"Uuwi muna kami anak ha, si uncle mo ang magda-drive sayo pauwi sa atin. Take care always, iloveyou" hindi pa ako nadidischarge dito sa hospital ay umuwi na agad sila Mommy, may emergency raw na nangyari kaya kailangan nilang umuwi. Si Kuya, 3 days ago nung umuwi siya."Sige po antayin ko na lang po si Uncle and yung sasabihin ng doctor kung kelan ako pwedeng umuwi. Ingat po, iloveyou!" lumakad na si Mommy papunta sa pinto ng room ko.
So I guess I'm all alone here...
Dinampot ko ang cellphone ko at hinanap ang pangalan ni Zabeth.
Zarielle:
Hey
Zabeth:
What?
Zarielle:
I'm bored
Zabeth:
Just rest
Zarielle:
Gawa mo?
Zabeth:
Listening to our teacher while typing my messages for you, stop texting me. I'm studying!
Zarielle:
Oh you're busy, sorry. Good luck!
Shems nagulo ko ba siya? Bakit galit siya sa akin? Galit ba siya? Eh parang galit eh.
Hinanap ko yung name ni Caliber at siya naman ang tinext ko. I'm really am bored.
Zarielle:
Hey!
Baril:
Hey, how are you? Need anything?
Zarielle:
Nothing, nanggugulo lang
Baril:
Magpahinga ka na lang, mas makabubuti 'yon sayo.
Zarielle:
Eh lagi na nga lang akong nakahiga, ano ba meaning ng rest niyo? May iba pa bang meaning 'yan?
Baril:
Talk to you later, nakikinig ako may teacher sa harap baka mapagalitan din ako kagaya ni Elizabeth
Itatanong ko sana kung bakit napagalitan si Zabeth kaso naalala ko na baka ako yung dahilan at baka mapagalitan din si Caliber. Grabe ayoko naman maging panggulo sa kanila. Nakakahiya naman, kakausapin ko na lang si Zabeth kapag nakauwi na ako. Napagalitan sita dahil sa akin! Hindi okay iyon.
Binuksan ko na lang ang TV at nanood ng kung ano-aning movies hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako kase feel ko may nagbukas ng pinto at tama naman ako, pumasok si Doc.
Sinabi niya na pwede na raw ako makalabas bukas, ayusin na lang daw ang mga bill sa hospital. Agad ko namang sinabi iyon kay Mommy, tinawagan ko siya sabi niya si Uncle na raw ang bahala, bukas daw paniguradong nandito na si Uncle.
Gabi na pero hindi na ako nag-attempt na makipag-usap sa dalawa baka kase busy pa rin sila tapos makagulo na naman ako. Ayoko naman na nakakaistorbo sa kanila kaya hahayaan ko na lang sila, kung gusto nila akong kausapin, edi kausapin nila ako. Maghihintay na lang ako na sila ang unang kumausap sa akin para at least alam kong hindi na sila busy diba?
***
"Uncle!" sigaw ko nang makita siyang pumapasok sa room ko.
"I miss you, ang tagal nating hindi nagkita" niyakap niya ako.
Close kami ni Kuya sa kanya since siya lang naman ang Tito namin sa side ni Mommy. We used to play board games nung bata pa kami ni Zamuel. Nag-aaral pa lang kase sa college si Uncle nung time na iyon at si Mommy ang nagpapa-aral sa kanya kaya sa bahay siya nakatira at siya ang tagapagbantay namin ni Zamuel. Naalala ko pa noon kahit marami siyang ginagawa pinupuntahan pa rin niya kami sa kwarto para silipin at bigyan ng makakain or minsan ay patutulugin muna niya kami bago siya magbasa ng mga makakapal niyang libro.
"Uncle, aalis na tayo?" tumango siya.
"Maya-maya kakabyahe ko lang, kakain muna ako then pagbalik ko aalis na tayo" lumabas siya sa room ko.
Ako na naman mag-isa hanep!
30 minutes atang nawala si Uncle tapos bumalik siya. Naayos na raw niya yung bill sa ospital kaya aalis na raw kami.
Sumakay na ako sa kotse niya, nasa front seat ako. Inilabas ko ang earphones ko at inilagay iyon sa tenga. Matagal-tagal din anc byahe namin kaya pwede pa akong umidlip.
Ipinikit ko ang mata ko at nag-imagine ng kung ano-ano pero wala eh hindi effective. Hindi ako nakatulog. Tinry ko namang magscroll sa social media accounts ko, nalibang ako sa mga memes na nabasa ko kaya medyo natanggal ang stress ko. Nabago ang mood ko, parang gusto ko ng tumalon-talon tapos mag-tumbling sa gitna ng kalasada charing!
Nang magsawa ako sa kakascroll, pinatay ko muna ang phone ko at tumingin na lang sa bintana. Ang ganda nung mga bahay na nadadaanan namin, ang lalaki rin ng mga puno. Ang sarap siguro tumira sa lugar na ito, mukhang payapa eh parang walang gulong nangyayari. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan kaya naisipan kong daldalin si Uncle.
"Uncle, hindi ka pa ba mag-aasawa?" nasa thirty's na kase sita tapos sa pagkakaalam ko wala pa siyang asawa.
"Soon" napakatipid naman niya magsalita, panira ng conversation eh. Sinusubukan ko ngang siraan ang awkwardness eh.
"Ah so may girlfriend ka?" nasanay na kami ni Zamuel na ganyan makipag-usap sa kanya at hindi naman siya nagagalit sa amin.
"..." ang tahimik niya talaga, so silence means yes ba?
"Uncle, paano kung sabihin ko sayong may boyfriend ako, magugulat ka ba?" hindi ko na alam ang isusuno kong tanong kaya sana mapahaba ang topic na ito jusme.
"Hindi" okay sabi ko nga, try harder self. Tumahimik muna ako at tumingin sa bintana, iniisip ko kung ano ang pwedeng isunod na tanong.
"Uncle, gusto mo ba ng damo?" yan yung pumasok sa isip ko eh, bahala na. I know it's nonsense but I really hate silence right now.
"Aanhin ko naman ang damo?" Oh diba nagtanong na siya. Ako naman ang mage-end ng conversation namin.
"Ewan ko" nagkibit balikat na lang ako at pinagpatuloy ang pagmamasid sa labas.
"Bored na bored ka na 'no?" obvious ba?
"Uncle may tumatawag" kinuha agad niya ang phone niya at sinagot ang tawag.
Ilang minuto silang nag-usap at ibinaba niya na iyon. Ipinahawak niya muna sa akin ang phone at inutusan pa akong hanapin ang picture naming tatlo ni Kuya. Nahanap ko naman agad iyon pero bago ko pa man masabi na nahanap ko na, may tumawag na naman.
"Sino?" tiningnan ko ang pangalan ng caller.
"Engineer Wagner ang nakalagay"
"Ano na naman ang problema?" bulong niya at kinuha agad anf cellphone sa kamay ko.
Tumingin na muna ako sa labas at nanlaki ang mata ko ng makita si Krisden na tumatawid kahit paparating ang kotse na sinasakyan ko.
"KRISDEN! UNCLE!" sigaw ko, agad namang inikot ni Uncle ang steering wheel papunta sa kanan at iniwasan si Krisden kaso may malaking puno kaya inikot na naman ito ni Uncle papuntang left kaso huli na ang lahat, nahagip pa rin ng kotse ang puno, napuruhan ang side ko. Tumama ang ulo namin sa dashboard at ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko papuntang pisngi.
"Zarielle! Si Uncle 'to, 'wag kang matutulog. Hey! Sabing 'wag eh" narinig kong sabi ni Uncle pero sobrang hilong-hilo na ako. Blirr na rin ang paningin ko, nakadukdok na rin si Uncle at may dugong umaagos sa mukha niya.
"A-Ate...Z-Zarielle" boses iyon ni Krisden, hindi ako nagkakamali. Gusto kong itanong kung okay lang ba siya pero hindi ko na kaya, tuluyan ng sumara ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
Fiksi RemajaAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...