Wtf Moments

1K 52 5
                                    

Lorcan

Hindi ko namalayan ang mga nangyari kanina. Umiiyak na pala ako, kumakatok na pala si Grey, at eto ngayon, HINALIKAN NA PALA NIYA AKO. And I was shocked at the moment he kissed me in my lips. Nararamdaman ko yung kuryente na dumadaloy sa katawan ko habang nakalapat ang mga labi niya sa labi ko. Fck. I'm doomed. No way.

Dahil sa sobrang gulat, nasuntok ko tuloy siya at natumba siya sa sahig.

"NABABALIW KA NA BA?" Sigaw ko sa kanya. Agad naman siyang bumangon mula sa kinalalagyan niya at hawak hawak niya ang pisngi niya. Laking gulat ko na lang nang bigla siyang tumawa ng pagkalakas-lakas.

"HAHAHAHA! Tangina a-a-aray ko. Ang sakit nun Nerd ah!" Medyo napangiwi siya dahil nga siguro malakas ung suntok ko sa kanya. Yung lungkot at inis na nararamdaman ko kanina, napalitan ng sobrang inis at lalo pa niya akong inasar. Kaya ang ginawa ko, pumasok na ako sa loob ng bahay at pinagsaraduhan siya ng pintuan. Punyeta siya.

"Huy! Nerd! Sorry na! Di ko naman sadya yun eh!" Sigaw niya habang nagkakakatok siya sa pintuan. Kinginang to. Hindot. Bastos! Ugh! Nakakaasar!

Pero may parte sa sarili kong kinilig ako ng bahagya. Kingina.

Hindi ko na nararamdaman yung presensya niya dahil wala nang sumisigaw at wala na ring nagkakakatok sa pintuan. Hay salamat. Napagod din siya.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi ko mapigilan ko ang mag-isip dahil sa nangyari kanina. Ugh. Ang bilis bilis ng araw. Bukas, pagdiriwang na agad para sa pagtatapos ng buwan ng wika. Parang kailan lang.

"Nerd." Narinig kong may nagsalita sa tenga ko. Si Grey ba to? Pero paanong...

"Hindi ka nananaginip. Totoo lahat ng ito." Nang mapatingin ako sa gilid ko, nakita ko ang ulo ni Grey. Ulo lang talaga. May pasa ang kanyang mukha, at duguan. Teka, wala ang katawan ni Grey! Kaya napasigaw ako dahil sa takot.

Nagising ako. Nananaginip lang pala ako. Pero bakit may katabi ako. At nakayakap siya sakin. Teka! Paanog nakapasok dito si Grey?

"Huy! Paano ka nakapasok dito?" Bulong ko sa kanya.

"Wag kang magulo. Natutulog ako." Tugon niya. Wala na nalintikan na talaga.

Kaya hinayaan ko na lang siyang matulog nang nakatabi at nakayakap sa akin. Gusto ko rin eh. Hay. Tsaka kapag ginising ko to baka mabatukan na naman ako nito. Hihihi

***

Grey

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang, suspended kami ni Nerd dahil binato lang naman niya yung swivel chair ni Maam Rosales na sa kasamaang palad, hindi tumama sa akin at tumama sa ibang estudyante. Hahahaha!

*Flashback*

Practice namin ngayon para sa acquaintance party bukas. Kami kasi ang representative ng section namin. Kaya magsasayaw kami bukas para sa introduction number. Nagugutom nako. Huhuhu ubos na yung tatlong libo ko. Paano napakadming bayarin at nagbayad pako para sa party. Tas bumili pako ng damit na gagamitin para bukas. Alam ko na papalibre na lang ako kay Nerd. Hihihi

"Oy! Lalim ng iniisip mo ah!" Tapik sakin ni A. Oo. A. Di ko alam kung sa dinami-dami nang pangalan eh A (Ey) lang ang gusto niyang itawag sa kanya ng mga tao.

"Nagugutom na ako eh. Wala na akong pera. Ubos na pero ko para sa buwang ito. Wahhhh!" Pagmamaktol ko.

"Para kang bata." Walang ganang tugon ni Nerd. Nasa likod ko na pala siya kanina pa. Ahy. Hahaha nakakahiya nakita niya pagiinarte ko. "Oh eto, kumain ka na." Sabay abot ng footlong sakin. Hahahayyy! Alam talaga niya ang favorite ko! Hihihi

"Yey! Hihihihi salamat Nerd!" Pasalamat ko sa kanya sabay yakap ko sa kanya ng pabiro.

"Umayos ka. Para kang timang." Walang ganang suway niya sa akin.

Habang nandito kami sa room nila ay biglang pumasok yung dalawang kaklase niya. Nag-aaway sila dahil sa hamroll na natapon.

Sigawan dito, sigawan doon. Panay ang sigawan nilang dalawa. Mukhang napikon na yung isa kaya nag-walk out. Nagulat na lamang kami nang biglang nadulas yung isa kaya lahat kami napatawa nun. Sa sobrang tawa ko, nabatukan ko na pala si Nerd nang pagkalakas-lakas.

Habang tumatawa kaming lahat sa nangyari, biglang nakarinig na lang ako ng sigaw mula kay Nerd.

"TANG INA MO TALAGAAAA!" Sabay bato sa akin nung swivel chair ni Maam Rosales. Nako yari. Beastmode na si Nerd.

Naiwasan ko yung upuan pero nako. May ibang tinamaan. Nako lagot.

"Patay tayo diyan De Vera. Tinamaan si Silva!" Sigaw nung kaklase niya.

***

Ayun na. Di ko na maalala yung iba. Hahaha basta laptrip yung moment na yun.

"Par!" Saboy batok sakin ni Stefano. Hayop to konting konti na lang masusuntok ko na to eh. Araw araw na silang magkasama ni Nerd! Nakakahalata na ako ha!

"Oh bakit na naman?" Malamig kong tanong sa kanya.

"Ang cold cold mo naman par! Kala ko ba bestfriend mo ako?" Nag-puppy dog eyes at pout pa ang loko. Di naman bagay.

"Huh? Pinagsasabi mo? Adik ka ba?" Hahaha loko to. Patampo tampo pang nalalaman. Siyempre kahot ganito mahal ko rin tong pangit na to. Kahit na inaagaw niya sakin si Nerd.

WTF? Inaagaw? Tama ba sinabi ko? No way.

"Ulul. Haha wag moko igaya sayo." Sabay abot niya sa akin ng yosi. Matagal-tagal din kaming di nag-jamming nito ni Stef. Nakakamiss din. Aminado ako.

"Kumusta par? Lagi kayong nagkakasama ni Nerd ah. Di ka na nasama sa amin ni Lorenz." Seryosong sabi ko sa kanya.

"Eto, lagi kaming magkasama ni Lorcan eh. Saya saya niya kayang kasama." May kumirot sa damdamin ko nang sinabi niya yung 'Saya saya niya kayang kasama'.

"Pwede ba par, kahit ngayon lang. Wag muna nating pag-usapan si Nerd. Kahit ngayon lang." Inis kong sambit sa kanya.

"Nagseselos ka no?" Natulala ako sa tanong niya. Sino bang di masha-shock? Out of the blue bigla niya akong tatanungin ng ganun? Di kaya nakakahalata na sakin to?

"Huy! Sige salamat sa pagsagot!" Kanina pa pala niya ako tinatanong. Hay nako. Bahala na sa masasabi ko. Bestfriend ko naman siya. Di naman siguro mag-iiba ang tingin niya sa akin.

"Si Nerd." Panimula ko.

"Oh, anong meron kay Lorcan?" Tanong niya.

"Gusto ko siya Stef. Gusto ko na siya." Nahihiyang tugon ko.

"Alam ko. Matagal ko nang nararamdaman. Nung mga panahon pa lang na nagwawalangyaan kayo lagi, ramdam ko na magkakaroon ng something sa inyo." Ni hindi man lang siya nagulat sa inamin ko sa kanya? Wow. Bihira ang mga taong tulad niya.

"Ba't parang hindi man lang nag-bago tingin mo sakin? Ba't parang hindi ka man lang nandiri?" Naluluha kong tanong sa kanya.

"Kasi, tao ka lang naman. Tao lang rin naman ako. Wala naman akong karapatang husgahan ka. Ang tanging magagawa ko na lang ay tanggapin ka. At mahalin ka. Kasi di ka natakot na umamin sakin. Kahit di naman mukhang katiwa-tiwala yung mukha ko bilang bespren mo. Ganyan kita kamahal Christian Grey." Tanginang to, ngayon na lang uli ako umiyak dahil sa sinabi nitong hayop na to.

"Salamat Stefano. Maaasahan ka talaga." Sabay yakap namin sa isa't isa.

Ang sarap sa pakiramdam na magkaroon ng kaibigang tulad ni Stefano. Yung tipong kahit ano ka pa, tatanggapin ka niya.

"Nga pala, planado yung pagpapaselos namin sayo." Sabay halakhak niya nang pagkalakas-lakas.

Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]Where stories live. Discover now