AlrightDalawang oras ang nakalipas pagkatapos naming mag-mall ay kaharap ko ulit ngayon si Miguel. Nandito kami sa may garden dahil gusto ng mga lola namin na mag-usap kami nang maayos. Kaya kinakabahan ako. Makakausap ko ba siya nang maayos? Baka hipuan na naman ako nito.
"Um, Katherine. I'm sorry about last time," sabi nya kaya natuon ang atensyon ko sa kanya.
Ngumiti ako. "It's okay. Naiintidihan kita," mabilis kong sabi para wala ng maraming salitaan pa. Hindi ako komportable at hindi maganda ang pakiramdam ko ngayong nandito siya.
Lumiwanag ang mukha nya. "Really, thank you," sabi nya at bumulong sa sarili at hindi ko iyon naintindihan. Tumikhim sya at ngumiti sa akin. "I'm Miguel Liscano and nice to meet you, Katherine," sabi nya at inabot ang kamay sa akin.
Kinuha ko iyon at nakipag-shake hands. "Nice to meet you, too. Sana maging magkaibigan tayo. Kahit ganito ang simula natin. Gusto kong maging maayos tayo bago ikasal. Hindi ka naman mahihirapan sa akin kagaya ng iniisip mo. Kaya kong mag-isa at hindi ako magiging pabigat."
Ngumiti sya at binawi na ang kamay. "Kung hindi nakakahiya sa iyo, pwede ko bang malaman kung bakit ka nalumpo?" tanong nya.
Nagkibit-balikat ako. "I don't know, pero noong bata ako tuwing pagkatapos naming maglaro ni ate ay sumasakit ang mga binti ko. Sinabi ko iyon kila mama pero sabi nila dahil lang daw iyon sa pagod kaya hindi ko na lang din pinansin. Pero isang araw, sumakit sya ng todo at hindi na ako makatayo hanggang mamanhid na lang sila. At mula noon, hindi na ako makatayo, makalakad o makatakbo. Ilang beses kong sinubukan pero kahit na anong gawin ko ay hindi ko na mautasan ang mga binti ko. Nakakatakot ang mga araw na iyon."
Tumango sya at nag-iwas ng tingin. "I'm sorry to hear that," mahinang sambit niya.
"Ayos lang, tanggap ko naman na. Baka ito talaga ang nakatadhanang mangyari sa akin. Wala namang may gustong maging ganito ako." Bumuntonghininga ako.
Natahimik kami ng ilang minuto bago muli sya nagsalita. "Gusto kang papuntahin ni lola sa bahay, ang sabi ko magpapaalam muna ako sa iyo kung gusto mo. Para na rin sana makita mo ang bahay na titirhan mo pagkatapos nating ikasal."
"Sige, ayos lang. Kailan ba?" tanong ko. Ayos lang naman sigurong makita ko ang bahay kung saan na ako titira habang buhay.
Ngumiti sya. "Dinner, tomorrow."
Tumango ako. "Okay."
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay nagtaka ako sa inasta nya. Hindi naman ganoon 'yun. Pero kailangan ko ng sanayin ang sarili ko sa kanya, magiging asawa ko na sya. Kung magbabago man siya kapag wala ng nakatingin na tao ay wala na akong magagawa.
Pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga sinasabi ni Cyrus, na hindi sya papayag kung hindi kaming dalawa ang ikakasal sa isa't isa. Gusto niya talaga akong pakasalan. Ilang beses na niyang sinabi iyon kahit noong mga date namin. Paano kaya kami kapag mag-asawa na? Tuwing gigising kami sa umaga ay hahalikan kaya niya ako? Ipagluluto ba niya ako at sasamahang gumawa ng banana rotti? Mapait akong napangiti, sana lang ay magkatotoo ang lahat ng iyon. Sa mga panaginip ko ay maligaya kaming tunay.
Nang araw na iyon ay pumunta kami sa bilihan ng mga bulaklak upang magtingin ng gagamitin sa church wedding ni ate.
"Ang daming maganda! Hindi ako makapili!" sabi ni ate at kumapit sa braso ni Cyrus.
Tumingin ako sa mga bulaklak na iba-iba ang kulay. Inisip ko kung anong gusto ko kung magiging engrande ang kasal ko. Gusto ko ng maraming bulaklak na kulay puti na may halong light pink.
Kumuha ako ng ganoong klaseng bulaklak sa mga naka-basket sa harap ko. Inayos ko iyon ng parang isang bouquet na hinahawakan ng bride sa kasal. Ngumiti ako nang matapos kong ayusin. Pinakita ko kay ate ang nagawa ko.
BINABASA MO ANG
Explaining Miracles Of Kismet (EX Series 2)
RomanceWhen the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kismet let him came to her impossible path and kissed all her flaws that explain everything she was hee...