CHAPTER 8

17 6 0
                                    


"Pres oh!" dahan dahan kong ibinaba ang mga painting na dala ko.

"Ikaw na rin ang maglagay kung saan mo gusto ilagay" sabi niya dahil busy siya sa ribbon na hawak niya.

Tiningnan ko ang isang painting ko ang name is "Truth" mata iyon na color brown, para sa akin wala lang siya pero kapag nakikita iyon ng ibang tao sinasabi nila na parang malungkot ang mata at may dinadalang sakit pero dapat manatiling matatag kaya walang luha at dahil sa mga sinasabi nila  pianangalanan ko na "truth"

Nilagay ko iyon sa tabi ng painting na ang title is "limitations of dreams". Isa siyang dream catcher na iba-iba ang kulay. Bumalik ako sa dalawa ko pang painting at kinuha ang "My Weapon" rose iyon pero mas emphasize ang thorns niya. Nilagay ko iyon sa tabi ng painting ni Zabeth which is "Time Saver" may malaking orasan at may babaeng nakaupo sa ituktok no'n di ko alam ang ibig sabihin but for me it means the time is important and feeling ko bilang na lang ang oras ng babae, nakahospital gown ata kulay white kase ang suot.

Bumalik ako sa isa ko pang gawa na "Silent Night" this is my first painting. Gabi siya and punong puno ng stars at napaka-bright ng moon tsaka may mountains and two coconut trees at tatlong kulay lang ang ginamit ko; black, white and gray.

"Nailagay ko na pres, ano pa pwedeng gawin?" lumapit ako at hinawakan ang mga kartolina.

"Rest, balik ka na sa room. Tumulong ka na nung kahapon kaya iba naman." tumango ako at nag-ayos na ng sarili, pinunasan at pinusod ko na pataas ang buhok ko.

Lumabas ako at saktong labasan na din ng mga basketball players, nagdahan-dahan ako sa paglalakad para hindi ko maabutan si Caliber, hindi pa rin niya ako pinapansin. Galit talaga siya pero okay nga lang diba self!? Okay lang talaga...

Patuloy ako sa paglalakad at nagulat ako ng biglang may nagsalita malapit sa likod ko. "Bukas ha bawal mawala ang isa!"

Napalingon ako at nakita ko ang captain nila na si Caliber lang naman, binilisan ko ang paglalakad ko kaso may tumawag sa akin.

"Zarielle!" tawag ni Jason, kapatid ng kaklase ni Kuya na madalas sa bahay namin at sinasama siya.

"Bakit?" tanong ko, huminto silang lahat sa harap ko at halatang iritado si Caliber.

"Pupunta si Kuya sa inyo, punta rin ako tapos paturo magpaint"

"Sure—"

"Halika na nga!" anyaya agad ni Caliber at hinatak si Jason kaya walang nagawa si Jason at ang iba pa kundi ang sumunod.

Ganon siya kagalit, ayaw niya ng ipakausap sa akin ang kahit sino. Nakakairita! Bakit kase inako ko ang kasalanan ng iba. Grrr! Ayoko naaaaaa.

"Woi babae, anong ginagawa mo sa gitna ng hallway?" tanong ni Zabeth.

"Ahh papunta na akong room" isinukbit niya ang kamay niya sa braso ko at bago na naman ang kanyang relo.

"Oh nakatingin ka na naman sa relo ko" sabi niya habang naglalakad kami.

"Grabe! Rolex na naman" napakagastadora talaga ni Zabeth pero okay na iyon at least matalino naman siya at mayaman naman ang gaga.

Nakabalik na kami sa room at kumain na lang, 30 minutes na lang din naman ay uwian na. Nung lumabas kami ni Zabeth marami ding students ang nasa gate, nakatsismis naman si Zabeth.

"Excuse me, excuse me" hatak hatak ako ni Zabeth at hinahawi niya ang tao buti na lang at hindi naman ako nasasaktan sa ginagawa niya.

"Ano ba yan!?"
"Singit pa!"

Hindi talaga mawawala ang magreklamo, gawain na ng tao iyan ih. Pagpunta namin sa harap ay nakita namin ang dalawang babae este isang babae at isang feeling babae chos isang gay. Gulo-gulo ang buhok ng babae at puro kalmot naman ang gay, walang umaawat dahil wala pang nagsusumbong sa guidance.

"Napakalandi mong bakla ka!" nagulat kami ni Zabeth ng biglang sugurin ng babae ang gay na nasa harap namin, ayokong madamay!

"Bat nandito kayo!?" Nagulat ako ng hinatak ni Caliber si Zabeth at himatak ako ni Zabeth.

Nung nakaalis na kami doon sa crowd ay salubong na salubong ang kilay niya.

"Napakakulit" tinalikuran niya kaming dalawa ni Zabeth.

"Zabeth nandito ka lang pala! Uwi na tayo" sabi nung driver niya. Kumaway si Zabeth sa akin at sumama na kay Manong.

Nanliit ang mata ko kay Zabeth, anong tinatago ng babae na'to. Bakit lagi siya tinitulungan ni Caliber? MU ba yung dalawa? Malanding ugnayan ganon? Sakit naman sa heart.

"Panget! Nakitsismis ka noh!' tiningnan ko si Zamuel ng nakataas ang kilay.

"Anong pake mo? Inggit ka? Makitsismis ka rin" tinalikuran ko siya at pumunta sa parking lot at hinanap ang kotse niya.

Nakakabadtrip, anong meron kay Zabeth at Caliber? Talagang kaibigan ko pa ah. Sarap niyang ibaon sa hukay mga 6 feet under the ground ganon. Nakakainis! Ganon ba ang galit niya? Pagselosin ako? Pwes di ako nagseselos, magsama kayo.

Naka-lock ang kotse kaya hinintay ko pa si Zamuel na makabalik. "Ang tagal mo!"

"Grabe noh, sugatan na yung babae" bungad niyang sabi.

"Oh? Anyari?" pinitik niya ako sa noo, ang sakit ah!

"Dyan ka magaling eh, tsismis!" Napaka epal talaga ng panget na'to.

Inirapan ko na siya, pinatunog na niya ang sasakyan at sumakay na ako doon. Nakakairita lahat ng tao ngayon. Wala na ba ailang alam gawin kundi ang asarin, inisin at pagselosin ako.

"Luh badtrip ka girl?" Nakakabadtrip talaga!

"Oo bakit may problem ka don?"

"Wala nga ih wala talaga" pinaandar na niya ang kotse.

"Paano ka magselos?" Tanong ko bigla.

"Hindi ako nagseselos" sana all na lang kapatid.

"Bakit?" Astig naman niya, hindi pala seloso ang isang Zamuel.

"Dalawa ang ibigsabihin ng pagseselos. Una kase mahal mo yung tao. Pangalawa, wala kang tiwala sa pagmamahal niya sayo at wala kang tiwala sa sarili mo. At kapag walang tiwala, wala din yang pagmamahal mo" kahit naman pala panget si Zamuel eh may alam din naman palang seryoso, pareho naman pala kami ng mindset.

Medyo pareho lang pala.

"So, hindi pala ako nagseselos" hindi talaga!

"Syempre, wala ka naman karapatan eh" tumawa siya kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Akala mo may lovelife wala naman, wawang Zamuel" pang aasar ko.

"Nagseselos wala namang label" di pa nga ako umaamin dzuh!

"Di nga kami MU eh label pa kaya" awts naman. Kung kelan kase na nagugustuhan ko na siya  tsaka pa nafuck up ang lahat.

"Edi 'nagseselos wala na mang karapatan' na lang" humalakhak siya kaya lalo ko lang siyang sinamaan ng tingin. Napaka—hmmmp basta ang epal!

"Mamaya pupunta sila sa bahay, lumabas ka ah. Magluluto ako" sabi ni Kuya.

"Bakit ano meron?"

"Plano kung paano lalaro ang mga bagong senior"

Sh*t ibig sabihin kasama ang captain!

You Are My Amethyst (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon