Abduction

651 39 8
                                    

Lorcan*

Tatlong araw na mula nung naganap ang kahabag-habag na eksena sa tanang buhay ko. Hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako. Buti na lang nag-suspend ng klase na dalawang araw na dahil may bagyo. Mukhang pati yung langit nakikisabay sa pagdadalamhati ko.

Hindi ko alam, tinatamad ako. Tinatamad akon tumayo at kumain. Sa totoo lang, mula nung mga oras na nangyari yun, hindi pa rin ako nakain.

Sa madaling salita, tatlong araw na akong walang kain. Eh sa ayoko eh. Katawan ko to.

Ilang araw ko na ring hindi pinapansin si Grey. Kahit nangungulit siya ng nangugulit sa akin, tinitiis ko. Hindi ako magpapakamartyr para sa kanya no. Pero hindi ko naman siya tutuluyang dedmahin. I just want him to learn his lesson.

Alam kong hindi ako babae at hindi ko siya mabibigyan ng anak. But it doesn't mean na dapat niya akong ganituhin. Masiyado siyang nagpadala kay Nancy. At isa pa yung gagang yun. Iiwan iwanan niya si Grey tas ngayong nasakin na, aagaw agawain niya? Gumapang muna siya sa lusak.

Pero, bakit niya kaya nagawa sa akin yun? Siguro nga, ganun rin ang nasa isip niya. Na lalaki rin ako, tulad niya. Hindi ko siya mabibigyan ng anak, pero alam ko naman sa sarili ko na kayang kaya kong higitan yung pagmamahal ni Nancy sa kanya eh. At kung yung usapang sex lang? May tamang panahon naman para sa amin eh. Pwede naman siyang magpaalam kung gusto niya akong galawin.

PERO PUTANGINA TALAGA NIYA.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nasasaktan ka. Totoo pala yung mga nagaganap sa teleserye. Na natutulala ka na lang, natitiis mo yung gutom at antok, para kang mababaliw na ewan, hayyy. Letche!

Si Stef? Ayun. Awa ng diyos, lagnat lang talaga. Magaling na rin siya. Pero di ko lang alam kung asan yun ngayon. Namimiss ko na siya. Wala akong makausap na matino ngayon. Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni ko, biglang tumunog yung cellphone ko. May nagtext.

From : Stef
Buksan mo yung pinto. Kanina pa ako nakatok.

Hala. Kanina pa pala nakatok to. Tsk nabibingi na rin ako sa sobrang depress ko. Agad akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto.

"Uy, pasensya ka na. Hindi kita naririnig." Pinapasok ko siya. Buti na lang hindi siya basa.

"Kumusta ka? Salamat pala ah. Magaling na ak-- uy, ayos ka lang?" Hindi ko alam, pero pagkakita ko pa lang sa kanya, tumulo agad yung luha ko.

"Stef," Wala na. Tuluyan na akong napaiyak. Napahagulgol ako at bigla na lang siyang yumakap sa akin. I felt his warm hug over my body.

"Sige. Iiyak mo lang muna yan. Basta wag mo ako sisingahan ha." Ang ending, iyak tawa ako. Gago kasi to. Gusto ko magmoment pero patatawanin ako bigla. Ang sarap sa feeling na magkaroon ng kaibigan na tulad niya.

"Salamat ha. Andyan ka lagi pag kailangan kita." Sabi ko sa kanya.

"Wala yun. Diba nga, bestfriend na tayo sabi mo sakin nun?" Hindi niya talaga kinakalimutan yun.

"Oo naman. Si Grey, asan?" Tanong ko sa kanya. Kahit na galit ako sa kanya ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa kanya.

"Andun lang. Tulog ng tulog. Ano ba nangyari dun?" Wala pala siyang alam sa mga nangyayari ngayon.

"Nahuli ko sila nung lunes. Sila ni Nancy. May ginagawang kababalaghan sa CR." panimula ko. Wag kang iiyak Lorcan.

"Ha? Paanong nangyari yun? Eh diba kayo?" Gulat rin si Stef sa nalaman niya.

"Di ko nga akalain eh. Sabi niya pa, mahal niya ako pero paano daw kung malaman ko yung ginagawa nila. Gago diba?" At muli na naman akong naiyak.

"Gago talaga yung hayop na yun. Malibog talaga. Baka naman kasi di mo pinagbibigyan?" At natawa na naman ako dahil sa sinabi niya.

"Gagi." At napahalakhak ako. "Wala pa ngang nangyayari sa amin eh." Tugon ko.

"Wala pa pala eh. Tara binyagan natin." Sabay tawa niya ng malakas.

"Gago!" At hinampas ko siya sa balikat.

"Joke lang. Hahaha alam ko naman na para lang kay Grey yan eh." Tawa tawa pa rin siya.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa nga eh." Tugon naman niya.

"Osiya, tulungan mo na lang ako. Mag-foodtrip tayo." Yaya ko sa kanya.

"Sige. Maigi para mabawasan yang stress mo. Pumangit ka ng very light sa totoo lang." Kawawa naman pala ako. Pangit na nga, pumangit pa lalo.

***

Nakatulog pala kami pagkatapos naming mag-foodtrip. Si Stef, tulog pa. Nakayakap pa sa akin ag gago. Okay na ako ngayon. Wala na akong sakit na nararamdaman sa dibdib ko. Siguro, oras na para pansinin uli si Grey. Tatlong araw na naman eh. Ayos na yun.

"Stef! Stef! May tumatawag sayo" Sabay abot ko ng tsinelas kay Stef para magising. Ayun yung ginawa kog prop para kunyare, may tumatawag talaga sa kanya. Hahaha okay na nga talaga ako. At bigla namang bangon niya.

"Hello? Hello? Hello?" At tiningnan niya ang hawak niya. Nang marealize niyang tsinelas pala ang hawak niya, binato niya ito sa akin at napahalakhak ako ng malakas.

"Gago! Lakas ng trip mo!" Sigaw niya sa akin. Hahahaha!

"Baluga ka kasi! Sarap ng tulog mo!" Tugon ko naman. "Tara, labas tayo. Bili tayo pagkain para kay Grey."

"Tara." Tugon naman niya.

At nagpunta kami sa kanto para bumili ng paboritong ulam ni Grey. Pares. Masarap na, mura pa. Tapos nagyosi lang kami saglit habang naglalakad kami pauwi.

Nang makarating kami sa bahay ni Grey, akmang kakatok na ako nang makita kong bukas ang pintuan. Bakit? Kaya dumiretso na lang kami ng pasok ni Stef. Pagpasok namin, nakita naming magulo ang bahay. Nagkalat ang mga gamit. Yung tipong parang pinasok yung bahay.

"Anong nangyari dito?!" Sabay na tanong namin ni Stef sa isa't isa. At agad niyang tinakbo ang kwarto nila ni Grey sa taas.

"LORCAN! HALIKA DITO!" Iba yung sigaw ni Stef. Kaya kinabahan na naman ako. At agad naman akong umakyat para tingnan kung ano ang nangyari.

"Bakit? Anong nangyari?" Nagulantang ako sa nakita ko. Puro dugo ang kwarto. At hindi pwedeng hindi kay Grey to dahil siya lang ang naiwan dito.

"Asan si Grey?" Nagsimula na namang pumatak ang luha ko.

"Basahin mo to..." Sabay abot sa akin ng sulat ni Stef. Nakita ko ang galit sa mga mukha niya.

Kung gusto mo siyang maabutang buhay, pumunta ka sa address na nakalagay diyan.
-Nancy

"TANGINA!" Napasigaw na lang ako sa sobrang galit.

Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]Where stories live. Discover now