"Class, kailangan niyo nang masasalihan na club bago mag-end ang july. Plus point yan sa mga subject teachers niyo. Sa August ang Intramurals at sa October ang Cluster Meet. Sa November ay Field trip and then sa first or second week ng December ang Christmas Party niyo. Napagdesisyunan na din ng mga teachers na sa February 26 ang JS prom. Nakaka-excite noh? Sarap bumalik sa high school" umingay ang room dahil sa announcement ni Ma'am Villanueva.Iniisip ko ngayon kung saang club ako sasali, gusto ko sa Art club pero parang maganda din sa Math-alino Club. Sa Art club na nga lang. Sumama sa akin si Zabeth, sa club na sasalihan ko. Doon na lang din daw siya. Maganda siya magpaint! Sobra kapag nakita niyo ang mga gawa niya maaamaze kayo.
"Sasali po kami sa Art club" tumango ang president ng club at ibinagay sa amin ang form na sasagutan. Pangalan, section tsaka Mapeh teacher lang naman ang sasagutan pero may nadagdag lang na tanong na ano daw ang nagtulak sa amin na sumali dito.
Ipinasa namin ni Zabeth ang papel at umalis na kami doon. Ipapatawag naman lahat ng members kapag may kailangan na.
Bumalik na kami sa room dahil isang oras lang ang ibinigay ni ma'am para makasali kami. Pwede pa naman mamayang recess or after lunch pero madami na daw ang mga students kapag ganoong time na kaya mas pinili namin ni Zabeth na ngayon para wala ng problema mamaya.
Pagbalik namin sa room ay nagkakagulo na naman. Nakita ko si Caliber sa tabi ng upuan ko at mukhang bagot na bagot. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya, baka kapag nalaman niya magalit siya sa girl at lalong maghiganti yung girl tsaka baka may copy pa yung girl ng video tapos ilabas agad iyon. Mahirap gumawa ng aksyon sa ganitong sitwasyon.
"Sino kapartner mo sa prom?" tanong niya bigla ng naupo ako sa tabi niya.
"Uhm...malayo pa yon ah pero baka hindi ako makasali" sayang nga eh, wala akong gown at mas lalong hindi ako magpapabili. Mabigat pa naman ang gown kaya baka hindi ko kayanin, kung dress lang naman ang susuotin ko, ayaw ko naman ng dress lang kase mayayaman ang tao sa Campus baka ako lang ang magdress.
"Ah ganon? Sige iba na lang aayain ko" ngumisi siya pero nawala din iyon ng napagtanto niya na wala akong pake sa kung sino man ang susunod niyang aayain para sa JS prom na iyon. Wala akong pake.
"Good Morning class" sabi ng medyo bakla naming teacher.
"Ito ang group 1" turo ni ma'am sa first column ng upuan.
"Group 2" turo sa second column.
"Group 3" kami iyon.
"Group 4" sa kabilang column.
"May inihanda akong bagay sa harap ng table na kailangan niyong ipagtanggol. Ang title ng activity natin ngayon ay "Ipaglaban mo ako"
Pinabiliog namin ang upuan atsaka nag-usap kung sino ang mag-re-representative sa amin.
"Ako na lang" sabi ni Caliber.
"Si Zarielle na lang kaya, lagi ka namang natatalo ni Zarielle" grabe medyo na kaka offend yon.
"Uy hindi ah!" Sabi ko.
"Asus pa-humble pa, ikaw nalang" umiling ako pero sinuportahan siya ng iba pa naming kagrupo.
"Ma'am si Zarielle po ang amin" si Caliber ang nagsabi. Nakangiti siya pero alam kong peke iyon. Medyo nasaktan naman ako, may konsensya pa rin ako.
Tumayo na ang mga representative sa harap, kasama ako. May bunutan doon at pinabunot kami ni Ma'am ng isa.
"Perang papel" medyo um-okay naman ang pakiramdam ko dahil perang papel, medyo matatalo pa ng iba.
"Panyo" sabi naman ng group 4. Medyo problemado sila sa panyo, paano kaya niya ipapaliwanag ang side niya?
BINABASA MO ANG
You Are My Amethyst (Completed)
أدب المراهقينAko si Zarielle Tayne Guardian, a normal student pero may kakaiba sa akin. Simula ng malaman namin ang sakit ko, nagbago ang lahat. Biktima ako ng bullying. Pero dahil din doon may nakilala akong dalawang tao na handang damayan ako. Si Caliber at si...