine, anong nangyari sa pangako mo kay Ate Rizza? Bakit pumayag ka kaagad? Ang rupok pagdating talaga kay Cyrus!
Niyakap nya ako nang mahigpit. Kahit alangan pa ako ay niyakap ko na rin sya pabalik. I feel so comfortable, kahit na unang beses ay parang dito na ako namamalagi noon pa man. Nawala lahat ng pag-aalinlangan ko.
Tsaka na ako magpapaligaw nang matagal, sa ngayon ay kailangan kong sulitin ang mga oras ko. Maikli lang ang panahon ko. Gusto kong maranasan lahat ng ipinagkait sa akin sa loob ng maikling panahon. Konting oras lang ang hihingin ko, gusto ko lang makasama si Cyrus. Gusto ko munang maging makasarili ngayon.
"Cy, masaya ako. Salamat," sabi ko sa kanya habang nakayakap pa rin sya sa akin.
"Ako dapat ang magpasalamat sa iyo. Tinanggap mo kahit saglit pa lang tayong nagkakakilala. Salamat, Ganda," sabi nya at kumalas sa yakap at hinalikan ang noo ko.
"Cyrus, gusto rin kita," pag-amin ko na ikinangiti nya. Lumapit muli ang mukha nya sa akin at binigyan ako ng munting halik sa labi. Mabilis lang ang halik kaya nagulat ako.
"Cyrus," sabi ko at natatawang hinampas ang braso nya.
Alam kong masyadong mabilis ang lahat. Pero masisisi nyo ba akong limitado lang ang oras ko? Na kahit anong oras ay maaari ng matapos ang masayang panaginip na ito? Na baka ito na rin ang huli naming pagkikita?
BINABASA MO ANG
Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)
RomanceWhen the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kismet let him came to her impossible path and kissed all her flaws that explain everything she was hee...