Mr. And Mr. Soriano

742 37 4
                                    

Lorcan*

Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang madischarge si Grey. At eto kami ngayon, naghahanda para sa intrams ng school. Kasali siya sa basketball at ako naman, hindi na sumali. Nag-manage na lang kami ng booth ni Stef. At i-pinush talaga niya ang marriage booth.

"Okay na ba lahat?" Tanong niya.

"Yep! Okay na lahat. Ayos na yung venue and yung props okay na rin!" Sigaw nung kasama namin.

"Wait, yung flowers kulang." Sabi ko sa kanila.

"Patay tayo diyan. Hindi pwedeng wala tayong flowers. Nangako pa naman ako sa mga teachers na utong marriage booth this year ang magiging pinaka da-best!" Biglang nalungkot ang mukha ng lahat.

"Stef! Tara! Manghingi tayo ng permit! Ako na bahala sa flowers." At nabuhayan naman lahat sila dahil sa sinabi ko. Yes. I'm dead serious about this thing. Sayang talaga kung walang flowers kasi nagmukha na talagang wedding venue yung classroom na ginamit namin.

***

Successful ang basbas na hiningi namin sa MAPEH head. Kaya ngayon, eto kami ni Stef. Nasa labas, naglalakad papunta sa bilihqn ng flowers malapit dito sa school namin.

"Dabest ka talaga Lorcs!" Sabay yakap sa akin ng mahigpit ni Stef.

"Wala yun Stef. Sayang naman kasi kung wala talagang bulaklak. Na-appreciate ko yung pag-eeffort mo para sa booth. Kaya kapalit niyan, tara. Bili tayo ng mga bulaklak!" Tugon ko naman. Maeffort talaga kasi si Stef pagdating sa mga ganyang bagay. Lalo na pag-siya ang na-assign na monitor or somewhat organizer. Pinapaganda niya talaga.

Nakarating na rin kami sa bilihan. At nagpa-set na agad kami ng mga roses na pang-wedding. Umalis muna kami saglit ni Stef at nag-paalam sa may ari ng tindahan na babalikan ang mga bibilhin. Nagpunta naman kami ni Stef sa Mcdo sa tapat nun para kumain muna. Nakakagutom kasi.

"Hanap ka na ng upuan. Ako na oorder." Sabi ko sa kanya.

"Hindi. Ako na. Ako naman lagi umoorder sa atin eh." Tugon niya

"Ako na nga. Bahala ka di kita ililibre." Pananakot ko at instant alis siya sa harap ko pagkasabi ko nun. Hahaha.

Umorder ako ng dalawang McRib, dalawang order ng 2pcs. chicken at dalawang coke float. Tapos nag-separate ako ng order oara kay Grey. Alam kong magugutom yun mamaya. Di ko alam kung bakit pero gusto kong magpakabusog ng sobra ngayon.

"Andami naman niyan." Ngiting ngiti si gago oh.

"Oo. Tayo lahat kakain niyan. Hahaha nag-separate din ako ng order para kay Grey." Tugon ko sa kanya. At kami ay nagsimula nang kumain.

"Ang sweet sweet niyo nang dalawa." Panimula niya.

"Oo nga eh. Hindi ko akalain. Di ko akalaing magkakagusto rin ako sa kanya." Ngiti ngiti ako. Kinikilig na naman ako. Hahaha!

"Ako rin eh. Di ko akalaing maiinlove siya sayo. Anong pinakain mo dun?" Biro niya sa akin.

"Talong." Sabay tawa ng malakas. Nakita kong nasamid siya sa kinakain niya. HAHAHAHA!

"Bastos ka. Hahaha!" Nakita kong lumabas yung iniinom niya sa ilong niya kaya mas lalo akong natawa. Ngayon lang uli kami nagkasama nito ni Stef.

Grey*

Intrams na namin. And kasali ako sa basketball team. Sana manuod mamaya si Nerd sa akin. Alam ko namang busy siya dahil kasama siya sa mga mag-oorganize ng Marriage booth. Kaya ayos lang sa akin kahit di na siya makanuod.

Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]Where stories live. Discover now