Lorcan*
Dismissal time, buong buo ang araw ko dahil pinakilig na naman ako ni Grey kanina. Ngunit ngayon, eto. Di ko alam ang mararamdaman ko. Nagulantang ang pagkatao ko nang magpakita sakin ang isang tao mula sa nakaraan.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya
"I'm here to win you back Lorcan. I missed you." Tugon niya sa akin. No way.
"Missed you your ass boy. Tantanan mo ako sa ganyan mo. Simula't sapul Christopher, alam kong hindi mo ako minahal. At tsaka ano ginagawa mo dito sa school namin?" Tanong ko sa kanya.
"Nagtransfer ako dito. Dito na ako mag-aaral. Hindi mo naman siguro binili ang isang to ano?" What? No way.
"Tch, mauuna na ako. Ayokong masira araw ko sayo." At pumiglas ako sa kamay niya at lumakad palabas ng school. Asan na ba kasi si Grey?
"No! Lorcan please? Mag-usap naman muna tayo oh!" Pangungulit niya sa akin. Hawak hawak niya ako ngayon sa kamay.
"Wala tayong dapat pag-usapan Christopher. Tsaka pwede ba, bitiwan mo kamay ko. Nasasaktan ako!" At pumiglas uli ako sa kanya at binilisan ko ang lakad ko. Nakalabas na ako ng school ngunit sadyang mabilis lumakad ang isang to.
"Ano bang gusto mong gawin ko para mag-usap tayo ha?!" Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin ngayon, nasasaktan na talaga ako. Hindi tulad kanina, Grey, asan ka na ba?
"Pare, bitiwan mo siya. Pag ayaw niya, wag mong pilitin." Pag singit ni Grey at tinapik niya ang kamay ni Christopher para mabitawan ako.
"At sino ka naman ha?!" Mukhang nagalit lalo si Christopher nang makisingit sa amin si Grey. Ano ba naman to.
"Boyfriend ko siya. / Ako ang boyfriend niya." Sabay naming sagot kay Christopher. At nagkatinginan pa kaming dalawa. Nginitian niya ako, sinimangutan ko siya. "Ikaw, ba't ang tagal mo?" Tanong ko sa kanya.
"Inutusan pa kami ni Sir Carl eh. Sorry na Nerd ko." Tugon naman niya.
"Eto ba yung pinalit mo sa akin? Itong mukhang adik na to ha?" At kwinelyuhan niya si Grey. Nalintikan na...
"Pre, kalma lang. Oo. Ako nga. Bakit, nagseselos ka ba? Tsaka sino ka ba h--" Tangina! Nagkasuntukan na yung dalawa!
Hindi ko alam kung paano ko sila aawatin, pero, pero si Grey, alam kong bully si Grey pero hindi siya ganun kahilig sa away.
"Hoy! Magpaawat na nga kayo!" At hinila ko si Christopher dahil napuruhan na niya si Grey. "CHRISTOPHER! TANGINAMO ANO BA!?" Namura ko siya ng tuluyan dahil sa ginawa niyang pambuugbog kay Grey.
"Gago ka! Babalikan kita!" Sigaw ni Christopher.
"CHRISTOPHER TAMA NA!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko alam, nahahabag ang loob ko sa mga nangyayari ngayon. Naiiyak na naman ba ako? "Tama na naman oh! Wag ka na manggulo!" Umiiyak nga ako. Tch.
"Lorcan, mahal pa rin kit--"
"HINDI NA KITA MAHAL!" Sigaw ko sa kanya. At patuloy na umaagos ang mga luha sa mata ko. "PAG MAY NANGYARING MASAMA KAY GREY! IKAW ANG BABALIKAN KONG GAGO KA!" Sigaw kong muli sa kanya. Napuruhan niya si Grey. Nawalan siya ng malay. Mabuti na lang at dumating agad sina Stef at ang iba pang mga kaibigan ni Grey para sumaklolo sa amin. Agad naming dinala si Grey sa pinakamalapit na ospital. Maraming sugat at pasa ang natamo niya. Tangina talaga nun ni Christopher.
"Nurse, kumusta na po siya?" Tanong ko sa nurse na na-assign kay Grey.
"Hindi maganda ang kalagayan niya. Masiyadong malakas ang mga suntok na natamo niya. At may mga deep wounds din siya." Tugon nung nurse. Tch. Anlaking problema nito.
"Gawin niyo po ang lahat ng kaya niyo upang mapagaling siya. Ako magbabayad ng lahat." Tugon ko sa nurse habang patuloy pa rin ang pag-iyak ko.
***
Nakatulog na pala ako. Andito pa rin kami ngayon sa ospital dahil naka-confine pa din si Grey. 3 - 5 days siyang magi-stay dito dahil kailangan niya ng mabilisang treatment. Hanggang ngayon, di pa rin siya nagigising.
"Grey, magpahinga ka lang." Bulong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa noo.
"Tok tok tok!" May kumatok sa pintuan.
"Pasok po!" Sigaw ko.
At iniluwa ng pintuan si Nancy. Ano'ng ginagawa niya dito?
"It's nice to see you again fag. Oops, my Ex bestfriend." Panimula niya.
"Alam mo, kung wala kang magandang gagawin dito, umalis ka na lang. Ayoko ng gulo ngayon." Tugon ko sa kanya.
"Kumusta naman siya? Akala ko ba, hinding hindi mo siya hahayaang masaktan?"
"Wala ka na dun."
"Si Christopher ba ang may kagagawan nito? Haha! Good for him." At tumawa siya ng mapakla. Yung tipong maaasar ka sa bawat tawang pinakakawalan niya.
"Umalis ka na bago ko makalimutang babae ka." Babala ko sa kanya.
"Hahaha! Naaasar ka na ba Lorcan? I hope maasar ka pa ng sobra sa akin. I know hindi mo ako kayang saktan. Alam ko kung gaano mo ako kamahal. Mang-aagaw! Bakla! Freak!" Dinedemonyo talaga ako nito eh.
"Nancy please, umalis ka na." Pag ito nagsalita pa, matatampal ko na talaga bibig nito.
"Ano, why can't you speak something fag? Wala kang masabi? Mang-aagaw ka! Sinamantala mo yung pagkakataon na walang wala si Grey tap--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita. Sinampal ko na siya at pagkatapos tinulak ko palabas ng room. Sorry po Lord! Nakakainis na kasi eh!
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...