Lorcan*
Nakarating na ako sa aking pupuntahan. Matindi tong si Nancy, sa warehouse talaga yung location na nilagay niya sa sulat. Tss. Ano bang nakain nito?
Kinuha ko ang phone ko upang tawagan siya. Ring lang ng ring ang cellphone niya. Hindi niya naman sinasagot. Ano ba talaga plano nitong babaeng to?
Sinubukan ko uling tawagan ang phone niya ngunit nakapatay na ito. Putangina eh. Pinaggagagago ako eh.
Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Papasukin ko na ang warehouse.
Naglalakad na ako papasok ng biglang may dalawang lalaki ang huminto sa harapan ko. Tinutukan nila ako ng baril. Kala nitong mga to natatakot ako?
"San ka pupunta?" Tanong nung isa sa akin.
"Sa loob natural. Andyan ba si Nancy?" At nagtinginan ang dalawa. Ibinaba nila ang kanilang mga baril at sinamahan nila ako papasok ng warehouse.
Pagkapasok na pagkapasok ko doon, hindi ko mapigilan na maluha dahil sa nakita ko.
"G-Grey..." Bulong ko. Ang mahal ko, duguan, nakatali, nakabusal, puro pasa, walang malay.
"Bayad na kayo. Makakaalis na kayo." Sabi ni Nancy sa dalawang tauhan niya pala. Tangina ka Nancy. Ganyan mo kamahal si Grey?
"So, my dear ex-bestfriend, tumupad ka sa usapan. Are you happy na nakita mo na siya ngayon?" Sabay tawa niya ng pagkalakas-lakas.
"TANG INA MO!" Galit na galit kong sigaw sa kanya. At hininto niya ang kanyang pag-tawa at nginitian ako ng masama.
"Woah! Just chill my dear." At lumakad lakad siya. "Buhay pa naman si Grey. Nawalan lang ng malay yan." Sabay tawa niya ng mahina. At mas lalong nag-init ang dugo ko nang makita kong pumasok si Christopher mula sa pintuan sa likod ni Grey.
"TANG INA NIYONG DALAWA! ANO BANG PROBLEMA NIYO!" Sigaw ko sa kanila habang di ko pa rin mapigilan ang umiyak.
"HAHAHAHAHA!" Pagtawa ni Nancy. Si Christopher, nakikita ko sa mukha niya ang galit. Wala akong pakialam sa kanya. Putang ina niya. "Mahal na mahal rin kita Lorcan. Sige, magalit ka lang sa amin." Talaga bang nasisiraan na to ng bait?
Sa hindi inaasahang pangyayari, napaluhod ako.
"Ano bang gusto mo? Tama na naman Nancy. Kung mahal mo si Grey, sige. Ibabalik ko siya sayo. Pero please, wag mo naman siyang ganyanin. Wag mo naman siyang saktan. Kahit ako na lang yung patayin mo, wag lang siya. Please Nancy..." Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga sinabi ko. Pero ang alam ko, totoo to. Handa akong palayain si Grey para hindi na siya magdusa pa at masaktan. Alam kong gago ako pag binitawan ko siya, pero, ayokong mabawian siya ng buhay ng dahil sa akin.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Nancy, nagulat ako at bigla niya akong niyakap. At napayakap din ako sa kanya. Sa totoo lang, ayoko ng ganito. Hindi ako sanay na may kaaway ako o kaalitan ako. Handang handa akong magparaya para lang wala nang maging problema.
"Talaga Lorcan? Isosoli mo na siya sa akin?" Tanong niya sa akin.
"Oo Nancy. Kung diyan ka sasaya, ibabalik ko na siya sayo." Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak.
"Salamat Lorcan. Pero..." Nagulat na lang ako ng biglang parang may tumama na kung ano sa tagiliran ko. Ang sakit...
"PERO HINDI NA LANG LORCAN! KASI MAMAYA LANG DIN, MAGSASAMA NA KAYONG DALAWA SA IMPYERNO! HAHAHAHAHAHAHA!" Tangina nalinlang niya ako.
Binaril niya ako sa may tagiliran, hindi, wag niyang sabihin na pati si Grey...
Napaluhod ako at nabitawan ko ang baton ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Tss, hindi pwede to. Kailangan ko iligtas si Grey.
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...