Kape"

1.2K 52 2
                                    

Lorcan's point of view

"Ah ganun ba? Sige, pumasok na kayo at dito mo na ipagpatuloy yung pag-uusap niyo." Ewan ko ba kung bakit parang bigla akong nabadtrip sa mga nangyayari ngayon. Parang biglang nag-init yung ulo ko kay Bully pati kay Nancy dahil sa mga nalaman ko. Pero, bakit naaapektuhan ba ako? Ugh! Ewan!

"Lorc, iyosi mo yan. Nag-init na naman yung ulo mo bigla eh." Mungkahi ni Nancy. Alam niya kapag bigla akong nababadtrip. Yosi ang pampakalma ko. Buti na lang, alam niyang bipolar ako.

Ganun na nga ang nangyari, nagsindi ako ng yosi para mapawi ang pagkabadtrip ko. Kaya naman kami na lang muna ni Stefano ang nagusap. 

"Yiee, badtrip siya kay Nancy. Haha!" Bulong sa akin ni Stefano kaya sinuntok ko ng mahina yung balikat niya. 

"Aray!" Sambit niya. "Bakit? Affected ka ba? Haha!" Segunda niya. Ugh! 

"Hindi no. Ba't naman ako maaapektuhan?" Pero sa isip ko, parang may nag-pupush talaga na naaapektuhan ako.

"Wag ako Lorcan. Tara dito." Sabay hila niya sa akin papunta sa kitchen. 

"Teka, ano ba yun?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Alam mo Lorcan, okay lang naman sa akin kahit na bisexual ka eh. Ang akin lang, sana, wag mong niloloko sarili mo. Alam kong may gusto ka na kay Grey kahit sabihin nating kakakilala niyo lang. Diba?" Mahabang tanong niya sa akin. Hindi ko alam. Hindi. 

"E-ewan ko. Hindi ko pa sure nararamdaman ko Stef eh. Ambilis naman masiyado." Di tiyak kong tugon sa kanya.

"Well, malalaman natin yan sa mga susunod na araw. Basta ako Lorc, supportado kita. Nakikita kong magbabago si Grey sayo." Sabay tapik niya sa akin at lumabas na kami ng kitchen. Hay! Grabe! 

Siya, GOODBOY. Ako, BULLY. [Completed]Where stories live. Discover now