Lorcan*
"Hindi ka pa rin ba tapos?" Tanong ko sa kanya. Kahit kailan talaga tong lalaking to. Napakatagal mag-bihis. Dinaig pa babae.
"Hindi pa eh! Teka lang naman!" Halata sa boses niyang naiirita na rin siya. Paano, napakatagal mag-bihis. Mag-iisang oras na akong naghihintay dito. Haha pero ayos lang naman. Inaasar ko lang tong isang to.
"Ano ba naman yan! Napakatagal!" Reklamo ko.
Bigla siyang bumaba sa sala nang nakatopless at naka pantalon lang.
"Eh! Hindi ko alam susuotin ko." Nag-puppy eyes pa siya. "Tulungan mo naman ako. Di ko alam susuotin ko. Gusto ko magpapogi sayo. First date natin eh." Yea. Tama ang sinabi niya. It's our first date today as a couple. Magti-three weeks nang kami. And it's official. And ngayon lang namin naisip na mag-date.
"Alam mo ikaw, wala naman dito sa damit mo o sa mukha mo yung pagmamahal ko sayo eh. Kelan ka pa ba nagmukhang puso ang mukha?" I asked him sarcastically. "Alam mo kung nasan? Ito oh. Nandito." At sabay turo ko sa kaliwang dibdib niya.
"Bumabanat ka na naman. Pero nakakakilig yung sinabi mo. Hehe." Sabay kamot niya sa ulo niya. Ang hilig din magpa-cute nito kung minsan eh. Ako naman laging bumibigay.
"Siyempre. Dalian mo na. Magbihis ka na. Naiinip na ako." Reklamo ko.
"Sabihin mo munang pogi ako." Aba. Wow talaga. Just wow.
"Lul. Ayoko nga." Pang-aasar ko.
"Ay." Nag-puppy eyes at nag-pout pa. Nako. Letse ka!
"Oo na. Letse ka. Pogi ka na. Bilisan mo magbihis!" Eto, kinikilig na naman ako ng sobra. Mula nung naging kami, walang araw na hindi ako kinikilig sa kanya. Siya yung tipo ng lalaki na alam na alam kung paano sisirain yung araw ko at the same time, kayang kaya niya ring buuhin instantly. Pakshet.
"I love you!" Sigaw niya habang paakyat siya sa kwarto niya.
"I love you too! Bilisan mo na!" Sigaw ko rin sa kanya. Ngayon, masasabi ko talagang inlove na inlove ako.
***
"Ano ba? San mo ba ako dadalhin? Sabi ko kasi sa MOA na lang eh!" Maktol niya sa akin. Hay nako. Paulit-ulit! Nakakasawa na dun!
"Basta! Manahimik ka na lang muna. Makikita mo mamaya matutuwa ka sa pupuntahan natin." Pagpapakalma ko sa kanya. Bakit ba kasi gustong gusto niya dun?
"Sige na nga." At nanahimik na siya.
Maya maya pa ay nakarating na rin kami sa aming pupuntahan. Andito kami ngayon sa Greenbelt. Para naman maiba lang.
"Asan tayo? Anong lugar to? Ngayon lang ako nakarating dito." Inosente niyang tanong sa akin.
"Andito tayo sa Greenbelt. Para naman maiba. Laging MOA yung pinupuntahan namin eh. Nakakasawa na kaya." Tugon ko.
Inilibot niya ang kanyang mata sa bawat sulok. Kitang kita ko sa mga mukha niya kung gaano siya nagandahan dito. At kahit naman ako. Manghang mangha din ako sa mga nakikita ko. Andito kami sa Garden. Pinagmamasdan ang mga isdang naglalaro sa tubig.
"Ang ganda naman pala dito. Nakakarefresh." Sabi niya sa akin.
"Kaya nga dito kita dinala eh. Kasi alam kong matutuwa ka dito." Tugon ko. At ipinagpatuloy na namin ang paglalakad. Nilibot namin ang ikalawang palapag ng mall at nagdesisyon kaming pumunta sa Timezone upang maglaro.
"Ano gusto mong laruin?" Tanong ko sa kanya.
"Kahit ano. Basta yung kasama kita." Banat naman niya. Nako. Nako talaga.
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...