Lorcan's point of view
Habang naglalakad kaming dalawa ni Stefano, di ko maiwasang mainis dahil sa mga sinasabi niya. Siguro totoo nga. Na naiinis ako kanina dahil nagseselos ako. Ugh! Kung ano man ang nararamdaman ko, totoo na to. OO NA. TOTOO NA TO. Pero ewan ko pa din, nag-aalangan pa ako.
"Yiee, may gusto kana sa kanya no?" Tanong ni Stefano sa akin. Sa ilang araw na lagi ko tong sinasama mag-kape ay parang naging mag-bestfriend na kami. Sa akin na siya lagi sumasama. Napapansin ko din na lumalayo siya kina Grey pati kay Lorenz. At si Nancy? Ayun. Sinusuyo-suyo pa rin ni Bully kahit alam niyang wala naman na siyang pag-asa pa. Diba? Eh kung ako yung nililigawan niya edi ayos pa.
"Oo na! Peste ka! Humanap ka na ng table. Oorder na ako." Sabi ko sa kanya nang makarating na kami dito sa SB sa may MOA. Tambayan na namin ang SB mula nung nagkape kaming dalawa. May mga pinaplano tong lalaking to na hindi ko alam eh. Bigla bigla na lang napapangiti kapag kausap ako eh. Pag tinatanong ko naman puro wala lang sagot ni Loko.
"Okay. Green Tea Cream akin ah? Tapos Oreo Cheesecake." Walangyang to. Demanding masiyado. Pero ayos naman. Mas gusto ko pa siyang ilibre kesa kay Grey. Napakabully kasi nun. Magpapalibre na nga lang kelangan lagi pa akong may batok galing sa kanya. Diba? Nakakabuwisit.
*****Naka-order agad ako ng frappe namin ni Stef dahil di rin naman ganun kahaba ang pila. Agad akong tumungo sa upuang napili ni Stef. Sa labas kami nag-stay para pwede mag-yosi habang nagkukwentuhan kami.
"Matanong nga kita, ano bang plano mo?" Takang panimula ko sa kanya dahil wala talaga akong idea sa ginagawa niyang pangisi ngisi.
"What if pagselosin natin si Grey no? Sapalagay mo, tatalab kaya yun Lorcs?" Naidura ko tuloy sa kanya yung nasipsip kong kape. Tangina balahura. Andami tuloy tumingin sa amin. Nakakagulat kasi eh.
"Tanginang to ang baboy! Haha!" Sabay punas niya sa kanyang mukha. Grabe, parang gusto ko tuloy magpakain sa lupa ngayon.
"Are you kidding me? Naloloko ka na ba Stef?" Tanong ko sa kanya matapos niyang linisin ang kanyang pisngi.
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...