Parang kahapon lang, galit na galit siya sa akin. Parang kahapon lang, napipikon siya sa akin. Parang kahapon lang, nagpapahiyaan kami sa harap ng mga maraming tao. Parang kahapon lang, lagi kaming napapatawag sa guidance office dahil sa walang katapusang away namin. Parang kahapon lang, lagi ko siyang hinaharang sa hagdanan para hingin sa kanya yung baon niya. Parang kahapon lang, pinapahiya ko siya lagi tuwing flag ceremony. Parang kahapon lang, binato niya ako ng swivel chair ng adviser niya kaya nasira tapos napalabas siya ng classroom ng di oras. Parang kahapon lang, nagsisimula na akong umibig sa kanya. Parang kahapon lang, crush ko siya sa di malaman na dahilan.
At parang kahapon lang, Nagkakilala kami tapos napagtripan ko siya agad.
"Huy Nerd! Ano na namang iniisip mo diyan?" Tanong ko sa kanya
"Wala naman. Naalala ko lang yung mga araw kung paano tayo nagsimula." Nakangiting tugon niya sa akin.
"Haha!" Tawa ko sabay halik sa mga pisngi niya. "Ikaw talaga, palibhasa nasobrahan ka sa talino kaya kahit matagal nang pangyayari eh naaalala mo pa rin." Sabay yakap ko sa kanya patalikod at patong ng baba ko sa balikat niya. "Pero kung sa bagay, ang gara rin kasi talaga nung simula natin eh. Biruin mo, nasurvive mo yung pangbubully ko sayo? Kung sa bagay. Pogi rin naman kasi ako. Haha!" Pagyayabang ko sa kanya. Loko rin talaga ako eh.
"Okay. Edi pogi." Walang gana niyang tugon. "Palibhasa kasi ikaw, puro ka pambubully. Alam mo ikaw, matalino ka rin naman eh. Lamang lang ako ng limang paligo ng katalinuhan" Pagyayabang rin niya sa akin. Nako naman, oo na mas matalino ka na sa akin! "Di mo lang kasi ginagamit yung talino mo. Gagamitin mo lang kung kailan mo gusto o kaya kailangan." Sermon niya sa akin.
"Sorry na. Dun ako nasanay eh. Tapusin mo na nga yang pagtotoothbrush mo. Natutulala ka kanina eh. Tas bigla kang napapangiti. Kaya kita nilapitan kanina kasi akala ko sinasapian ka na." Sabay batok ko sa kanya at biglang karipas ng takbo papunta sa higaan naming dalawa.
"Aray ko! Gago ka talagang damuho ka eh no? Lagot ka sa akin mamaya!" Pananakot niya sa akin.
"Edi lagot!" Sigaw ko sa kanya sabay talukbong ng kumot sa buong katawan. Aba! Ako pa hamunin mo ah? Tingnan natin.
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...