Chaptah Terti-wan

3 0 0
                                    

Cruel~


Nakarating na kami ngayon sa palasyo ng Eros. Kasama ko sila Zain pati na rin si Sgt. Harvey at Celeste. Naiwan si Greg sa Ace dahil kailangan siya doon lalo na't tuloy ang party. Oo, si Samantha ang ipapakilalang asawa ni Xavier. Pero hindi ko muna iniintindi 'yon ngayon dahil mas iniisip ko ang mga magulang ko.

Pa'no kung nandito na talaga sila? Bakit ayaw nilang magpakita sa'kin?

Nagdire-diretso ako sa aking kuwarto leaving my companions at my back. Kailangan ko nang makumpirma ito. Agad-agad.

Hinalungkat ko ang drawer ng aking side table kung saan nakalagay ang ipad na ipinadala sa'kin dito nila Dad. My friends entered the room as well as Celeste and Lucas. Si Sgt. Harvey lang ang naiwan sa labas ng aking kuwarto. They shot me curious gazes.

When I finally get a hold of the gadget, I put my palm on top of it. It vibrated and form circle like waves. Matagal bago may sumagot ng tawag.

"Clardia,"

"Ate Jesria," I called my cousin. Mas kinutuban ako nang siya ang sumagot ng tawag.

"It's nice to see you again, Clardia. Bakit ka napatawag? Ayos ka lang ba d'yan?" she asked looking with concern at me.

I nodded. "I'm fine, Ate. But, where's Mom and Dad?" napalunok ako ng laway sa sarili kong tanong.

"Ah, them? Wait, you haven't met them yet? Akala ko sinundan ka na nila d'yan a few days ago."

"Few days ago?" my brows knitted.

"That's what I—"

"Jesria!"

Naputol ang sasabihin ni Ate Jesria nang marinig ko ang pagtawag ni Tita Margaux sa kanyang pangalan. In a second, biglang nagpakita na rin siya sa screen, widening her eyes at her daughter.

"Tita," I called her.

"Oh, i-ikaw pala 'yan, Clardia. Kamusta ka diyan? B-Bakit ka napatawag?" she smiled at me. But, I can sense the nervousness in that smile.

"Totoo bang nandito na ang mga magulang ko, Tita? Totoo bang ilang araw na sila dito?" diretsahang tanong ko. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy. Everything is so obvious now.

"H-Ha? Eh, hindi totoo 'yon, Clardia. Akala lang ng Ate Jesria mo na naka-alis na sila but, they are staying at their agency. Marami daw silang trabaho ngayon kaya hindi pa maka-uwi dito sa bahay."

"Is that so, Tita? But I saw Dad earlier. And I'm certain that it's him."

Napatahimik si Tita. Tila hindi alam kung paano na ito lulusutan ngayon. "Tita, please, just tell me kung nandito na sila. I need to talk to them. Babalik na akong Earth..."

Nanlaki ang mata ni Tita at Ate Jesria sa sinabi ko. They seems happy of the news. Ako lang ata ang hindi.

"Talaga ba, Clardia?" si Ate Jesria.

"Yes, Ate..."

"Siguro useless na ring itago ko pa sa iyo ito, Clardia," my Tita said. "Oo, nandyan na rin sa planetang 'yan ang mga magulang mo pero may inaasikaso pa sila kaya siguro hindi pa nagpapakita sayo."

Planet AcelatoriaWhere stories live. Discover now