Grey's point of view
"Akalain mo yun Grey? Hindi na pumalag yung nerd na yun sayo. Tas binigyan ka pa ng pera. Hahaha nice one boy!" Sabi sa akin ni Lorenz. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong bigyan ng 100 kanina para lang tigilan ko siya. Hah! Baka akala niya mukha akong pera. Kung alam lang niya kung gaano ako kayaman.
Oo. Mayaman nga ako. Mayaman kami, kaso lang, gusto kong maranasan ang buhay mahirap. Kaya ayan, pinagbigyan ako ng mommy kong magaling. Yung dating 3k everyday, pinagkakasiya ko ngayon pang isang buwan. Grabe naman kasi, pinagbigyan ako ng todo. Kaya tinodo din ang pagpapahirap sakin. At ganito lang ako hanggang sa makatapos ako ng high school. Hayys! Grabe!
Pero yung 100 na binigay ni nerd, kinuha ko agad at di ko tinanggihan. Haha! Siyempre grasya yun. Alangang tanggihan ko pa. Ika nga nila eh, "Masamang tumanggi sa grasya!" Hahaha!
"Huy! Ang tahimik mo ah! Kanina pa kami dada ng dada dito ni Lorenz. Nakikinig ka ba ha?" Tapik sakin ni Stefano. Nakatahimik lang pala ako. Hahaha hindi ko alam na nagsasalita pala sila. Dami ko kasing iniisip eh!
Pero si nerd, bakit, bakit parang may parte sa dibdib ko ang kumirot kanina nang makita ko siyang lumuha? At ngayon ko lang rin narealize, gwapo pala talaga tong nerd na to. Pinkish lips, Rosy cheeks, Beautiful brown eyes, Spiked hairdo, tas samahan mo pa ng nerdy glasses niya na mukhang ray ban pero mahahalata mong may grado dahil sa kapal nito.
ARAY!
Nasambit ko dahil binatukan pala ako ng mga gagong to tas biglang nagtatatakbo papalayo sa akin.
"Hoy! Mga gago kayo! Yari kayo sakin pag nahuli ko kayo!" Sigaw ko sa kanila. Pauwe kami ngayon sa munting bahay na inuupahan ko.
Pero ang ending, dahil sa bilis nilang tumakbo, naiwan ako. Kaya naman bumili na lang muna ako ng uulamin aming tatlo. At yung isang daan na bigay ni nerd? Tinago ko. Hindi ko gagalawin to.
*****
Nang makabili ako ng ulam ay agad akong naglakad pauwe. Habang naglalakad ako, may nakita akong pamilyar na tao sa paningin ko. Teka, si nerd ba to?
OO. SI NERD NGA! Ang gwapo niya pala lalo kapag di siya naka uniform. Ha? Ano? Napopogian ako sa kanya? No way! Ako lang ang pogi. Pero teka lang, ba't siya andito sa lugar namin? Sundan ko nga to.
Kasalukuyan kong sinusu dan si nerd. San siya pupunta? At ba't siya dito nadaan sa daanan papunta sa amin? Pupuntahan niya kaya ako sa amin para sabihin sa akin kung gaano ako kapogi? O kaya naman para makipag kaibigan sa akin?
Teka? Ano ba tong mga iniisip ko? Nababaliw na ba ako?
Tinuloy ko lang ang paglalakad ko at laking gulat ko na lang nang pumasok siya sa katabing bahay ng tinutuluyan ko. Seriously? Ba't ngayon ko lang siya nakita dito? At seriously, kapitbahay ko lang pala tong nerd na to? Hahahahaha! Mas mapapadali ang pambubully ko sa kanya!
Umakyat na ako sa bahay at tinatawag ko na ang dalawang kaibigan ko. Kaso ba't walang nasagot? Nang inakyat ko na, ayun! Mga tulog at naghihilik pa ang mga gago. At puro kalat ng upos ng yosi sa sahig. Grabe. Mga balahura talaga. Kaya ang ginawa ko, humiram ako ng kawali kay Aling Pipay at hinawakan ko rin yung kawali dito sa bahay at kinalampag ito.
PANG! PANG! PANG!
"PUTA MAY MAGNANAKAW!/PUTANGINA SINO YAN!?" Sabay nilang tanong dalawa kaya naman napahalakhak ako ng malakas. Hahahaha mga mukhang gago.
"Pre naman eh! Parang gago natutulog kami eh." Bukambibig ni Stefano. Habang si Lorenz? Ayun. Parang wala lang nangyari. Balik uli sa pagtulog.
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...