Bestfriends Reunited

1K 47 2
                                    

I dedicate this chapter for JaysonVillanueva945. Thankyou sa pagsubaybay!

Grey

"Hayop ka talaga! KINGINAMOOO!" Sabay batok ko kay Stef dahil simula't sapul alam na pala niya ang lahat. Mula sa pangbubully ko kay Nerd, sa pagseselos ko, sa nararamdaman din ni Nerd para sakin. Oo. May gusto sakin si Nerd. Kaya naman ngayon,

Lightbulb!

"Aray ko naman! Sadista ka talagang hindot ka kahit kailan!" Sigaw niya sakin dahil nilakasan ko yung pag-batok sa kanya. Tawa kami ng tawa habang naglalakad kaming dalawa. Para kaming mga ugok na ngayon lang uli nagkita. Kung sa bagay, totoo naman na ngayon lang uli kami nagka-bonding ng ganito.

Three days from now, susuyu-suyuin ko siya at liligawan. Kahit na mag-iisang linggo na niya akong di pinapansin mula nung nag-pahiyaan kami sa flag ceremony. :(

Oo. Gagawin ko to. Liligawan ko si Nerd nang di niya nalalaman. I will make him fall in love with me. Si Lorenz na lang ang di nakakaalam ng mga nangyayari ngayon. Better update him next time. Dahil wala na siya dito sa pinas at kinuha na siya ng ate niyang Amboy. Wahahaha.

Magkasama pa rin kami ni Stefano na naglalakad-lakad. Di ko alam king tinutulungan ba ako nito o may balak na i-sabotahe yung mga plano ko para kay Nerd eh. Pfft.

"Ano'ng gagawin mo ngayon niyan? Eh inis pa rin sayo si Lorc." Tanong niya sa akin.

"Sisimulan ko sa pagsuyo sa kanya. Par, may idea ka ba kung ano yung mga favorite niya?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Alam ko lahat. Buti pako may alam ikaw wala." Sabay ngiti niya ng nakakaloko. Tanginang to anong gusto nitong sabihin?

"Ay sorry naman ho ah! Nahiya naman ako kasi kayo yung laging magkasama eh. Di naman kami."

"Hahahaha gusto ka niyang makasama kahit minsan. Alam mo ba kung gaano kacute yung mukha nun kapag nagdedeny pag ikaw na ang usapan? Nako maiinlab ka talaga par!" Wag mo lang tangkaing mainlab kay Nerd hayop ka. Hahaha!

"Wag mo na ituloy. Usapan natin dito kung ano yung mga paborito ni Nerd. Bigyan moko ng isa para may idea ako kung bibilhin ko." Seryosong tugon ko.

"Eto naman, masiyadong seryoso. Sige, simulan natin sa basics. Sa meryenda, peyborit nun ung kamote. Kahit ano basta kamote." Natawa ako sa sinabi niya. Tangina kamote pala peyborit ni Nerd. Parang si Shizuka lang! HAHAHAHA. Kasi, naiisip ko na baka pag binigyan ko ng isang katerbang kamote to, baka matulad ako kay Nobita na binato ni Shizuka ng kung ano ano. HAHAHAHA XD

"Tangina kamote talaga? Gago pucha, lakas mo Par!" Mangiyak-ngiyak nako sa kakatawa dahil sa kamote na yan.

Lightbulb! Bukas na bukas din, bibisitahin ko siya sa kanila at dadalhan ng Kamote cue. Hihihi.

Lorcan

Isang linggo na rin pala ang nakalipas simula nung dedma-dedmahin ko si Grey. Hay. Oo namimiss ko siya pero punyeta talaga siya. Ang lakas lakas ng trip niya lagi sa akin. Naiinis pa rin ako sa kanya mula nung nagpahiyaan kami sa Flag Ceremony nun. Ugh!

*Flashback*

Papasok na ako sa gate nang school, first time kong medyo nalate sa flag ceremony dahil prayer na nung nakarating ako sa pila namin.

Nagmamadali akong maglakad nun nang biglang natisod at natumba ako which is sobrang nakakahiya. At ang salarin? Walang iba kundi si Christian Grey Soriano. Hayop talaga. Ang aga aga pa. Nalaglag lahat ng bitbit kong libro pati yung ibang gamit ko kumalat pa. Ugh!

"Ano bang problema mo?" Pasigaw kong bulong sa kanya habang pinupulot yung mga gamit kong nalaglag. Naririnig ko siyang tatawa-tawa pati yung ibang mga kaklase niya. Hayop talaga. Sa sobrang inis ko sa kanya at hindi ko na alam ang gagawin, tumayo na lang ako...

At saka siya sinikmuraan.

Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko at pagkatapos na pagkatapos ko siyang sikmuraan ay dumiretso na akong naglakad papunta sa pila namin. Hindit ka kala mo di kita kayang saktan. Pero nakonsensya ako ng very light sa ginawa ko sa kanya. Haha.

***

Habang nagyoyosi ako ay narinig kong may kumatok sa pintuan. Aba'y sino na naman kaya ito?

"Saglit." At tinungo ko agad ang pinto para pagbuksan ang kung sino mang kumakatok.

At iniluwa ng pintuan si Stefano na may bitbit na softdrinks at, wait. Bakit siya namumula at nanlalaki ang mata niya sa akin?

"Uhm, m-magdamit ka nga huy. N-naeexpose kasexyhan mo." Wala sa sarili niyang puna sa akin. Fuck. Nakalimutan ko naka boxer brief nga lang pala ako.

"Pumasok ka na! Hintayin moko dito! Maupo ka muna!" Sigaw ko sa kanya habang nagtatatakbo ako paakyat ng hagdan dahil sa kahihiyan. Kasi naman eh, kalalabas ko lang kaya ng banyo dahil kakaligo ko lang.

Agad akong nagsando at nagshort at binaba ko agad si Stefano sa sala. Nadatnan ko siyang nakaupo sa sala at naghihintay sa akin. Namumula pa rin siya. Anong nangyare dito?

"Huy, ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Na-shock lang ako sayo." Tugon niya sabay ngiti sa akin. "Lika, kain tayo. Bumili ako ice cream pati coke. Gawa tayo float." Alok niya sa akin. Naging magbestfriend na kami nito kahit papaano. Gaan ng loob ko sa kanya kasi di siya maarte kasama.

At umupo ako sa tapat niya at pinagsaluhan namin ang vanilla ice cream na may coke. Yum. Better than McFloat. Nagkukwentuhan lang kaming dalawa about sa mga upcoming events sa school like intramurals, foundation day at Celevration ng 30th year ng school namin.. Dahil isa siya sa mga magoorganize ng isang booth dun na talamak at gustong gusto ng lahat. Ang 'Marriage Booth'. Di ko alam kung bakit sa dinami-dami ng booth na pwedeng i-organize e ayun pa ang naisip niya.

Natapos ang kwentuhan namin nang maubos na namin ang coke at ice cream. Pati yug yosi, naubos na rin pala. Maya-maya ay nag-paalam na siya dahil may lakad pa daw siya. Hinatid ko siya sa labas ng pinto at tinawag niya ang pangalan ko nang makalabas na.

"Lorcan." Seryoso niyang tawag sa akin.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ang sexy sexy mo pala. Ang ganda ng katawan mo." Sabay kindat at lipbite ni Gago.

"Tang ina mo ka. Hayop!" Sabay takbo niya nang mabilis para di siya mahagip ng kamay ko. Kingina nitong gagong to.

Pero ngayon, namumula ako sa sinabi niya. And I don't know why.

Isinarado ko ang pintuan ng bahay at umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga sa aking kama. Inaantok ako. Itutulog ko na lang muna siguro to.

[How's it? It's been a while. Hahaha!]

Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]Where stories live. Discover now