Chaptah Siks

7 0 0
                                    

Welcome~




Nasa harap na kami ngayon ng hapagkainan habang sabay-sabay kumakain. Lahat ay abala at walang nagsasalita.

Ang dami ngang niluto ni Mom at Dad! Padespedida ko na ba ito?

"So, Clardia anak, saan ka pa ba nagpunta at ngayon lang kayo nakauwi ni General Gregorious?” tanong ni Dad sabay punas ng bibig niya gamit ang napkin na nasa table.

"To her not so close boss, Mr. Royaldes." sagot ni General saka ngumisi sa'kin.

Bwisit talaga 'tong si Gregg! Paki-elamero talaga kahit kailan!

"Sa walang hiyang Lucas na 'yon, Clard?!” nanlalaki ang mata na tanong ni Zain.

"Look, I just resigned, okay?”

Everyone gazed at me with accusing face. Anong tinitingin-tingin nila d'yan? Bakit totoo naman ah? Nagresign lang naman ako, wala ng ibang dahilan.

"I understand you, Clard." sabi ni Ate Jesria na nagpatuloy sa pagkain.

What?! What does she mean?!

Ang lahat ay nagsimula na ulit bawasan ang kanilang mga pagkain nang magsalita naman si Mom.

"Nakita mo na pala ang kapa—" hindi na pinatapos ni Greg si Mom at agad itong sumagot.

"Yes. Mrs. Royaldes."

Naguluhan ako sa usapan nilang dalawa? Sino namang nakita ni Greg?

Maayos namang natapos ang hapunan naming lahat at agad na kaming umalis sa hapagkainan dahil, papakainin naman daw nila Dad ang mga tauhan ni General Gregorious.

Kaming magkakaibigan ay pumunta sa k'warto ko. Sinabi ko kasing magliligpit muna ako ng gamit at sumama naman 'yong dalawa.

"Hmmm, may nakalimutan pa kaya ako?” tanong ko sa aking sarili habang isa-isa ulit na hinahalungkat ang aking mga drawer.

"Clardey, wala na ba talaga kaming magagawa para maitakas ka?” tanong ni Kiefer habang nagliliwaliw sa kwarto ko.

"Kief, I'm ready. Haharapin ko na 'to."

"Clard, diretsuhin mo na nga kami. M-Makikita ka pa ba namin ulit?” tanong naman ni Zain na alam kong namumuo na naman ang luha base sa boses niya.

"Let's not talk about it, Zain and Kiefer. Please."

Nagpatuloy ako sa pagbubukas ng mga drawer hanggang sa may makita akong isang pouch na malakulay ginto. Kinuha ko ito at nilabas.

I slowly opened it and there I saw a necklace. I picked it up and hanged it in the air. It is a golden lace and a spherical 2D  blood-colored moon pendant. It's been a while since I last wore this. Actually, I almost forgot it's existence. My Dad gave it to me but, he said that my grandmother owns it which, I unfortunately didn't get the chance to meet. She died before I was even born.

"Wow, Clard, it's so beautiful..." 'di ko namalayang nasa likod ko na pala si Zain.

"Exactly, where did you bought that moon necklace, Clardey? It must cost a lot." komento naman ni Kiefer na nasa likuran ko na rin.

"Dad's Mom owns this. Nakalimutan ko ng gamitin kaya matagal natago."

"Omyy, Ipapamana mo na ba sa'kin 'yan, Clard? Thank you ha, 'di kita makakalimutan." Nakahawak sa dibdib na sabi ni Zain.

What the—Mamatay na ba ko at papamanahan ko siya?

"According to my Dad, may story daw behind this necklace. Kaya, 'di ko 'to ibibigay sa kung sino-sino."

Planet AcelatoriaWhere stories live. Discover now