Deserve"Hindi ka ba nag-aalala na baka malaman ng lola mo ang paglabas mo?" biglang tanong ni ate Rizza habang nililinis nya ang kwarto ko.
"Hindi naman nila malalaman kung walang magsasabi. 'Tsaka mahal nyo naman akong lahat dito, eh," sabi ko at binalik ang titig sa tablet dahil hinihintay kong mag-online si Cyrus.
"Eh, paano 'yung CCTV? Baka tignan iyon ni Senyora kapag nakauwi na sila." Pinandilatan niya ako na animo'y nabuking na kami sa ginawa.
Napaisip ako doon. Oo nga, 'no?
"Ate, samahan mo nga ako kay Kuya Lino, hindi ba sya ang tumitingin ng mga CCTV?" Inikot ko ang wheelchair paharap sa pinto.
Tumango si ate Rizza at dinala na ako kay Mang Lino na nasa garahe. Ang lamang ko lang naman dito sa bahay ay kasangga ko lahat ng kasambahay at iba pang staff. Kahit nga ang personal driver ni lola ay kasundo ko kaya hindi ako kailanman nagkaproblema sa kanila.
"Ayan, Katherine. Nabura ko na. Pare-parehas tayong malilintikan dito kapag nagkataon," sabi ni Mang Lino at napakamot pa sa batok.
"Hindi po 'yan," maligayang sabi ko at nakipag-high five sa kanya. Astig!
"Okay, Ate Rizza. No more worries." Kinindatan ko siya at bumalik na sa kwarto.
Ch-in-eck ko kung online na ba si Cyrus pero si Ate Klarissa ang nakita kong tumatawag sa akin. Nadismaya ako nang bahagya pero ang ate ko naman ito.
"Hello, ate!" Bungad ko at kumaway pa.
"Hello, Katherine. Kumusta ka riyan? Hindi ka ba naiinip sa bahay?" tanong ni ate habang may ginagawang kung ano.
Hindi, dahil kay Cyrus. Lihim akong napahagikgik at ngumiti na lang nang malapad.
"Sanay naman na ako dito, ate. Ikaw?"
"Ayos lang, na-meet ko na ang sinasabi ni lola na amiga nya. At sabi nya, taga -La Paz daw ang apo nyang mapapangasawa ko. Excited na akong makita kung ano ang itsura nya. Sana gwapo at mabait, madali sanang kausap at pakisamahan para hindi ako magkaproblema," nakangiting sabi ni ate.
"Talagang gwapo iyon. Taga-La Paz eh." Sino pa bang magtutulungan kung hindi ang magkakabayan?!
Mukhang handa na ang ate kong magpakasal. Masaya na ang mga mata nya. Wala na ang takot noong unang beses kaming mag-usap tungkol dito. Sana dumating din ang panahon na ako naman ang makakakilala ng lalakeng tatanggapin ako kahit na lumpo ako. I will never stop praying for that day to happen. Wala namang imposible kung para sa atin talaga iyon, lahat naman tayo ay pinaglaanan ng Diyos ng mga magagandang bagay. We just have to wait for that time.
Umabot din ng kalahating oras ang pag-uusap namin ni ate bago sya nagpaalam. Kumabog ang puso ko ng makita ang message ni Cyrus. Kaagad akong nagreply dahil kanina pa ang message na iyon.
Ako:
Hi!Cyrus:
Bakit ngayon ka lang nag-reply? May ka-chat ka sigurong iba.Ano ba naman itong lalakeng ito? Feeling boyfriend! Talagang sa tingin niya ay may kinakausap akong ibang lalake maliban sa kanya. Masyado na kaya akong natutuwa sa kanya na siya na nga lang ang gusto kong kausap.
Ako:
Kausap ko ang ate ko. Bakit galit ka? Boyfriend ba kita?Cyrus:
Pwede naman.Pwede bang sumigaw? Kaso nandyan ang mga kasambahay. Baka isipin nilang napano na ako rito. Ito naman kasing si Cyrus, eh!
Ako:
Sira, mga galawan mo, galawang playboy.Cyrus:
Masama bang sabihin ang nasa puso?Hala! Ano ba naman itong lalaking ito? Hindi pa nga ako nakikita ng personal ay gusto na akong maging girlfriend. Bigla tuloy akong kinabahan sa oras na magkita kami. Baka ma-disappoint lang siya.
BINABASA MO ANG
Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)
RomanceWhen the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kismet let him came to her impossible path and kissed all her flaws that explain everything she was hee...