Lorcan
Mamaya na pala yung acquaintance party namin. May mga natitira pa akong oras para mamili ng susuotin ko mamaya. Mabuti di na kami pinapasok. Yung time daw na magugugol para sa klase ay gamitin na lang namin para ayusin ang mga sarili namin para mamaya sa party. Asan na ba kasi itong si Stef eh? Napakatagal rin kumilos nun kung minsan kaya minsan, naiirita ako ng todo sa kanya.
Tok tok tok! Ayan. May kumatok na. Hayop to napakatagal.
"I'm here na." Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, nagpakyut agad si loko sa akin. Nakakaloko din to minsan eh.
"Ang tagal mo. Bwiset ka. Tara na." Tugon ko sa kanya. At kami ay nagtungo sa H&M para mamili ng aming mga gagamitin para mamaya. Mamimili rin pala tong lokong to. Simple white v-neck top, choco fitted jeans at yung goth boots ang kinuha ko. Para maiba naman ang porma ko kahit mamaya lang. Habang si Stefano naman ay Kumuha ng Mickey Mouse printed na sleeveless top, black skater shorts at kumuha ng simple brown boots.. Wow. Marunong din palang pumorma ang isang to.
"Huy Lorcs, galingan mo mamaya ah." Bigla kong naalala yung contest sa pagkanta mamaya. Kung saan kalaban ko si Nancy. Na bestfriend ko dati, na kaaway ko na ngayon. Ayoko munang ikwento. Ayokong sirain ang araw ko nang dahil sa kanya, hindi worth it.
"Ah, bahala na. Basta gagawin ko kung anong kaya ko. Wag kang mag-expect na magaling ako." Tugon ko naman sa kanya. At naglakad na kami papunta sa cashier upang bayaran ang mga napili namin. At pagkatapos magbayad, tumungo kami sa tambayan namin para magchill saglit at makapagkwentuhan.
"Order ka na. All time favorite pati oreo cheesecake, kaw na bahala sayo." Sabay abot ko sa kanya ng pera at ng sb card ko. At agad siyang tumungo sa counter para umorder. Wala pang ilang minuto ay nakabalik agad siya at inilapag ang inorder niya at umupo sa harap ko.
"Kumusta kayo ni Grey?" Sabay sindi niya ng yosi.
"Bwisit siya." Natawa ako ng bahagya. "Ayos naman kami. Ganun pa rin. Laging nagwawalangyaan." Sabay higop ko sa kape ko. Ang sarap sarap talaga nitong white chocolate mocha. Nakakaasar.
"Hintay ka siguro ilang linggo, magiging sweet na sayo yan." Nabilaukan ako sa sinabi niya. Paano magiging sweet? Sweet pala yung lagi akong binabatukan no? Kinginamo!
"Paano magiging sweet yun? Lagi nga akong binabatukan nung hindot na yun. Tas sweet? Leche."
"Talaga lang ha."
At kami ay umuwi na matapos mamili. Mag-aayos pa ako ng sarili ko. Ngayon na lang uli ako makakapagpa-pogi.
Grey
Okay! It's acquaintance party again niggas! Dejk. Ang pangit tingnan at pakinggan. Nag-aayos na ako ngayon. Dahil maya-maya lang ay pupunta na ako sa school. Magsasayaw kami ngayon. Sana magustuhan ni Nerd yung galaw ko mamaya. Haha!
Sinilip ko yung bahay ni Nerd. Walang ingay. Asan kaya yun? Nasa school na? Umalis ba? O tulog lang? Bahala siya. Malaki na siya. Kaya na niya sarili niya. Dejk. Hahaha!
"Pre! Tara na! Punta na tayo sa school!" Paanyaya sa akin ni Stefano. Ang astig ng porma niya ngayon. Naghalong conyo at skater. Marunong din pala pumorma ng ganito tong lalaking to. Akala ko puro Nike lang eh. Ang suot ko naman ngayon ay Black na v-neck lang at jogger pants na blue tapos black na converse. I love black. Sorry.
"Tara!" Sigaw ko rin sa kanya at bumaba na ako para makaalis na rin kami. Pagbaba ko, andun si Nerd. At ang astig. Ang astig astig ni Nerd ngayon. Hindi niya suot ang salamin niya. Kaya naman mas lalong gumwapo si Nerd kung ikokompara kapag normal day lang. Nerd, nakakafall ka. Letche!
"Ang tagal mo. Letche ka." Bungad sakin n Nerd. Sungit forever. Pero love ko to. Paparapapa! Landi.
"Eto na master. Tara na papunta sa school." At sabay sabay kaming tatlo na pumunta sa school. Pagpasok pa lang namin, usap-usapan na talaga ang kagwapuhan nitong si Nerd. Ang gwapi naman kasi niya talaga. Ang layo ng hitsura niya ngayon sa pang araw-araw.
"Trending ka oh." Rinig kong sabi sa kanya ni Stefano.
"Oo nga eh. Ang simple simple lang naman ng porma ko." Eto ang gusto ko kay Nerd. Napakahumble. Nakakatuwa na parang kahit alam niya kug gaano siya kagwapo eh, hindi niya nagagawang ipagyabang.
***
Natapos na kaming mag-sayaw. First runner up ang section namin at ang last section ang nanalo. Magagaling talaga mga estudyante dun kahit medyo mga loser pagdating sa acads. Nagsimula na rin ang singing contest kanina pa. And it's Nancy's turn para umarangkada.
***
Cool off by Yeng Constantino ang kinanta niya. Ganun pa rin yung boses niya. Maganda pa rin. Wala pa ring pinagbago. At ngayon, eto na. Si Nerd na ang kakanta. Walang nakakaalam ng kakantahin niya. Hmmm. Pa-mysterious effect pa to eh!
[Now playing : Addicted To You by Avicii]
I don't know just how it happened,
I let down my guard...
Swore I'd never fall in love again
But I fell hard.Lakas ng tama ng part na to. Tamang tama ako. Sinabi ko nun sa sarili ko, na pag nag-break kami ni Nancy, hindi na ako magmamahal muli. Pero ano ako ngayon?
Guess I should have seen it coming,
Caught me by surprise...
I wasn't looking where I was going,
I fell into your eyes.Mula noong una kaming nagkita, may nararamdaman na akong kung ano sa kanya. Nung unang beses na umiyak siya dahil sa akin, dun ko naramdaman yung, yung, ewan!
You came into my crazy world like a cool and cleansing wave.
Before I, I knew what hit me baby you were flowing through my veins...Dumating siya sa buhay ko na parang isang hangin. Nung nagkabanggaan kaming dalawa, ayun yung simula nang lahat nang ito.
I'm addicted to you,
Hooked on your love,
Like a powerful drug
I can't get enough of,
Lost in your eyes,
Drowning in blue
Out of control,
What can I do?
I'm addicted to you!Para siyang droga. Nakakaadik, hindi ako kuntento kapag di ko siya nakikita sa isang araw, nalulungkot ako kapag di kami nagkakausap, parang drogang unti-unting nagiging bisyo ko. Ugh!
Midnight blows in through the window,
Dances round the room...
Got me hypnotized,
I'm getting high on the perfume.Naghihiyawan ang mga tao ngayon dahil sa galing niyang kumanta. Grabe. Kakaiba ang boses niya. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na to.
I couldn't live without you now,
Oh, I know I'd go insane,
I wouldn't last one night alone baby,
I couldn't stand the pain!Muling nag-hiyawan ang mga tao nang bumirit na si Nerd. Grabe. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala kaganda ang boses niya.
I'm addicted to you!
Hooked on your love,
Like a powerful drug
I can't get enough of,
Lost in your eyes,
Drowning in blue
Out of control,
What can I do?
I'm addicted to you!Tuwang tuwa ang lahat ng mga manonood habang sinasabayan niya ng indak ang kanyang kinakanta. At natapos ang kanyang kanta na sinabayan niya ng isang pose na mala-Michael Jackson. Grabe ka Nerd, inlove na inlove na ako sayo!
VOCÊ ESTÁ LENDO
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...