Explaining Miracle"Hindi ka pa rin ba pwedeng bumalik sa trabaho mo? Galit pa rin ang lola mo?" tanong nya habang nasa harap kami ng rest house, nakaupo sa isang blanket at pinagmamasdan ang pag-lubog ng araw.
Hinalikan ko ang pisngi nya at umiling. "Ayaw akong kausapin ni lola, hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Ayos lang naman sa akin kung hindi kaso paano kita bubuhayin at ang mga magiging anak natin?" Ngumuso ako. May ipon naman ako pero hindi naman iyon sapat lalo na at plano kong magkaroon ng maraming anak.
Tumingin sya sa akin. "Mga? Ilan ba ang gusto mo?"
Nagkibit-balikat ako. "Kung ilan ang ipagkakaloob, okay lang sa akin kung isa lang o sampu."
Sinampal nya ako ng pabiro. "Sira ka talaga!" sabi nya at tumawa.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na sya sa mga bisig ko. Parang kailan lang noong nakita ko syang nahihiyang ngumiti sa akin. Mga ngiting hindi na naalis sa isipan ko.
Noong una ko syang nakita sa parada ay natakot para sa kanya. Walang pag-aalinlangan na pinuntahan ko sya kahit pa panay ang tawag sa akin ni Reyes na kasama ko.
"Aganon, saan ka pupunta?! Malilintikan ka kay Big Boss! Bumalik ka dito! Pambihira kang tao ka!" sigaw niya na natabunan na ng mga ingay ng tao.
Hindi ko sya pinansin at pinuntahan ang dalagang naka-wheelchair at inalis sa magulong mga tao.
"S-Sandali!" tawag nya sa akin kaya napahinto ako.
"Salamat po. Sana makabawi ako sa iyo balang araw," sabi nya at ngumiti nang matamis.
Mula ng araw na iyon ay hindi ko na nakalimutan ang mga inosente nyang mga mata, ang makinis at maputi nyang mga balat, ang matangos nyang ilong, ang mapulang labi at ang kanyang katawan na walang kalaban-laban.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Uy, bagong chiks?" tanong ni Reyes.
Nilayo ko ang cellphone ko sa kanya. "Anong chiks ka d'yan? Iba ito," sabi ko at tinignan ang picture namin sa dagat kung saan kami nagpakasal kuno. Pero sana ay totoong kasal na nga lang ito. Gusto kong itala na siya sa akin. Ako dapat ang mag-alaga sa kanya. Hindi pwede ang iba.
"Paanong iba? Mahal mo na? 'Yan ba yung naka-wheelchair?"
Hindi ko na sya sinagot. Iba talaga si Katherine, wala akong pagdadalang-isip ng inamin ko sa sarili kong mahal ko sya.
Hinintay ko sya ng araw na iyon ng sinabi nyang hintayin ko sya. Gusto ko rin syang kumustahin dahil sa akisidenteng nangyari sa kanya kahapon.
Pero...
Walang Katherine na dumating. Inisip ko na baka mahuhuli lang sya pero kinabahan ako sa s-in-end nyang chat sa akin.
Katherine:
I'm sorry, I'm sorry, Cyrus. I love you, too. Goodbye.Bakit nagso-sorry?
Tinanong ko sya kung nasaan na sya at anong nangyayari sa kanya. Pero hindi na sya nagparamdam, hindi ko na ulit sya nakita. Sumama ang loob ko at hindi rin napigilang mag-alala. Nasaan na sya? Anong nangyari sa kanya? Hindi ko na ba ulit siya makikita kagaya ng palagi niyang sinasabi?
"Cyrus, meet Klarissa," sabi ni lola nang may dumalaw sa aming isang dalaga.
Siya 'yung nag-chat sa aking babae na pinagselosan ni Katherine.
"Hi," bati ko at nilagpasan na sila.
"Cyrus, how rude para sa mapapangasawa mo," sabi ni lola kaya napahinto ako.
BINABASA MO ANG
Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)
Storie d'amoreWhen the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kismet let him came to her impossible path and kissed all her flaws that explain everything she was hee...