Simula

1.6K 43 10
                                    


Accept

"Ate Rizza, sa garden lang. Gusto ko lang magpahangin. Sige na, please," pakiusap ko kay Ate Rizza na hindi na alam ang gagawin at napakamot na lang sa ulo. Naiinip na kasi ako rito sa loob.

"Bente-sais anyos ka na at para ka pa ring bata. Baka mapagalitan ka na naman ng lola mo," saway niya sa akin at pinandilatan ako.

Ngumuso ako at bumuntonghininga. "Wala naman sila, tsaka wala namang makakakita sa akin."

Huminga siya nang malalim. "O, siya, sige. Pero sandali lang, ha? Kung hindi ay parehas tayong mapapagalitan." Napakamot siya sa ulo niya.

"Yes!" Napasuntok ako sa hangin at ngumiti nang malapad.

Tinulak nya ang wheelchair ko papuntang garden at hindi na matanggal ang ngiti ko.

"Thank you, ate Rizza," sabi ko bago nya ako iwanan dahil may gagawin pa raw sya sa loob.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagbukas ng Facebook. Kahit hindi naman alam ng mundo ang existence ko, alam na alam naman ng online world. Hindi naman ako mangmang kagaya ng iniisip ng mga magulang ko.

Para hindi ako makilala ay ibang surname ang ginamit ko at hindi rin ako friend nila ate. Sa online world, marami akong kaibigan at parang ordinaryong tao ako. Masaya ako tuwing may nagcha-chat sa akin kahit hindi ko sila kilala ay alam kong mababait sila. Sa tingin ko nga ay mas magaan pa ang loob ko sa kanila kahit hindi ko pa sila nakikita. Hindi kagaya ng mga magulang ko.

Naitago ko ang cellphone ko at mabilis na napalingon sa may gate nang bumukas iyon. Mabilis kong pinagulong ang wheelchair ko at nagpunta sa kwarto ko. Mahirap kapag nakita ako ni lola na nasa labas ng bahay. Ayos lang kung ako ang mapapagalitan pero baka madamay ang mga kasambahay. Ayokong mangyari iyon. Ayokong mawalan sila ng trabaho dahil sa katigasan ng ulo ko.

Nagsimula nang maging abala ang mga kasambahay sa paghahanda sa dinning room. Katabi lang kasi ng kwarto ko ang dinning room na malapit na sa kwarto ng mga kasambahay.

"Nakahanda na ba ang mga papeles nyo para sa pag-alis natin bukas?" rinig kong tanong ni lola habang kumakain sila.

Aalis sila? Saan sila pupunta?

"Yes, mama," sagot ni papa.

"Aabutin ng tatlong buwan ang pag-stay natin sa states," dagdag pa ni lola na mukhang masayang-masaya.

Sa america? Tatlong buwan sila mawawala. Isasama kaya nila ako? Paniguradong hindi. Hindi kailanman nila ako sinama sa mga lakad nila. Milagro kung isasama nila ako.

"Magkikita kami roon ng mga amiga ko. Paniguradong marami-rami kaming pag-uusapan. Kasama na roon ang pagpapakasal ni Klarissa sa panganay na apo ni Donya Inesa," tuwang-tuwang sabi ni lola.

Magpapakasal na si ate? Alam ko ay wala siyang nobyo. Sino ang pakakasalan niya?

"Donya Inesa? 'Yung taga-Nueva Ecija na may-ari ng malaking plantation. Siguradong magiging malaking tulong sila sa atin kung maikakasal nga si Klarissa sa kanyang apo. Tutal ay nasa tamang edad na rin naman sya," sabi ni papa na mukhang sang-ayon pa na ipapakasal si ate sa lalakeng hindi naman niya kilala.

Bakit hindi man lang nya ipagtanggol si ate? Anong ginagawa ni mama? Siguradong malungkot si ate dahil ipapakasal sya sa hindi nya mahal.

"Ayos lang ba sa iyo iyon, apo ko?" tanong ni lola kay ate.

"Ayos lang po, kung para sa ikabubuti ng marami," maligayang sagot ni ate. Bakit ba siya ganyan? Bakit hindi siya tumutol kung ayaw niya? Siguradong pagbibigyan naman siya ni lola dahil mahal na mahal siya nito.

Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon