Lorcan*
Isang linggo ang nakalipas mula nung ikasal kami ni Grey (Kasal-kasalan actually) at tapos na rin ang week ng intrams. Ang mga junior ang nanalo sa basketball. Hindi na naglaro si Grey dahil tinamad na rin siya. Sa loob ng isang linggong yun, kami lagi ang magkasama. Bakit ganun? Pag-dating sa kanya, hinding hindi ako nagsasawa. Nakakaasar. Kahit minsan, sobrang lakas niya mangbwisit but I always missing him. Fck.
"Kain na tayo Mahal." Puna niya sa akin. Nakabalik na pala agad siya. Bumili ng pagkain naming dalawa.
"Ang laki naman kinuha mo sa akin. Diba nga di pa ako ganun kagutom?" Sabi ko sa kanya.
"Sino ba kasi nagsabi sayo na iyo yung malaking part?" Pambabasag niya sa akin.
"Gago. Edi iyo. Akin na yung giniling." At matawa-tawa naman siya sa reaksyon ko. Kahit kailan talaga lakas mang darag.
Si Stef? Hindi ko pa nakikita hanggang ngayon. Ilang araw na kasing absent. May lagnat daw sabi ni Grey. Sabi ko nga ipatingin na namin ngunit ayaw niya. Nahihiya na daw siya sa akin. Ngayon pa siya nahiyang may sakit siya, bat di niya kaya naisip yun kapag nililibre ko siya palagi? Dejk.
"Kumusta na si Stef?" Tanong ko kay Grey.
"Di ko alam dun. Ang taas taas na nga ng lagnat pero ayaw pa rin magpatingin. Nagaalala na nga ako dun eh." Tugon naman niya sa akin. At nakita ko rin yung lungkot sa mukha niya. Nagaalala nga talaga siya.
"Sige, mamaya pag-uwi natin, kahit ayaw niya ipapa-check up natin siya." Sabi ko sa kanya.
"Okay. Akyat na muna ako ha. Mamaya sunduin kita sa room niyo." Paalam niya sa akin. Sabay halik sa akin.
"Sige. Hihintayin kita. I love you."
"I love you too!" At yung mga schoolmates namin, nagtilian na naman. Malalandi.
"Lorcan, ano pinakain mo dun? Ba't naging ganun na kabait yun?" Tanong sakin ni Caye. Yung kaklase niya.
"Malay ko dun. Hahaha" Sabi ko na lang. Di ko feel mga kaklase nito ni Grey. Parang ang paplastik.
***
Dismissal time. Hinihintay ko si Grey na hanggang ngayon, wala pa din. Tangina. Ang tagal. Pinuntahan ko na siya sa classroom niya. Nakita ko yung mga kaklase niya, pauwi na lahat. Pero siya, wala na dun. Asan yun?
YOU ARE READING
Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]
RomanceCliché ba yung gantong storya? Well, ibahin niyo ang isang to. Kilalanin si Grey. Pogi, Matalino, Kaso, isa siyang BULLY. Na masiyadong seryoso sa pambubully ng kapwa niya, puro pambubully ang inaatupag at walang panahon sa buhay pag-ibig. Matalino...