Grey's Point of view
"Christian Grey! Gumising ka na! Alas sais y media na! Bahala ka iiwan ka namin ni Lorenz!" Sigaw sa akin ni Stefano. Ang kasama ko dito sa tinitirhan kong bahay. At siyempre, siya ang bestfriend ko.
"Oo tol! Five minutes pa please?" Pakiusap ko sa kanya. Tinatamad pa akong bumangon. Ang aga aga pa eh.
"Bahala ka nga diyan. First day of classes ngayon. Ge! Alis na kami. Magsaing ka na lang mamaya ah?" Nang sabihin niyang "First day of classes ngayon" ay napabangon agad ako sa higaan ko. Shet! Di ako pwede ma-late! Agad akong tumakbo pababa para habulin sila. Ngunit sa kasamaang palad, di ko na sila naabutan. Ugh!
Kaya naman dali dali akong naligo. Wala pang five minutes natapos nako. XD ambilis diba? Kaya agad agad na akong nagbihis kahit na antok na antok pako. Grabe kundi lang first day of classes ngayon eh. Siguro sarap pa rin ng tulog ko nito. Hahaha!
Pagkababa ko sa tinutuluyan ko, agad akong tumakbo kay Aling Pilar para bumili ng hopia.
"Nay! Kuha akong hopia ah? Ito po bayad!" Sabay lapag ko ng sampung piso at kumuha ng dalawang hopia at tumakbo na dahil malelate na ako sa flag ceremony namin. Ayokong mapagalitan ng coordinator namin. Terror yun eh.
At dali dali akong nagtatatakbo papunta sa school namin. Sling bag lang ang suot ko kaya hindi ako nahirapan. At five minutes before flag ceremony ay nakarating agad ako sa school namin. Malapit lang naman yun sa bahay namin eh.
Agad kong nakita si Lorenz at Stefano. Kaya lumapit ako sa kanila.
"Mabuti at nagising ka. Haha!" salubong sakin ni Lorenz sabay high five sa akin.
"Nagsaing ka ba?" Tanong naman ni Stefano sa akin. Kahit kailan talaga tong lalaking to.
"Hindi pa. Mamaya na. Ako naman magsasaing eh." Walang gana kong tugon sa kanya.
"Tss, lul. Tas ako na naman uutusan mo mamaya." Pamaktol niyang sagot sakin. Habang naghihintay sa flag ceremony ay naglakad lakad muna kami. Nagkukuwentuhan kami kung ano kaya ang mga mangyayari mamaya. Tapos tamang laptrip lang kami. Habang tawang tawa naman ako ay may nakabungguan akong hindi ko kakilala. Natumba siya at naglaglagan ang mga gamit na bitbit niya. Gwapo siya, kaso mukhang nerd. Pero di mo mahahalata sa suot niya dahil pormado ito. Nakatupi ang manggas ng polo at bitin ang pants pero fitted. Pero mahahalata mong nerd siya dahil sa mga librong bitbit niya. At sa malaking salamin niya sa mata. At ngayon ko lang siya nakita dito sa campus na to.
"Aray. Puta." Sambit niya matapos matumba sa sahig.
"Ayos ka lang? Let me help you." Mungkahi ko sa kanya.
"No need. I can do it by myself Mr." Walang ganang tugon niya sa akin. Aba! Ang arte nito ah?
"As if namang tutulungan kita? Asa ka uy. Ikaw na nga tong nakabangga ikaw pa tong maarte. Feeling babae amputa!" Napasinghal ako dahil sa kaartehan niya.
"Ikaw tong tawa ng tawa tapos maggagaganyan ka? Gago ka rin pala eh!" Singhal rin niya sa akin sabay pulot sa mga gamit niya. Naririnig ko ang ilang estudyante na bumubulong-bulong na naman.
"Si Soriano, may binubully na naman."
"Itong si Soriano talaga, walang patawad eh."
"Mukhang may bagong biktima na naman to si Christian oh. First day na first day."
Yan ang mga narinig ko. Hahaha! Kilala kasi akong bully dito sa school namin. Masampulan nga itong isang to.
"Aba, di ko gusto tabas ng dila mong nerd ka ah! Gusto mong paslangin kita dito?" Ngiti kong pananakot sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/33635627-288-k819369.jpg)
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...