Retrieval

661 37 6
                                    

Lorcan*

Hindi pwede to! Hindi pwedeng mangyari to. Oo! Galit ako kay Grey pero hindi ibig sabihin nun, gusto ko siyang mapahamak. Ugh! Hindi ako mapakali sa kinalalagyan ko ngayon. Iniisip ko kung magsasama ba ako ng pulis kapag pumunta ako sa address na to. O kung mag-isa lamang akong pupunta.

Mag-isip ka Lorcan! Mag-isip ka!

"Huy, ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Stef. Balisa din siya sa dahil sa mga nangyayari.

"Iniisip ko lang, kung sino kasama nito ni Nancy sa kagaguhan niya at bakit ang lakas lakas ng loob niya. Yeah. I know she's already 18 pero wala siyang lakas ng loob gawin ang mga ganitong bagay. Lalo na yung ganito? Imposible." Tugon ko sa kanya. Napapaenglish na ako dahil sa galit. Ugh.

"Hmm, wala akong pwedeng pagbintangan eh. Dahil alam ng lahat ng kaibigan ni Nancy na hindi niya kayang gawin yang ganyang mga bagay. Pero, yung ex mo? Yung Christian ba yun?" Tanong niya.

"Si Christopher?"

"Bull's eye! Diba siya din yung nambugbog kay Grey nung nakaraan?" Tanong niya sa akin. Oo nga. At alam din sa akin ni Nancy noong nasa ospital kami na si Christopher ang bumgbog kay Grey. Hindi kaya siya din may pakana nun?

"Hindi kaya si Nancy din ang may pakana nun Stef? Sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm. Siguro nga siya rin. Malalaman natin yan pag nakita na natin siya mamaya." Tugon naman niya.

"Teka? Natin? Hindi kita isasama uy! Ako na lang mag-isa ang pupunta dun. Baka mapaano ka pa." Sabi ko sa kanya.

"Eh! Paano ka? Baka ikaw ang mapahamak pag mag-isa kang pumunta dun." Paalala niya sa akin.


"Mas pipiliin kong mapahamak mag-isa kesa madamay ka pa. Ako na lang Stef. Kaya ko to. Wag ka makulit." Sabay ngiti ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ang bait mo talaga Lorcan. Maraming salamat. Nakakilala ako ng taong tulad mo." Drama neto. Namatay lang? Hahaha!

"Ulul! Ang drama mo! Siyempre naman no. Away namin ni Nancy to. Hindi ko hahayaan na madamay kayo ni Grey dito. Tatapusin ko yung sinimulan niya. Osige na, diyan ka muna. Magbibihis lang ako tapos pupunta na ako sa address na to." Paalam ko sa kanya.

"Sige, mag-ingat ka ha. Balitaan mo ako kaagad kung anong mangyayari ha." At tumango ako bilang sagot. Tumakbo na agad ako pabalik sa bahay upang magpalit ng damit at para kuhanin ang aking baton. Ang baton nato, ngayon ko lamang uli magagamit matapos ang ilang taon. Ito lang naman ang aking proteksyon sa araw-araw. Bigay ito sa akin ng Mama ko. Sa oras daw ng panganib, ito daw ang gamitin ko lagi. Baton siya na nagiging pick axe. Kaya naman doble doble na lang ang tapal ko dito para hindi lumantad ang totoong anyo nito.

Tumakbo ako paalis ng bahay at nagpunta sa kanto para mag-abang ng taxi papunta sa address na nakasulat sa papel liham ni Nancy. Humanda ka ngayon.

Grey*

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Anong nangyayari? Bat hindi ko maigalaw ang kamay ko. Tiningnan ko ang paligid, masyadong malawak. At kakaunti lamang ang liwanag.

"Gising ka na pala." Teka, eto yung ex ni Nerd diba? Bat kasama niya si Nancy? "Kumusta tulog mo? Masarap ba?" Sabay hinampas niya ako ng kahoy na hawak niya, tang inang to, anong problema nito?

"ARRRGH!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. "Gago! Lumaban ka ng patas!" Sigaw ko sa kanya.

"Grey, alam mo, hindi naman tayo aabot sa ganito eh. Kung nung una pa lang, pumayag ka na sa alok ko." Pag-sinit ni nancy sa usapan.

"Gago ka ba? Mahal ko si Lorcan! At hinding hindi ko siya iiwan para balikan ka Nancy! HINDI!" Sigaw ko sa kanya. "At ikaw? Ha? Hahabol habol ka kay Lorcan ngayon ha!? Gago! Wala kang itlog!" Sigaw ko kay Christopher.

At naramdaman ko ang kamao ni Christopher na tumama sa mukha ko. Tumutulo na yung dugo na nanggagaling sa mukha at ilong ko.

"Talaga lang ha. Pag nawala ka sa mundong to, sa akin siya babagsak! GAGO!" At sinikmuraan niya ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko...

"Ganun mo talaga kamahal yung baklang yun? Grey! Gumising ka! Ako nang palay ang lumalapit sayo, tutukain mo na lang! Ako, babae ako. Mabibigyan kita ng anak! Kahit laspagin mo ako Grey, babae pa rin ako. Eh siya, bakla lang siya! Walang pepe't matres yun. Hindi ka kayang bigyan ng anak nun!" Sigaw niya sa akin. Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya.

"Wala akong paki sayo Nancy. Hindi na kita mahal." Tugon ko. Nakita kong lalong nagalit ang mukha niya. "AT KAHIT MAKASKAS YANG PEPE MO, WALA AKONG PAKIALAM! KAHIT WALANG PEPE SI LORCAN, SIYA ANG MAHAL KO AT HINDING HINDI MAGIGING IKAW! KAHIT KAYA MO PANG MAGLUWAL NG BATA, HINDING HINDI KITA MAMAHALIN NANCY! TANDAAN MO YAN! HINDING HINDI! PARANG SINABI MO NA RIN NA PILIIN KO YUNG KAMOTE KESA SA APPLE!" At tinawanan ko siya nang pagkalakas-lakas. At nakita ko naman yung mata niyang naglilisik. Nagulat na lang ako napng bigla niya akong sampalin. Medyo malakas yun. At nakita ko naman siyang naiyak bigla.

"Ano bang kailangan kong gawin Grey para naman ako na lang uli ang piliin mo!" Panimula niya. "Grey, handa akong gawin ang lahat para lang manumbalik tayo sa dati." Dagdag niya pa. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak uli.

"Wala Nancy. Dahil kahit kailan, hindi na kita mamahalin pang muli. Si Lorcan ang mahal ko, tapos ang usapan." Tugon ko sa kanya.

At tumayo siya sa kinalalagyan niya. Kinuha niya ang cellphone niya at mukhang may tinawagan. Si Christopher, nakatayo lang sa gilid. Mukhang nag-aabang lang ng utos ni Nancy. Putang ina nitong dalawang to.

"Ano? Asan ka na? Makakarating ka ba?" Sabi niya sa kausap niya. Maya maya pa, bigla siyang lumapit sa akin at ipinakausap niya ako sa kausap niya.

"Hello! Grey! Ayos ka lang ba?! Diyan? Papunta na ako! Hintayin mo lang ako diyan!" Si Nerd, pupuntahan niya ako dito? Hindi na siya galit sa akin? Bigla akong napaluha.

"Hello! Nerd ko! Sorry na a--" Biglang inalis ni Nancy yung cellphone niya malapit sa akin.

"Op op op! Tama na drama! Mamaya magkikita na uli kayo!" Sabay ngiti niya ng mapakla.

"Oo oo oo Lorcan. Wag ka mag-alala. Hindi ko siya sinasaktan. Ipapakita ko sayo ngayon kung paano magalit ang isang tunay na babae." Sabay baba niya ng phone. Desperada ka Nancy. Yan lang ang masasabi ko sayo.

Then, bigla na lang akong nahilo. Dahil sa biglang may humampas sa ulo ko...

Nerd...

Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]Where stories live. Discover now