Recovery

668 39 9
                                    

Grey*

Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko. Teka, puro puti nakikita ko? Hindi ito ang hitsura ng kwarto ko, teka, si Nerd? Bakit siya nakabantay sa akin? At bakit may nakasaksak na swero sa kamay ko? Ano ba talagang nangyari?

Hinaplos ko ang buhok ni Nerd at hinayaan ko lang siya na matulog. Ilang araw na nga ba akong tulog? Ang sakit sakit pa rin ng katawan ko.

*Flashback*

Biyernes ng hapon, cleaner ako that time kaya medyo na-late akong lumabas ng room. Mabilis naman akong natapos agad dahil sa pagwawalis lang ako natoka. Pababa na ako sa room nila Nerd, ngunit wala na siya. Kaya bumaba na rin agad ako para hanapin siya sa labas. Ngunit paglabas ko ng school, nakita ko siya. Hawak-hawak ng kung sino mang gago ang kamay niya at alam kong pilit niyang pinipiglasan ito. Teka, nasasaktan yung mahal ko.

"Pare, bitiwan mo siya. Pag ayaw niya, wag mong pilitin." Segunda ko sa lalaki.

"At sino ka naman ha?!" Tugon sakin ni Ugok. Gago ka pala eh sinasaktan mo mahal ko eh!

"Boyfriend ko siya. / Ako ang boyfriend niya." Sabay naming sagot ni Nerd. At nagkatinginan pa kaming dalawa. Nginitian ko siya, sinimangutan niya ako.. "Ikaw, ba't ang tagal mo?" Tanong niya sa akin.

"Inutusan pa kami ni Sir Carl eh. Sorry na Nerd ko." Paliwanag ko

"Eto ba yung pinalit mo sa akin? Itong mukhang adik na to ha?" At kwinelyuhan niya na ako. Nalintikan na. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako ganun ka-warfreak.

"Pre, kalma lang. Oo. Ako nga. Bakit, nagseselos ka ba? Tsaka sino ka ba h--" Ang lakas niyang sumuntok. Sinubukan kong gumanti ngunit alam kong hindi sapat ang lakas ko para mahigitan siya. At tapos nun, wala na akong ma-alala.

*end of flashback*

"Grey, gising ka na?" Kitang kita ko ang tuwa sa mga mata ni Nerd nang makita niya ako. Nginitian ko siya.

"Yeah Baby. I'm still alive and kicking!" Biro ko sa kanya.

"Gago. Pa-english english ka pa." At natawa kami ng bahagya.

"I love you. Salamat sa pagbabantay mo sa akin." Sabi ko sa kanya.

"Wala yun. Kusa yun. Mahal kita eh. Tsaka wala namang ibang magbabantay sa'yo eh." Tugon naman niya. "I love you too." Sabay halik niya sa noo ko.

"Nga pala, ilang araw na akong tulog?" Tanong ko sa kanya.

"Exactly four days." Tugon naman niya. Woah. Ganun katagal natulog ko? Pero bakit ang sakit sakit pa rin ng katawan ko?

"Ah. Edi umabsent ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Walang magagawa eh. Kailangan kitang bantayan. Ayoko naman gambalain si Stef sa school. Nakakahiya. Pero minsan, siya nagbabantay sayo." Tugon niya. At napangiti naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Salamat. Mahal na mahal kita. Di ko alam mangyayari kung wala ka sa akin." Seryosong pahayag ko sa kanya.

"Drama mo. Gago." At natawa siya sabay halik sa akin. "Tatawag lang ako ng nurse. Wait." Paalam niya.

"Okay. Bili ka na rin pagkain natin. Kuha ka pera dun sa wallet ko." Sabi ko sa kanya.

"Wag na. Ako na gagastos." Tugon niya.

"Hindi! Ako na!"

"I insist." Hay. Okay.

"Okay po. Balik ka agad ha?" Bilin ko sa kanya.

"Opo." At lumabas na siya ng room.

***

Yes! Madidischarge na rin ako maya-maya! Magpahinga na lang daw ako ng kaunti at mamaya-maya ay pwede na akong umuwe. Andami ko palang pasang natamo. At may mga sugat pa ako. Gago kasi yung lalaking yun eh. Kung wala lang gamit na brass knuckles yun, patulan ko talaga yun. Teka, sino nga ba siya? Tatanungin ko nga si Nerd.

"Nerd." Pagtawag pansin ko sa kanya.

"Oh?" Tugon niya.

"Sino nga pala yung lalaking nakaaway natin sa labas ng school?" Tanong ko sa kanya.

"Si Christopher. Hayaan mo na yun Grey." Tugon niya.

"Ex mo yun no?" Tanong ko sa kanya.

"Uhm, oo." Nahihiya niyang tugon sa akin.

"Wag kang mahiya magsabi. Di naman magbabago tingin ko sayo eh. Mahal kita. Ex mo na siya. Wala na siyang magagawa kung ako ang mahal mo at hindi siya." At napangiti siya sa sinabi ko.

"Alam ko naman yun no." At sinubuan niya ako ng burger.

Nagpatuloy lang ang usapan namin at ikinuwento niya ang lahat kung paano naging sila at nagbreak nung Chris tsuper na yun. At naikwento niya rin ang pagpunta dito ni Nancy. Natawa na lang ako nang ikwento niya sa akin kung paano niya sinampal at kinaladkad palabas ng kwartong ito si Nancy.

"Natawa naman ako sayo. Ganun mo pala talaga ako kamahal no?" Pambibiro ko sa kanya.

"Laki naman ng ulo mo. Pero oo. Nairita na rin ako sa kanya eh. Parang wala kaming pinagsamahan kung pagsalitaan niya ako." Tugon niya.

"Hayaan natin sila. Ang mahalaga, masaya tayo. Tayo lang, wala silang pakialam sa atin. Nakikisaksi lang sila sa pagmamahalan natin." Tugon ko.

Sa totoo lang, mas nasasayahan ako ngayon kay Grey kesa kay Nancy. Kahit ba na mali sa mga mata ng mga matapobre to eh wala akong pakialam. Mahal ko siya. At hindi kasalanan ang magmahal. Hindi ko akalain na maiinlove ako ng ganito kay Lorcan. Nung una naman eh trip ko lang talaga siya dahil bago siya sa mata ko. Pero habang tumatagal, lumalalim ang tingin ko sa kanya.

"Matunaw ako niyan." Pagtawag pansin niya sa akin. Nakatitig na pala ako sa kanya.

"Ang cute cute mo kasi eh." At namula ang mga mukha niya sa sinabi ko. Ang cute cute talaga ng mahal ko.

"Tse! Bola!" Tugon niya sabay subo sa akin ng fries.

"Alam mo, kahit hindi mo na ako pakainin eh. Sayo pa lang, busog na busog na ako." Banat ko.

"Wag kang madrama. Letse. Kumain ka!" At nakita ko ang ngiti niyang abot tenga. Makita ko lang na masaya siya, masaya na din ako.

Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]Where stories live. Discover now